Pagkadating namin sa airport, naroon na si Butler Noli. Nagulat pa nga ako nang makita ko siya doon na nakatayo at parang naghihintay sa amin. Bahagya pa siyang yumuko. “Mabuti at ang napili ng tagapagmana ay isang Shein,” nakangiting sabi niya. Ngumiti rin si Teresita. “Rachelle,” napatingin ako kay Henry. “Kindly tell my best friend na mamimiss ko siya,” nagulat ako at nagtaka. “Bakit? Please come with us,” Ngumiti siya at umiling. “My life is in Spain.. I cannot leave here.” “What? Why? You can start your life in the Philippines..” Ngumiti siya at lumapit sa akin pero humarang si Rico. Tumawa si Henry. “I am aware that she’s yours. Don’t worry,” Saka pa gumilid si Rico pero ramdam kong nakatitig siya kay Henry. Oo nga pala, hindi niya kilala si Henry. “See you when I see you

