chapter 3

1296 Words
Pagkarating niya sa Mansyon ng mga Ferrer ay agad na siyang pumasok. Laking ipinagpasalamat na'lang ni Cullen dahil hindi isinara ng Ginang ang gate. Agad na siyang dumeretso sa kaniyang kuwarto dahil nakaramdam na rin siya ng pagkahilo at pagka-antok. Pero bago siya tuluyang natulog ay naglinis muna siya ng katawan bago pa dapang nahiga sa kama at natulog. Kina-umagahan ay maaga siyang nagising dahil may mga trabaho pa siyang dapat na tapusin. Tutulungan niya pa sa pagluto si Aling Belen. Pagkatapos niyang maligo. Nagsuot siya ng isang kulay puting t-shirt na pinarisan ng maluwag na pantalon. Matangkad siyang babae kaya bagay din sa kaniyang ang ganoong ayos. Ang totoo ay mayroon naman talaga silang mga uniporme bilang mga kasambahay. But hell no! Ayaw niyang magsuot ng dress! Buti na lang talaga naiintindihan siya ng ginang, dahil napagkakamalan siyang barako nito. Maging sa kaniyang mga kasama sa bahay ay napahkakamalan siyang tomboy. Natatawa pa nga siya sa tuwing maiisip niya si Ella. Isa sa mga kasambahay, palagi itong nagpapa-cute sa kaniya. Hindi niya ito pinapansin at hinayaan lang. “Oh! Himala dahil maaga kang nagising ngayon Cullen. Aba! Anong oras kang umuwi kagabi?!” Bungad ka agad sa kaniya ng Ginang. Bahagya lang niya itong ngitian. “Maaga po akong umuwi kagabi Aling Belen.” Sagot niya rito. “Ano ho ang lulutuin niyo, tutulungan ko na kayo, mamaya na lang po ako maglilinis.” Aniya sa Ginang. Malawak naman itong ngumiti sa kaniya. “Sige, marami tayong lulutuin ngayon dahil dito na raw mag-aagahan si Seniorito Darius kasama ang mga Pinsan niya.” Napatango naman siya sa tinuruan nito. “Ganon ho ba. Sige po.” Sagot niya sa Ginang. “Nga pala, balita ko dito muna pansamantala ang Seniorito. Kaya wag ka ng maglalabas kapag gabi. Dahil ang Amo na na’tin ang kaharap mo. Baka mapapagalitan ka pa at tatanggalin sa trabaho. Iba pa naman ang ugali ng batang iyon. Pero mabait naman siya.” Mahabang wika ni Aling Belen habang inayos ang ilang mga rekados. “Sige ho. Susubukan ko Aling Belen.” Maikling sagot niya sa Ginang. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. Nasanay na rin ito sa kaniya na para bang walang kuwentang kausap. Agad na silang nagluto. Habang ang iba naman niyang kasama ay nag-uumpisa na sa kani-kanilang mga trabaho. Kaya ng matapos silang magluto ng Ginang ay agad na siyang tumulong sa paglilinis. Halos lahat ng sulok ng mansyon ay nakoskos na nila. Kaya ng matapos ay pagod na pagod silang lahat. “Hi Cullen, napagod ka ba? Ito oh. Panyo, punasan muna ang pawis mo.” Malanding wika ni Ella ng makalapit ito sa kaniya. Bahagya pa nitong inangkla ang braso nito sa braso niya. Tinanggap naman niya ang panyo na inabot nito at walang emosyon ang kaniyang mukha habang nagpasalamat sa babaeng ngiting-ngiti pa rin. “Sige akyat na ako sa silid ko para maligo.” Walang ganang aniya dito. Pero imbis na ma offend ang babae ay mas lalo pa itong kinilig. Kaya napapailing na lang si Cullen. “Tsk! Kung alam mo lang na lalaki din ang hanap ko!” Nakangising aniya sa sarili habang tuluyan ng pumasok sa kaniyang kuwarto at naligo. Dahil nangangamoy pawis na siya at puno na rin ng mga alikabok. Habang nagbibihis ay nakarinig siya ng ingay mula sa baba. Kaya naisip niya na baka dumating na ang Seniorito kasama ang mga Pinsan nito. Kaya pagkatapos niyang mag-ayos ay agad na siyang lumabas sa kaniyang kuwarto at dumeretso sa kusina para tulungan ang Ginang sa paghahanda. Pero bago pa man siya makarating sa kusina ay madadaanan muna niya ang sala. Wala siyang lingon-likod habang naglalakad. Nasa kaniyang harapan lang ang kaniyang paningin. Pero nagulat siya ng pagdating niya sa sala ay bumungad ka-agad sa kaniya ang limang mga lalaki na presenting naka-upo sa sofa habang nagkakatuwaan. Bigla namang natahimik ang mga ito ng mapatingin ang halos lahat na