KINABUKASAN habang nasa opisina sina Francine at Lorenz ay pumasok si Kyla kahit galit si Lorenz kay Kyla ay binati niya pa rin. Ngumiti naman si Kyla pero ngiti’ng pilit, umupo siya at seryosong nakatingin kay Francine. “Tita meron po ba kayong problema kay Francine? bakit ganiyan po kayo makatingin sa kaniya?” Tanong ni Lorenz. “Lorenz akala ko ba mabait at magalang si Francine? pero bakit hindi man lang niya ako binati?” nakasimangot na tanong ni Kyla. “Ma’am Kyla kasi alam ko naman na galit na galit kayo sa akin, saka hindi po kasi ako plastic, baka kasi katulad nang dati binati kita pero hindi mo ako pinapansin, ayoko kasi sa ganoong pakiramdam di ko po deserved lalo na sa ‘yo ma’am Kyla, alam naman natin na wala akong kasalanan sa inyong mag-ina.” Seryosong saad ni Francine pero

