chapter 1

1217 Words
Tagaktak ang pawis ni Cullen ng matapos niya na ang kaniyang nilalabhan. Pagod na pagod siya dahil halos buong araw din siyang naglalaba. Mga malalaking comforter at naglalakihang mga kurtena kasi ang mga nilalabhan niya dahil uuwi daw ang kanilang amo sa susunod na araw. Kaya nagpapalit sila ng mga dambuhalang kurtena sa buong mansyon. Maging ang mga malalaking carpet din ay sa kaniya naatasang gawin. Dahil ang sabi pa sa kanilang Mayor doma na si Aling Belen ay walang maaasahan sa mga kasama niya. Kaya pagdating talaga sa mga mabibigat na bagay ay sa kaniya naatas ang lahat. Hindi naman din siya nagreklamo pa dahil sakto naman sa kagamitan ang mansyon kaya hindi siya nahihirapan. Sa isang buwan na pamamasukan niya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya ay marami na siyang natutunan. Tahimik din ang buhay niya kaya kahit papaano ay panatag naman siya. “Oh Cullen. Tapos ka na ba sa paglalaba,?” Agad siyang napatingin sa Ginang na si Aling Belen. Nasa kumidor siya sa mga sandaling ito dahil bigla siyang nagutom. “Tapos na po Aling Belen. May pagkain pa po ba? Bigla po akong nagutom eh.” Aniya pa sa Ginang. Ngumiti naman ito sa kaniya. “Aba'y meron naman. Sandali at ipaghahanda kita, mga tira-tira nga lang ito kanina no'ng pananghalian natin. Magluluto pa ako mamaya sa ating hapunan.” Wika pa nito. “Tutulungan ko na po kayo Aling Belen.” Presenta niya sa Ginang. Bigla naman itong ngumiti habang ipinaghahain siya nito ng pagkain. “Aba'y hindi ako tatanggi lalo pa't alam kong masarap kang magluto.” Wika pa nito na ikinangiti niya ng palihim. “Bukas ng umaga ikaw ang aatasan kong mamalingke ha, dahil alam mo naman ang ibang mga kasamahan mo dito. Magiging busy din sila dahil marami akong iuutos sa kanila. Bukas na kasi darating ang Seniorito kaya kailangan maghanda tayo. Dahil alam kong kasama na naman niya ang mga kaibigan niyang iyon.” Mahabang wika nito. Tumango lang ng bahagya si Cullen habang iniisip ang paparating nilang Amo. Hindi niya pa ito nakikita dahil isang buwan pa naman siya sa mansyon na ito. Sa pagkaka-alam niya kasi, ilang taon rin daw itong namamalagi sa ibang bansa. She's signed. “What now. Ano bang pakialam ko sa kaniya. And why do I think about him. Wala naman akong pakialam sa kahit na sino.” Nakangising wika niya sa sarili habang iiling-iling. Agad na siyang nagsimulang kumain ng mailapag na ng Ginang ang pagkain sa harapan niya. Maya-maya pa ay dumating rin ang dalawang kasamahan niya sa kusina. Nag-kakape ang mga ito dahil kakagising lang pala ng dalawa. Bali lima silang lahat na katulong sa mansyon maliban sa Ginang. At bawat isa sa kanila ay may naka-atang na trabaho. ** Patuloy pa rin na lumipas ang ilang mga oras. Masaya siya habang nagluluto kasama ang Ginang. Aaminin niyang minsan lang siyang may nakaka-usap na iba maliban sa mga kaibigan niya. Yung iba kasing mga kakilala niya ayaw makipag bonding sa kaniya. Boring daw Kasi siyang kasama dahil tahimik daw siyang tao. At walang espesyal. Kaya nasanay na rin siyang walang may gustong makipag-usap sa kaniya dahil sa ugali niyang tahimik. Eh ano naman ang magagawa niya gayong wala siyang ganang magsalita. At para sa kaniya ay nakakapagod ‘yon. Nakaka-aksaya ng oras. Naisip niya na mas mabuti pa ang mag-isa, wala pa siyang magiging problema. Kinagabihan, nang matapos siya sa kaniyang mga ginagawa ay dating gawi. Agad siyang nag-papaalam kay Aling Belen upang magpahangin. Laking ipinagpasalamat na'lang din niya dahil pinapayagan siya nitong lumabas ng dis-oras ng gabi. No'ng una ay hindi ito pumapayag. Dahil delikado raw para sa isang kagaya niyang babae na magpapa-gabi sa labas. Pero kalaunan din ay nakumbinsi niya ito at nakuha ang tiwala nito sa kaniya. Dahil ipinagdahilan niya na may importante lang siyang ginagawa. Nagdududa pa nga ito nung una. Pero kalaunan ay napalitan na itong pumayag. ** Pagkalabas niya ng mansyon ay agad na siyang pumara nang taxi papunta sa Lugar na palaging pinagtatambayan niya dati. Suot ang isang maluwag na pantalon at lose shirt, agad na siyang sumakay ng taxi. Napatitig pa sa kaniya ang driver ng taxi ng makita nito ang kabuuan niya. Paano ba naman kasi. Sino ba naman ang hindi mapatitig sa kaniya gayong naka-laylay lang ang matuwid niyang buhok habang naka-suot ng sumbrerong kulay itim. Maging ang pantalon niyang suot ay kulay abo na pinarisan pa ng kulay itim na t-shirt. “Sa Ayala Bar tayo Kuya.” Wika niya sa driver ng taxi. Hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa kaniya sa pamamagitan ng review mirror. Kaya agad na kumunot ang kaniyang noo at nilabanan ang mga titig ng lalaki. “May problema ba?” Kunot noong tanong niya rito. Nakita niya itong napangisi at bahagyang napailing. Kaya hindi niya na ito pinansin pa. Mabuti na'lang dahil kahit papaano pinaandar din nito ang taxi. Pagkarating niya sa bar ay binigyan niya ng limang daan ang driver . “Keep the change.” Wika niya rito at bahagya pang tinapik ng tatlong beses ang taxi at tuluyan na siyang tumalikod. Pagdating niya sa entrance ay agad na bumulaga sa kaniyang ang tatlong lalaking bouncer. Malalaki ang katawan ng mga ito na para bang kahit ano mang oras ay sasabak na sa wrestling. Puno din ng mga tattoo ang katawan ng mga ito. Nang makalapit na siya sa tatlong lalaki ay biglang napangisi ang mga ito at agad na lumapit sa kaniya. “Long time no see Snow! Himala at napadpad ka yata ngayon.” Wika ni Brando. Nginisihan niya lang ito at bahagyang tinapik ang balikat ng tatlong mga lalaki. “Pasok muna ako sa loob.” Wika niya sa mga ito. Tumango naman ang tatlo kaya agad na siyang pumasok sa loob. Sumalubong ka-agad sa kaniya ang maingay at mausok na Lugar. Maging ang amoy nito ay naghahalo narin. Naamoy niya na ang ibat-ibang klase ng sigarelyo, maging ang mga alak. Dumeretso siya sa counter at agad na tinawag ang bartender. Nagulat pa ito ng makita siya. Pero kalaunan ay napangisi rin ito at agad na lumapit sa kaniya. “Long time no see ‘Milady’.” Nakangising bati nito sa kaniya. "Himala at napadpad ka ngayon dito, isang buwan ka ring nawala." Dugtong pa nito. “Yeah. I just got busy at work.” Maikling sagot niya rito na mas lalong ikinangisi nito. “Yeah. I heard that you are working as a housemaid. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako oh matatawa sa mga pinagagawa mo sa buhay.” Iiling-iling na wika nito. Pagkatapos ay agad na kumuha ng isang bote ng beer at inabot sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya sa sinabi nito. Pagkatapos ay agad na tinunga ang alak na nasa harap niya. Habang ang lalaki ay nagsimula na itong mag mix ng mga inumin. Kaya agad niyang iginala ang kaniyang paningin sa buong paligid. Wala pa rin namang nagbago. Sa bagay. Ano pa nga ba ang aasahan niya gayong tambayan ng mga malalaking tao sa lipunan ang bar na ito. Kitang-kita niya pa nga ang mga taong nakakaharap niya na dati. Mukhang nagkakasiyahan pa ang mga ito. Habang ang ibang mga matatanda ay may kakandungan pang mga babae. Napapailing na'lang siya at ipinagpatuloy ang pag-inom ng alak..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD