CHAPTER 4

1093 Words
Lorenz, Francine, mga anak gumising na kayo kailangan niyo nang bumangon para maligo, malate na kayo sa school. Nasa pre-school silang dalawa at pareho silang 5-year-old. Tulog mantika ang dalawang bata kaya nahihirapan siyang gisingin ang mga ito para maligo. Habang si Ate Beth naman ay busy sa paghahanda sa breakfast at baon ng mga bata para sa school. Ilang sandali pa ay bumangon na rin ang mga ito pero pikit pa ang mga mata habang tinungo ang shower. Mommy Lorrene good morning po bati ni Francine sabay kiss sa pisngi ni Lorrene. Lumapi si Francine kay Lorrenz para batiin ito ng goodmorning nagulat si Lorenz nang halikan siya ni Francine sa pisngi. “Francine bakit mo ako hinalikan?” tanong ni Lorenz nahihiya siya sa mommy niya dahil tumawa pa itong makita ang reaksyon ni Lorenz nang halikan siya ni Francine. Mommy bakit po kayo tumawa? ayaw ko po kasing hinalikan ako ni Francine eh.” Seryosong saad ni Lorenz habang namumula ng pisngi niya sa sobrang hiya. “Kuya kita kuya Lorenz kaya kita hinalikan bakit ayaw mo ba kuya? masaya ako kasi meron na akong kuya.” Nakangiting saad ni Francine. Natutuwa naman si Lorrene sa dalawa masaya siyang dumating sa buhay nila si Francine. “Lorenz anak hayaan mo na si Francine magkapatid kayo kaya huwag kang magalit kung hahalikan ka ng kapatid mo, maligo na kayong dalawa magsabay na kayong maligo.” Seryosong saad ni Lorrene pero kumunot ang noo ni Lorenz at nauna siyang tumakbo sa banyo para maligo ni lock pa nito ang pinto. Natatawa si Lorrene sa reaksyon ni Lorenz alam niyang naninibago lang ito kay Francine. “Mommy ayaw po ba ni kuya Lorenz sa akin? bakit galit po siya sa akin? gustong-gusto ko po siya mommy kasi meron na po akong kuya. Pero bakit ayaw niya po sa akin mommy? ang lungkot-lungkot ko po eh, ayaw kong nagagalit siya sa akin. Sabi niyo po mommy siya ang superhero ko ‘di ba?” Wika ni Francine habang yakap-yakap si Lorrene. “Anak Francine, hayaan mo magugustuhan ka rin ni Lorenz, naninibago lang siyang magkaroon ng kapatid, basta ilagay mo sa puso mo anak magkapatid kayo ng kuya Lorenz mo.” Nakangiting saad ni Lorrene. Paglabas ni Lorenz sa banyo saka na pumasok si Francine para maligo. Lumabas na si Lorrene para maghanda ng breakfast at para asikasuhin niya si Froilan, alagang-alaga ni Lorrene si Froilan siya pa rin ang nag desisyon kung ano ang susuotin ni Froilan mas lumalim pa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Pagkatapos magbihis ni Lorenz ay bumaba na siya sa dining para kumain habang si Francine naman ay nagmamadaling nagbibihis nang paglabas niya mula sa banyo ay wala na si Lorenz. Nakangiti si Lorene at Froilan nang bumaba na rin si Francine lumapit ito kay Froilan. “Daddy good morning po.” Saad ni Francine sabay kiss sa pisngi ng kaniyang daddy. “Good Morning din anak umupo ka na para kumain.” Nakangiting saad ni Froilan. Tahimik lang si at Lorenz hindi ito nagsasalita kumain lang siya nang kumain. Pagkahatid nilang dalawa sa classroom ay hindi sila magkatabi ng upuan. Na-dissapointed si Francine at humanap na lang siya ng ibang upuan. Kinausap ni Lorenz ang kaniyang katabi na kung puwede ang kapatid niyang si Francine ang umupo sa tabi niya kasi nakita niyang malungkot ang itsura ni Francine. Tumayo naman ang kaniyang classmate at pinuntahan niya si Francine para doon na umupo sa tabi ni Lorenz. Nakangiti si Francine at dali-dali niyang kinuha ang kaniyang bag at lumipat na siya agad sa upuan katabi kay Lorenz. “Kuya Lorenz sinabi mo ba sa kaniya na palit kami ng upuan?” tanong ni Lorenz pero hindi siya sinagot nito kunwaring nagsusulat ng name niya sa papel. “Snack time nila ay magkatabi din sila ng upuan habang umiinom ng juice si Francine ay natapon ito at nadumihan ang suot niyang uniform. “Francine ano ka ba? bakit hindi ka nag-iingat?! singhal ni Lorenz sa kaniya. “I’m sorry kuya nadulas po kasi sa kamay ko eh, hayaan mo kuya linisan ko ang damit ko.” Kinuha ni Lorenz ang panyo niya sa kaniyang bulsa at pinunasan niya ang nabasang uniform ni Francine. Nakangiti si Francine habang ginagawa iyon ni Lorenz. “Kuya ang bait mo sa akin, salamat kuya, totoo ang sinabi ni mommy superhero nga kita, nagulat si Lorenz nang bigla siyang halikan ni Francine sa pisngi. “Francine, hanggang dito pa naman nanghahalik ka?! galit na tanong ni Lorenz. sa galit niya kay Francine binigay niya ang panyo niya sa kaniyang kapatid. “Kuya nagagalit ka sa akin? sorry kuya di na kita halikan sa classroom doon na lang sa room natin. Nahihiya ka ba kuya? magkapatid naman tayo at nag-thank you lang ako kasi sa ‘yo.” Saad ni Francine habang pinupunasan ang damit niya, nakasimangot na si Lorenz at hindi na siya pinapansin. Pagkatapos niyang punasan ang kaniyang damit sinauli niya kay Lorenz ang panyo pero hindi ito tinanggap ni Lorenz kaya nilagay niya na lang sa bulsa niya. Nagsimula na ang klase pero hindi siya pinapansin ni Lorenz, kahit anong papansin pa niya. Uwian na at naghihintay silang dalawa na susunduin sila ni Beth. Kahit sa sasakyan ay hindi pa rin siya pinapansin nito, napansin sila ni Beth kaya tinanong silang dalawa. Pero ayaw magsalita ni Lorenz. “Yaya Beth meron po akong kasalanan kay kuya Lorenz kaya po siya nakasimangot.” Wika ni Francine. “Bakit Francine ano’ng ginawa mo sa kuya Lorenz mo? bakit nag-abot ang nguso at ang ilong niyan.” Nakangiting tanong ni Beth kay Francine. “Yaya kasi po natapunan ng juice ang uniform ko po tapos pinunasan ni kuya Lorenz, nag-thank you po ako sa kaniya ayon nagkiss ako sa kaniya yaya kaya po siya nagagalit sa akin.” Paliwanag ni Francine kay Beth natawa si Beth sa sinabi ni Francine tiningnan niya si Lorenz pero mas lalo itong nagagalit. Alam ni Beth na nahihiya lang si Lorenz sa mga classmate nito at alam niya na gustong mapangasawa ni Lorenz si Francine. “Lorenz, okay lang ‘yan magkapatid kayo kaya hindi masama ang ginawa ni Francine sa ‘yo, ayusin mo na ang nguso mo baka mamaya hindi na ‘yan babalik sa ayos.” Biro ni Beth. “Yaya naman eh inaasar mo po ako eh, sabihin mo kasi kay Francine na huwag niya akong halikan sa maraming tao. Nahihiya po ako yaya Beth.” Wika ni Lorenz kaya mas lalong tumawa si Beth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD