“Timber is safe.. Hindi siya natamaan ng kahit anong bala ng baril.” Naiyak ako. Kakagising ko lang nang sabihin ni kuya Lando yun. “Anong nangyari kuya? Nakita ko si Timber na duguan.” “Dahil sa lakas ng pagkakakuha ni Dominus sa kaniya ng baril, naitulak niya ang bata at nauntog ang ulo nito sa sahig. Nakita sa CCTV ang anak mo na pumasok sa basement matapos mo siyang ibaba.” Napatingin ako kay kuya Lando ng sabihin niya yun. Kung ganoon, hindi siya dumiretso sa papa niya? “Sinubukan siyang linlangin ni Dominus na kunin ang baril sa mesa na nakumpiska natin sa kaniya. Your son took it at nong iaabot niya ang baril kay Dominus bigla niya itong binawi but way too late dahil nahawakan na ni Dominus ang baril kaya nag-agawan sila.” “Right before Dominus fire the gun, inunahan mo na.” Se