mga lalaki sa gawi niya. Habang siya naman ay bahagyang napapahinto dahil hindi niya inaakala na mga malalaking lalaki pala ang mga naruon. Blangko lang ang mukha niya habang pinasadahan ng tingin ang mga ito. Unang tingin niya pa lang sa mga ito ay may nararamdamang na ka-agad siya. Alam niyang hindi basta-basta ang mga ito. Lalo na sa uri ng mga tattoo ng mga ito sa katawan. Pero doon lang napako ang paningin niya sa isang lalaking nakatalikod sa gawi niya ng bigla itong lumingon sa kaniya. Nang magtagpo ang mga mata nila, pakiramdam ni Cullen ay saglit na huminto ang pag-ikot ng Mundo ng makilala niya ito. Habang ang lalaki naman, ang nakakunot nitong noo ay mas lalong kumunot pa ng matitigan siya nito. Hindi siya ng iwas ng tingin. Bagkos nilabanan niya ang kakaibang tingin na iginawad nito sa kaniya. “Woah..” Rinig niyang wika nang isang lalaki ng makabawi. Habang siya naman ay bahagyang nagdasal na sana ay wag siya makilala nito. Pero bigla na lang siyang nanlumo sa kaniyang kaloob-looban ng makita ang nakakalokong ngisi nito sa mga labi. Pagkatapos ay marahang tumayo. Kaya mabilis niyang inihakbang ang kaniyang sarili para sana umalis. Pero napakabilis ng kilos nito dahil ka-agad nitong mahawakan ang kaniyang braso at bahagya siyang kinaladkad sa hindi malamang dereksyon. Habang ang mga kasama nito ay may pagtataka silang sinundan ng tingin. Mayroon pa sa mga ito na halos hindi makapaniwala sa nakikita. “Sandali!” Inis na wika niya sa lalaki sabay bawi sana ng kaniyang braso, pero subrang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya. Pero mas nagulat siya ng bigla siyang dinala nito sa isang library na mukhang hindi na nalinisan dahil sa kapal ng mga alikabok. Talagang hindi naman nila iyon nililinisan dahil iyon ang bilin sa kanila ng Ginang. Pagkapasok nila sa loob ay kaagad nitong ni-lock ang pintoan at padaskol siyang isinandal nito sa pinto. “So..” Wika nito habang may kakaibang ngiti sa labi. “What do you want,?” Walang expression na tanong niya sa lalaki. Ang nakakalokong ngiti nito ay napalitan ng isang nakakalokong ngisi. Ang totoo ay nagulat talaga siya dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaking nakilala niya kagabi sa bar. At hindi siya tanga para hindi malaman na ito ang amo nila. “What a small word. I thought I won't see you again.” Makahulugang wika nito. Agad niyang ibinaling sa ibang dereksyon ang kaniyang mukha dahil biglang inilapit nito ang mukha sa kaniya. Amoy na amoy tuloy niya ang mabangong hininga nito na tumatama pa mismo sa ilong niya. “Damn! This feeling!” Kastigo niya sa kaniyang sarili. “So, what are you doing here at my house? Mmhh..” Tila ba nang-aakit na tanong nito sa kaniya habang bahagyang nilalaro nito ang ilang hibla ng buhok niyang nakadungay lang. Hindi niya nagustuhan ang kakaibang pagtibok ng kaniyang puso. Kaya mabilis niya itong itinulak. Mabuti na lang dahil nagawa niya pa iyon. “Nagta-trabaho ako dito bilang kasambahay niyo ho. Seniorito.” Dretsahang wika niya sa lalaki. Kaya ang nakangisi nitong mukha ay biglang napalitan ng pagka-kunot noo. “Kaya lalabas na ho ako dahil marami pang trabahong naghihintay sa akin sa labas.. kung wag niyo lang hong mamasamain.” Normal na aniya sa lalaki. Bahagya pa siyang yumuko at mabilis na binuksan ang pintoan ng library at agad na lumabas doon. Doon na siya nakahinga ng maluwag ng makalabas na siya. Pakiramdam niya kasi sinasakal siya habang kaharap ang lalaki dahil hindi siya makahinga ng maayos. Mabilis siyang bumalik sa sala. Naabutan niya pa ang apat na mga lalaking nakatitig sa kaniya. Kaya bahagya niyang niyukuan ang mga ito tanda ng paggalang. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa kusina. Habang naiwan naman ang apat na lalaki na bahagyang nagtitinginan sa isa't isa na may pagtataka….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD