“Ate, pagpasensyahan mo na si ate Zeym. Mabait naman iyon, ganoon lang talaga ang ugali niya minsan.” Ngumiti ako kay Harmonia at tumingin sa labas kung saan naroon si sir Sico at ma’am Zeym na nag-aaway. “Dito ka ba matutulog, primcess?” tumingin ako kay Rico. Puno ng pagmamahal niyang tinignan si Harmonia. Actually, silang dalawa ni Sico. Kung tignan nila ang bunso nilang kapatid ay puno ng emotion. Masaya ako habang pinapanood sila. Hindi man nila nakikita pero sobrang nilang sweet sa isa’t-isa. “Kuya, gusto kong tumabi kay ate Rachelle. Dito lang ako.” Agad na nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Ano? Tatabi siya sa akin? Tumingin si Rico sa akin. “Hindi ka pwedeng tumabi kay ate Rachelle mo. Masikip ang kama niya. Siya lang ang kasya doon. Ang likot mong matulog.” Pin

