chapter 4

1361 Words
Pagdating niya sa kitchen table ay nagsimula ng mag-ayos ang mga kasama niya at si Aling Belen. Kaya mabilis siyang tumulong sa mga ito. Hindi pa nga sila natapos na maghanda ng pagkain ay bigla nang naupo ang limang mga lalaki sa dining table. Pero ang mga mata ng mga ito ay nasa kaniya. Pero wala siyang pakialam kahit tunawin man siya sa mga titig ng mga ito. Lalong lalo na ang Seniorito Darius. Kahit pakiramdam niya ay tumatagos na ang naging pagtitig nito sa kaniya ay hindi niya pinansin ito. Pinanatili niyang kalmado ang kaniyang sarili. Dahil ayaw niyang maapektuhan dito. Marahil Kasi. Iba na ang iniisip nito sa kaniya dahil Nakita siya nitong nag ba-bar kagabi. Pagkatapos ngayon ay madiskubre nito na isa pala siyang di hamak na kasambahay lang. Nang matapos na sila ay kaagad silang tumayo sa gilid. Hinihintay nila kung may iuutos ba ang mga ito sa kanila. Pero natapos na lang ang mga ito ay wala namang utusan na naganap. “Ako na ho ang maghuhugas dito Aling Belen. Magpahinga na ho kayo doon dahil baka ho mapasama pa iyang kamay ninyo.” Wika niya sa Ginang. “Sigurado ka ba?” Panigurado pa nito. Tinanguan niya lang ito ng bahagya. “Oh sige. Kayong dalawa na lang ni Ella ang maghuhugas dito.” “Wag na ho Aling Belen.” Agap ka agad niya sa Ginang. Kaya agad itong tumingin sa kaniya habang may kakaibang ngiti sa mga labi. “Bakit ba panay iwas ka kay Ella ha? Naku. Kayong mga Bata talaga oh. O sige na. Hahayaan na kita dito dahil napapagod na ako kakatayo Cullen. Kaya ikaw na ang bahala dito ha,.” Bahagya niya lang tinanguan ang Ginang. Nang maka-alis naman ito ay kaagad niya nang sinimulan ang kaniyang gawain. Pero habang naghuhugas siya ay may kakaibang presenya siyang nararamdaman mula sa kaniyang likuran. Hindi niya ito pinapansin dahil alam niya na kung sino ito. Aaminin niyang natatakot siyang harapin ito dahil baka kuwestiyunin nito ang patungkol sa pagpunta niya ng bar no'ng nakaraang gabi. Hindi pa naman niya alam kung ano ang isasagot niya. “So, may dapat ka bang ipaliwanag sa akin kung bakit kita nakita kagabi sa bar Ms Cullen?” Bigla siyang natigilan dahil sa biglaang pagsalita nito mula sa likuran niya. Kaya bahagya siyang natigilan. Hindi siya nagsasalita dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Pangalawa, baka malaman pa ni Aling Belen na wala naman talaga siyang trabaho. Ano na lang kaya ang mangyayari? Baka bigla pa siyang mapa-alis sa trabaho. Hindi pa rin siya sumagot sa tanong nito sa kaniya. Pero nagulat siya at biglang napaayos nang pagkakatayo dahil bigla niyang naramdaman ang presensya nito mula sa likuran niya. Ramdam na ramdam niya na subrang lapit nito sa kaniya dahil nararamdaman niya ang hininga nitong tumatama sa buhok niya. She wondered why her heart was founding so fast. “Well, I won't force you if you don't want to answer my question.” Halos pabulong na wika nito sa kaniya. “But do you know what I hate the most?” Tila ba namamaos na ang boses nitong wika. Bigla siyang napapalunok nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa balikat niya. “Iyong binibitin ako Cullen.” Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. Kaya mabilis niya itong hinarap at itinulak papalayo sa kaniya. Alam niya kasi kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Basi na rin sa mga titig nito sa kaniya na kakaiba. Tinitigan niya ito nang walang emosyon sa mga mata. Kaya kitang-kita niya ang pagtatagpo ng makakapal nitong mga kilay. Hindi siguro ito makapaniwala na nagawa niya iyon Lalo pa't isa lang naman siyang di hamak na kasambahay. Samanatalang ito ang mismong amo nila. “Hey dude- oww what's the meaning of this huh?” Agad siyang napatingin sa gawi ni Stev. Kakapasok lang kasi nito sa kusina, at naabutan pa silang magkaharap sa isa't isa. “Kung may gusto pa ho kayong i-utos sa'kin Sir, wag ho kayong mag-atubiling utusan ako. Tatapusin ko lang ho ang trabaho