Pagpasok pa lang ni Cullen sa mismong kuwarto ni Seniorito ay nakaramdam na agad siya ng kakaiba. Hindi niya kasi alam kung bakit kailangan niya pang magpunta sa kuwarto nito.
Pagkapasok niya ay hindi niya ito makita sa kahit saang sulok man ng kuwarto. Marahan niyang inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng silid. Aaminin niyang napahanga siya dahil sa laki at lawak nito. Maging ang kulay ng mga makakapal na kurtena at bedsheet ay nagustuhan niya. Black’n white kasi ito.
Agad na nabaling ang paningin niya sa biglang bumukas na pinto at iniluwa doon si Darius na nakatapis lang ng puting tuwalya. Halatang bagong ligo ito. Kitang-kita tuloy niya ang kumakaway na mga abs nito. Pinilit niya na lang ang kaniyang sarili na baliwalain ito at umaktong walang pakialam.
“May iuutos ho ba kayo sa'kin Seniorito?” Magalang at Pormal na tanong niya sa lalaki.
“ Yeah! Pakipalitan ang bedsheet ko. Paki-linis na rin nitong kuwarto ko.” Malamig na turan nito sa kaniya. Tinanguan lang naman niya ito at mabilis na sinunod ang inuutos nito. Agad niyang pinalitan ang bedsheet ang kama. Maging punda at kumot. Napapabuntong hininga na naman siya dahil paniguradong siya na naman ang maglalaba ng mga ito kinabukasan.
Habang naglilinis siya ay hindi niya maiwasan ang mailang dahil kasama niya ang lalaki sa kuwarto. Hindi man lang ito lumabas. Gusto nga sana niya itong tanungin kung Wala ba aitong balak lumabas para kausapin harapin ang mga bisita nito.
Pero nauunahan naman siya ng hiya dito dahil baka kung ano pa ang isipin ng lalaki sa kaniya. Iksakto namang natapos na siya sa kaniyang ginagawa ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa doon ang isang magandang babae na halos naka hubad na.
Agad na umarko ang kilay nito ng mapatapat sa kaniya. Tinitigan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
“And who are you?” Nakataas kilay na tanong nito sa kaniya.
“Isa po sa mga kasambahay ma'am .” Pormal na sagot niya sa babae. Pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito sa kaniya.
“Oh really? At bakit hindi ka naka-suot ng pang katulong? And why are you here?” Taas kilay na tanong nito sa kaniya.
Napabuga na lang siya ng hininga. Tamad pa naman siyang makipag-usap sa mga taong wala namang kuwentang kausap. Hindi na siya nagsalita. Hinanap na lang ng kaniyang mga mata ang Seniorito. Pero hindi niya ito makita. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta ng hindi niya naramdaman kanina.
“Answer me woman? Bakit nandito ka sa kuwarto ng fiance ko?!” Dahil sa kaniyang narinig ay bigla siyang napabaling sa babae. Ayaw niya itong bastusin. Kaya pinipilit niyang wag itong sagutin dahil baka iba ang biglang lalabas ng kaniyang bibig.
Magsasalita pa sana ito ng bigla na lang bumukas ang isa pang pintuan na hindi niya alam kung saan kuniktado. Pero mukhang naaninag niya na para bang isang library iyon. Iniluwa doon ang Seniorito kaya bigla na siyang napanatag.
“Hey Babe, nandito ka lang pala eh. Kanina pa kaya kita hinahanap sa baba,” maarte nitong sabi sabay lapit sa lalaki.
“What are you doing here Camelle?” Pormal na tanong ng lalaki. At dahil hindi naman siya chismosa ay naisipan niyang lalabas na lang siya.
“And where do you think you're going Ms Raccani?” Biglang napahinto sa paghakbang ang kaniyang mga paa ng marinig niya ang sinabi ng lalaki. Lalo na ang pagtawag nito sa kaniya.
Kunot noo niya itong binalingan ng tingin habang may nagtatanong na mga mata. Gusto sana niya itong tanungin kung paano nito nalaman ang aplyedo niya.
“Lalabas na ho ako Seniorito.” Pormal na sagot niya sa lalaki.
Nakita niya ang kakaibang expression sa mukha nito. Pero hindi niya na ito pinansin pa at agad na lumabas sa kuwarto nito. Gabi na kaya medyo inaantok na rin siya. Pero hindi naman siya puwedeng matulog na lang dahil marami pa silang gagawin.
May mga bisita pa kasi sa pool area kaya wala silang ibang magagawa lahat kung hindi ay ang magtiis hanggang kailan matapos ang mga ito.
Bumalik siya sa kusina para kumuha ng tubig. Mabuti na lang dahil wala doon ang mga kasama niya, mukhang busy ang mga ito sa labas, kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at walang alinlangan na umupo sa sahig at isinandig ang kaniyang likuran sa mismong ref.
Uminom muna siya bago marahang ipinikit ang kaniyang mga mata. Antok na antok na talaga siya dahil wala naman talaga siyang maayos na tulog.
“What are you doing here?” Mabilis na naibuka ni Cullen ang kaniyang mga mata ng marinig niya ang boses na yun. Agad pa siyang napapalunok dahil deretsong nakatitigan niya ang mga mata ng Seniorito.
“Balak mo bang dito matulog sa kusina?” Kunot noong tanong nito sa kaniya.
“Hindi naman ho. Pinagpahinga ko lang ang mga mata ko.” Pormal na sagot niya sa lalaki na mas lalo lang ikinakunot ng noo nito.
“I hate lier's Ms Raccani.” Seryoso nitong wika sa kaniya. Alam niyang may ibig sabihin ang sinabi nito kaya hindi na siya nagsalita pa. Kaya tumayo na lang siya at akmang hahakbang ng bigla na lang nitong hawakan ang braso niya.
“And where do you think you're going?” Gusto niya sanang kaltukan ang lalaki dahil sa tanong nito. Hindi ba nito nahalata na gusto niya itong iwasan. Napakamot na lang siya sa kaniyang noo.
“Pupunta ho sa mga kasama ko Seniorito. Tutulungan ko lang sila sa labas para mas mapadali ang trabaho.” pormal na sagot niya dito.
“No. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Matulog ka na dun.” Biglang nagtagpo ang kilay niya dahil sa sinabi nito.
“Hindi ko puwedeng gawin yan Seniorito. Hindi puweding basta-basta na lang akong matutulog gayong subrang busy naman ng mga kasama ko. Kaya sige ho. Lalabas na ho ako.”
“Papaalisin ko na ang mga bisita ko. Bukas niyo na tapusin ang iba pang mga gawain. Umakyat ka na sa kuwarto mo Ms Raccani. At kapag nagpupumilit ka pa na gawin ang gusto mo. Mapapalitan akong alamin kung ano ang ginagawa mo sa bar ng halos gabi-gabi gayong nagta-trabaho ka dito sa puder ko?!” Biglang niyang naitukom ang kaniyang bibig dahil sa sinabi nito.
Mukhang nahahalata naman ng lalaki ang pananahimik niya kaya bigla itong napapangisi. Bigla itong naglakad ng dahan-dahan papalapit sa kaniya. Habang siya naman ay natuod lang sa kaniyang kinatatayuan.
Bigla itong lumapit sa kaniya ng subrang lapit talaga at bahagyang yumuko sa harap niya na para bang halos amuyin na nito ang leeg niya. Amoy na amoy tuloy niya ang panlalaking pabango nito na para bang nanunuot hanggang sa kasulok-sulukan ng ilong niya.
Aaminin niyang biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya. Pero asa naman ang lalaking ito kung Ipapaalam niya dito ang nararamdaman niyang iyon. Mabuti na lang dahil dahan-dahan din itong lumayo sa kaniya at nginisihan siya nito ng kakaiba. Pagkatapos ay ito na mismo ang lumabas sa kusina. Kaya doon na siya nakahinga ng maluwag.
“Mukhang Hindi yata magiging payapa ang araw ko dito hanggat makikita ko ang mukha ng lalaking yun.” Aniya sa sarili bago nagbuntong hininga at lumabas ng kusina.