“Ma,” itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ang boses ni Raja sa likuran. “Can I help you with that?” hawak niya ang manika niyang bigay ni kuya sa kaniya. “Bakit? Ayaw mo na ba mag play anak?” “I just want to help you mama,” Lumabi ako at pinalapit siya sa akin. “Gusto mo tulungan si mama mag plant ng flowers?” Tumango siya. “Alright.. Come here,” binigay ko sa kaniya ang empty pot para lagyan niya ng lupa. “Put this in the center,” binigay ko sa kaniya ang isang tangkay ng itatanim namin. Ang bait na bata ni Raja at sobrang matulungin. Kabaliktaran sila ni Timber na makulit at maingay. Si Raja ay tahimik at mahinhin. “Sweetheart,” napatingin ako kay Rico na nagtutupi ng polo sa bandang siko niya. “Aalis ka na?” “Yeah,” napatingin siya kay Raja. Nakita ko ang pagsilay n