ko.” Purmal na wika niya sa lalaki na matiim na nakatitig sa kaniya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na siyang humarap ulit sa mga hugasin niya. Hindi niya na pinansin pa ang dalawang lalaki sa kaniyang likuran. “C’mon Dude! Paparating na ang mga bisita.” Rinig niyang wika ni Stev. Hindi niya na narinig na nagsalita ang mga ito. Ang tanging nariring niya lang ay ang mga yabag ng dalawang lalaki na papalayo sa kusina. Doon naman siya napapabuntong hininga. Aaminin niyang medyo kinakabahan siya kanina dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniya. “Damn! Siya lang ang nakakapag-pakaba sa akin nang ganito.” Wika ni Cullen sa sarili. Pagkatapos ay mabilis na tinapos ang kaniyang ginagawa. ** Dumaan pa ang ilang mga oras. Nag-papasalamat na lang siya dahil buong maghapon na hindi niya nakikita ang lalaki. Kaya malaya siyang nakakagalaw. Pero akala niya tuluyan nang tatahimik ang buong araw niya. Pero hindi pala yun nangyari dahil biglang may dumating na mga bisita. Kaya ang resulta. Kinakailangan nilang maghanda at magluto nang maraming pagkain at pulutan. Dahil magkakaroon pala nang pool party ang amo nila. Kaya tiyak na magiging busy silang lahat. “ Tulungan mo akong magluto Cullen. Bakit naman Kasi ngayon lang sinabi ni Seniorito na may welcome party pala siya. Eh di sana nakapag handa tayo nang mas maaga.” Tarantang wika ng Ginang sa kaniya. “Wala hong problema Aling Belen. Ako na ho ang bahala dito sa kusina.” Wika niya sa Ginang. Mabilis ang bawat pagkilos nila. Halos lahat na mga kasambahay ay nataranta at naging busy sa pagsisilbi sa mga bisita ng kanilang Amo. Habang siya ay busy sa kusina. Inako niya kasi lahat ang pagluluto. Saka mas okay na rin yung mag-isa lang siyang nagluluto. Dahil mas makakagalaw siya nang mas mabilis. Pero may malalim na dahilan talaga siya kung bakit mas gusto niya pa sa kusina. Ayaw niya kasing makita si Darius. Isa pa, aaminin niyang natatakot talaga siya dahil baka tatanungin na naman siya kung paano siya napunta sa bar. “Hi, Cullen. Grabe nakakapagod naman ang gabing ito. Pero alam mo bang nawala ang pagod ko dahil nakita kita he he.” Napakunot ang noo niya nang marinig niya ang sinabi ni Ella. Bigla na lang itong sumulpot sa tagiliran niya at talaga namang lumapit pa nang mahigpit sa braso niya na para bang tuko. “Yeeeyy.. alam mo bang mas lalo lang akong nagka-crush sayo dahil diyan sa kasungitan mo. Mas lalo akong natu-turn on eh.” Kinikilig pa na wika nito. “Get of me Ella.” Walang ganang wika niya sa babae. Pero imbis na ma offend ito ay mas lalong humigpit ang pagkakakapit nito sa kaniya. “Ano ka ba! Wag ka ngang kj! Pasalamat ka dahil crush kita-” “What are you two doing here?!” Isang matigas na boses na biglang nagpabitaw ni Ella mula sa pagkakayakap sa kaniya. Habang siya naman ay biglang napatuwid nang tayo. “Ah eh. S-seniorito. Nag-uusap lang po kami ni Cullen.” Kinakabahang wika ni Ella sa tabi niya habang naka yuko. Sino ba naman kasi ang hindi kabahan kung kaharap mo ngayon ang isang guwapo at matangkad na lalaki. “Okay. and you Ms Cullen. Sumunod ka sa akin sa kuwarto ko.” Bigla siyang napapitlag dahil sa sinabi nito. Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang itong tumalikod sa kanila. “Teka sandali!” Biglang pigil ni Ella sa kaniya nang akmang lalabas na sana siya sa kusina. Kaya napabaling siya sa dalaga. “Wag kang magpapadala sa kaguwapuhan niya ha? Tandaan mo na ako lang ang dapat na magiging girlfriend mo Cullen.” Nakasimangot na wika nito sa kaniya. Kaya napapailing na lang siya at agad na tinalikuran ang dalaga na nakasimangot pa rin sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya at gustong sabihin sa dalaga na babae siya at hindi barako. “Ano na naman kaya ang kailangan niya sa ‘kin?” Tanong ni Cullen sa kaniyang sarili bago naglakad paakyat sa kuwarto nang Seniorito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD