Wala ngayon ang magkapatid. Ako lang ang naiwan sa bahay at si Eli. Nakita ko si Eli na papalapit sa gawi ko. Sa isip ko ay baka awayin niya na naman ako pero nagulat ako nang makitang umupo lang siya sa tabi ko. “Rachelle,” tawag niya. “Hmm..” “Si Sico,” pagbanggit pa lang niya ng pangalan na Sico, pakiramdam ko ay parang tatakasan na ako ng dugo. “Ganoon ba talaga ang ugali ni Sico?” tanong niya. Natigilan ako. Tumango ako. “Malambing sa akin si kuya Sico,” iyon lang ang sabi ko dahil iyon naman ang nakikita ko. Pero hindi ako sigurado kung malambing din ba siya sa ibang tao. “Mali yata na pumunta ako dito para kilalanin ang pamilya ni Rico,” sabi niya sa akin habang bumubuntong hininga. “Bakit?” tanong ko. Curious ako bakit niya nasabi ang bagay na iyon. “I don’t know. It was

