Napapabuntong hininga si Cullen ng maramdaman niyang may tumabi sa kaniya sa pag-upo. Alam niya na kung ano ang kasunod na gawin nito. Kabisado niya na ang galawan ng mga lalaki. Hindi niya ito pinansin ng marinig niya ang pagtikhim nito sa tabi niya.
“Can I be with you tonight,” Mas lalong napangisi si Cullen ng marinig niya ang sinabi nito. Tinunga muna niya ang beer na hawak niya. Pagkatapos ay seryosong binalingan ng tingin ang lalaking nasa tabi niya. Aaminin niyang may hitsura din naman ito at matangkad. Halos Puno rin ng tattoo ang maskuladong katawan nito. Pero hindi siya interesado sa lalaki.
“Hindi ako pumapatol ng lalaki.” Nakangising aniya dito. Nakita naman niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito sa kaniya. Pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. At ng makumperma nito ang buong kasuotan niya ay napapangisi ito sabay iling. Pagkatapos ay inisahang yarok nito ang hawak na babasaging baso na naglalaman ng alak.
“Hindi ka naman mukhang lalaki eh. Ang badoy nga lang ng style mo sa pananamit. And I admit it. Bagay sayo, at alam kong hindi ka rin barako. Dahil ilang beses na kitang nakikita dito sa mga nakalipas na buwan.” Napatitig siya sa lalaki na ngayo'y kinikindatan siya habang nakangisi ng nakakaloko. Kaya hindi niya na napigilan ang sariling hampasin ito sa braso ng malakas.
“Baliw ka talaga!” Nakangising aniya. Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa nito sa Lugar. Napapatingin pa nga sa gawi nila ang ibang nasa malapit lang sa kanila. Agad siya nitong inakbayan at ginulo ang kaniyang buhok. Kaya bahagya niya itong sinikmuraan.
“Ikaw na babae ka! Ano yung nabalitaan ko na nagta-trabaho ka raw bilang kasambahay ha! Baliw ka na nga Cullen!” Nanggigigil na wika nito sa kaniya habang sinasakal siya nito gamit ang malaki nitong braso.
“ Tsk! Gusto ko lang namang magpahinga eh. ano bang meron don?.” Pangangatwiran niya pa sa lalaki. Binitawan naman siya nito at ginulo muli ang kaniyang buhok.
“Kapag ito nalaman ni Yeden, talagang susugurin ka non. Broken hurted pa naman ang babaeng 'yon.” Wika nito na ikinatawa naman niya.
“Nasaan ba si Vander, bakit mag-isa ka lang.” Tanong niya sa lalaki.
“Para namang hindi mo kilala ang kaibigan mong yun. Nagpapakasasa na naman yun sa mga babae dito. Si Yeden naman ayon! Nagkukulong sa kaniyang Condo.” Napatango naman siya. Pagkatapos ay tinawag si Thunder. Ang Bartender.
“What is it ‘Milady’?” Bungad ka agad nito sa kaniya.
“Hey Dude!” Bati nito kay Damon. Nag fist bump naman ang dalawa.
“Masyado ka nang nagpapayaman Thunder Dude! Maghanap ka na ng babae mo! Mahirap mag-isa sa buhay.” Nakakalokong wika ni Damon sa lalaki. Habang siya naman ay nakikinig lang.
“Nahhh, ibahin mo ako sa inyo Damon! Mabubuhay ako kahit walang babae.” Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Damon dahil sa sinabi ni Thunder.
“Diyan na nga kayo! Maghahanap muna ako ng lalaki ko!” Nakangising aniya sa dalawa! Mabilis pa sa alas kuwartong napalingon ang dalawang lalaki sa kaniya.
“Ang kaibigan ba talaga natin ‘to Damon Dude! Aba! Mag pa-party na ba tayo!?” Nginisihan niya lang si Thunder at itinaas ang kaniyang dirty finger sa dalawa. Bago siya tuluyang tumalikod ay rinig na rinig niya pa ang malakas na tawanan ng dalawa! Kaya napapailing nalang siya.
“Kahit na kailan talaga mga loko-loko kayo!” Wika niya sa sarili pagkatapos ay tuluyan ng tinalikutan ang mga ito.
Agad siyang nagtungo sa Dance floor at doon marahang umiindak. Sinasabayan niya ang bawat tugtog na pumapailanlang sa buong bar. Marahan niyang iginigiling ang kaniyang katawan, itinaas niya pa ang kaniyang dalawang kamay habang nakapikit. Pero agad din siyang natigilan ng may maramdaman siyang mga kamay na biglang pumulupot sa kaniyang baiwang.
Hinayaan niya lang ito at ipinagpatuloy ang kaniyang paggiling. Naramdaman niya ang matigas nitong katawan na bahagyang hinahapit siya para mas lalong mapalapit pa ang katawan niya sa istranghirong lalaki.
Hindi niya ugali ang makipag sayawan sa kahit na sinong lalaki. Pero sa pagkakataon na ito, nagawa niyang hayaan ang kung sino mang lalaki na hawakan ang katawan niya. Bahagya pa siyang napapa-igtad ng maramdaman niya ang kamay nitong bahagyang pinipisil ang pang-upo niya. Agad na nag-init ang mukha niya. Hindi dahil sa nagugustuhan niya ang ginawa ng lalaki. Kung hindi ay dahil sa galit na nararamdaman niya dahil sa kabastusang ginawa nito.
Agad niyang nilingon ang lalaking nasa likuran niya. Pero agad din siyang napatanga dahil kinakailangan niya pang tingalain ito. Bigla siyang nagulat ng makita niya ang hitsura nito. Hindi niya alam kung bakit para bang namagnet ang mga mata niya para matitigan ang lalaki. Lalong lalo na sa kulay asul nitong mga mata.
Minsan lang siya humahanga pagdating sa appearance ng mga lalaki. Pero sa pagkakataon na ito, hindi sapat ang salitang guwapo lang kung i-discribe niya ang mukha nito. Para kasi itong Greek god sa paningin niya. Samahan pa sa mga tattoo nitong nagbibigay attraction sa kahit na sino.
Nginisihan niya ito at mas ibinaba niya pa ang kaniyang suot na sumbrero para hindi nito makita ng tuluyan ang mukha niya. Pero nagulat siya dahil bigla itong kinuha ng lalaki at sa isang iglap lang, mabilis nitong kinuha ang kamay niya at hinila papalayo sa mga nagkukumpulang mga tao na nagsasayawan.
Ubod lakas na hinablot niya ang kaniyang kamay. Pero agad din siyang napadaing dahil sa sakit. Napakahigpit kasi ng pagkakahawak nito sa kaniyang kamay, at kung yatangkain pa niyang hilain muli. Natitiyak niyang mapuputol na ang braso niya dahil sa subrang lakas ng lalaki.
“Sandali nga lang! Get of me!”Inis na sigaw niya sa lalaki. Hindi siya madaling mainis, pero talagang nakuha nito ang atensyon niya. Kung makahila naman din kasi ito para namang magkakilala sila.
Dinala siya ng lalaki sa counter kung saan doon siya naka-upo kanina, bumungad kaagad sa kaniya ang nakangising si Thunder habang nagpalipat-lipat ang makahulugan nitong titig sa kaniya at sa lalaki.
Sinamaan niya ng tingin ito na ikinangisi lang ni Thunder. Marahil nagtataka ito kung bakit may Kasama siyang lalaki gayong kilala naman siya na walang pakialam pagdating sa mga lalaki. Hindi siya interesado sa mga ito. Bukod kasi sa wala siyang interest sa mga ito. May mas malalim pa siyang dahilan. Ayaw naman niyang manira ng buhay ng iba. Kaya nakontento na siya na palaging mag-isa.
Bumuntong hininga siya at mabilis na tumayo at naglakad papalabas ng bar, habang naglalakad siya ng mabilis ay napapatingin siya sa kaniyang suot na relong pambisig. Lampas alas nuwebe na ng gabi kaya kinakailangan niya ng umuwi dahil baka hindi na siya makakalabas pa sa susunod.
Pero hindi pa nga lang siya nakakalabas, may matitigas na kamay na ang biglang pumigil sa kaniya.
“And where do you think you're going?” Agap nito sa kaniya. Mabilis naman niya itong nilingon habang hindi na maipenta ang mukha niya.
“What you want.?” Walang emosyong tanong niya sa lalaki. Nakita naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
“What’s your name?” Tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig dito. Baliw siya kung hindi niya aaminin sa kaniyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing matitigan niya ang asul nitong mga mata.
“And why would I tell you my name?” Balik Tanong niya rito. Nagkibit balikat naman ito at mas lalo pang tumitig sa mukha niya.
“Because you got my attention, simple as that.” Dretsahang wika nito sa kaniya. Bagay na ikinangisi niya sabay iling.
“Cullen, call me Cullen. Wag mong kalimutan yan sa susunod nating pagkikita.”
Pagkatapos niyang sabihin yon ay mabilis na siyang lumabas ng bar. Nagpaalam muna siya sa mga bouncer at mabilis na sumakay ng taxi para umuwi.
“Heh! You got my attention huh?! Asshole!” Wika niya sa kaniyang sarili ng makasakay na ng taxi.