Chapter 8

1182 Words
“Shel, take this,” sabi ni kuya nang pumunta ako ng sala para sabihan sila na nakahanda na ang pagkain. Nasa akin ang paningin ni ma’am Zeym at sir Rico. “Mukhang close na kayo ah,” nakangiting sabi ni ma’am Zeym sa amin ni sir Sico. Tinapunan lang siya nang tingin ni sir Sico at hindi sinagot. Ako naman ay dali-daling kinuha ang relo niya na pinapaabot niya kanina. “Nakahain na po ako,” sabi ko sa kanila saka dinala ang relo ni sir Sico sa kwarto niya. Mabilis lang naman ako at agad ring bumalik sa kusina. Nauna ng umupo si ma’am Zeym. Ako naman ay nakatayo lang sa likuran nila. “Sumabay ka ulit sa amin, Shel,” ani ni sir Sico kaya agad akong tumalima para humanap ng mauupuan pero si Rico, agad niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa harap ni ma’am Zeym. Bago pa man nila makita na nakahawak ang kamay ni Rico sa akin, nabitawan na iyon ni Rico. Nang tumingin ako sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Agad akong napaiwas tingin at napayuko habang nakatingin sa mga pagkain sa mesa. Ramdam ko na ang mga titig ni ma’am Zeym sa amin. Nang makaupo si sir Sico sa tabi ni ma’m ay saka ako umupo sa tabi ni Rico at sabay na kumain. Tahimik lang ako sa gilid pero para akong mababaliw kada nasasagi ni Rico ang kamay ko sa ilalim ng mesa. “So master Rico, kailan ka pa nakauwi?” nakangiting tanong ni ma’am Zeym. “Nito lang,” sagot ni Rico. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang kamay niya na nakahawak na sa hita ko. Namumula ko siyang tinapunan nang tingin. Alam niyang nakatingin ako sa kaniya pero hindi siya lumingon sa akin. Nakita ko lang ang bahagyang paggalaw ng labi niya. Ngumisi siya. Pasimple kong kinuha ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Ngunit matapos ko iyong kunin, ibinalik niya rin kaagad. “Talaga? Hindi nabanggit ni Sico sa akin na nakabalik ka na,” sabi ni ma’am Zeym. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil ramdam kong paangat nang paangat ang kamay ni Rico sa itaas ng hita ko. “Tigil please,” bulong ko na siya lang ang nakarinig. Tumaas ang sulok ng labi niya ngunit inalis niya rin naman ang kamay niya sa hita ko. Loko-lokong Rico. Nakahinga ako ng maluwag ng lubayan na niya ang hita ko. Nakakain naman ako ng matiwsay habang busy sila ni ma’am Zeym na nag-uusap except kay sir Sico na tahimik lang. Nang matapos ay nag presinta ako na ako na magliligpit ng hinugasan. “I’ll help you, Rachelle,” napatingin ako kay Rico nang sabihin niya iyon. First time kong narinig sa kaniya ang pangalan ko. “P-Po?” “I’ll help you with that one,” sabi niya sa akin. Napatingin ako kay ma’am Zeym na nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin ni Rico. Hindi na niya ako pinatapos magsalita. Agad na niyang kinuha ang plato sa mesa. “A-Ako rin. I’ll help you,” sabi ni ma’am Zeym. Natulala ako sa kanilang dalawa. “Shel!” Mariing tawag sa akin ni sir Sico. “Hali ka na. Hayaan mo silang dalawa diyan. Gusto nilang maghugas ng pinggan,” sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kun’di ang sumunod kay sir Sico. Sila naman Rico ay natigilan at napasunod tingin sa akin. “Sama ka sa akin,” sabi ni sir Sico nang makarating ako sa sala. “Saan po?” “Convenience store? Bili ng ice cream?” Napatingin ako sa kusina. Napabuntong hininga ako saka dahan-dahan na tumango. “Sige po kuya,” sagot ko. Ngumiti siya at naunang lumabas sa akin. Napasunod ako sa kaniya. “Take this,” sabi ni kuya sabay abot sa akin ng extra helmet. Agad kong kinuha iyon at sinuot. Lumapit ako sa kaniya para makasakay sa motor niya. Tumingin pa ako sa bahay kahit na hindi ko naman makikita sila Rico. Nang makaalis kami ni sir Sico at nakarating ng convenience store, tumambay lang kami sa labas. Busy si sir Sico sa cellphone niya. Hindi ko nga alam anong role ko dito. Isinama lang niya siguro ako para may kasabay siya sa pagkain ulit. “Shel,” napaangat tingin ako kay sir Sico. “K-Kuya?” “Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka hinire ni Zeym para akitin ako?” Umiling ako. Hindi ko alam. “Dahil iyon kay Rico,” natigil ako sa pagkain at nanlalaki ang matang bumaling sa kaniya. “You know, my family is kinda weird,” sabi niya sa akin. “Noon pa man, personal na assistant or alalay na ni Rico si Zeym.” Assistant? Empleyado ba nila dati si ma’am Zeym? Natawa si sir Sico. “Hindi mahirap si Zeym. Basta, it’s a family thing kaya siya naging assistant ni Rico. So bata palang kami, magkasama na kaming tatlo but Rico went to Spain kaya kami nalang ni Zeym ang naiwan na magkasama.” Sabi ni sir Sico na mukhang narinig ang sinabi ng utak ko kanina. “But Zeym likes Rico. Wala yata siyang ibang ginusto kun’di si Rico lang. She knew that I like her until now. But I know that she hated me for that.” Medyo nabahala ako nang sabihin niya na gusto ni ma’am Zeym si Rico. “I don’t want to control her but I want her to know na gusto ko siya. Kaya niya siguro gusto akong mahulog sa iba para tantanan ko na siya.” Sabi ni sir Sico sa akin. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Gusto ni ma’am Zeym si Rico kaya niya ako hinire para akitin si sir Sico pero ang nangyari, dalawang beses ng may nangyari sa amin ni Rico. Tumingin ako kay sir Sico. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba? Ay hindi. Huwag na. Bahala na. Lalayuan ko nalang si Rico. Matapos naming kumain ni sir Sico dito, agad na rin kaming umuwi. Pero sa labas pa lang, hindi na tumuloy si sir Sico dahil agad na siyang bumalik sa site. “Hindi ka na papasok kuya?” “No, Shel. I need to get back to the site. May problema na naman. Baka hindi rin ako makakauwi mamayang gabi. Pumasok ka na,” sabi niya. Lagpas alas 3 na ng hapon ng tignan ko ang oras. “Sige po kuya, mag-iingat po kayo.” Tumango lang siya at agad na umalis. Napabuntong hininga ako saka naglakad papasok sa loob ng bahay. Pagkatapak ko palang sa loob, may kung sino ng humablot sa kamay ko at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si sir Rico. Magsasalita na sana ako nang agad niya akong siilin ng haIik sa labi sabay hawak niya sa dalawang kamay ko para itaas iyon sa gilid ng ulo ko. Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya at hindi siya maitulak. Tumigil siya para tignan ko ng madilim sa mata bago balikan muli ang labi ko para agresibong haIikan. Mas mariin, mas mapanghanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD