Hindi nagbibiro si sir Sico nang sabihin niyang piece of cake lang ang sa kaniya sina PJ. Bawat hampas nina PJ ng kahoy kay sir Sico ay galante niya itong naiiwasan. Bawat suntok na naiiwasan niya ay nasusuklian niya kaagad ng suntok rin na tumatama sa mukha at tiyan ni PJ pati na ng mga kasama niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa sigaw nina PJ. Si sir Sico ay humikab pa na tila inaantok. Iniinis niya talaga sina PJ. Suntok, sipa at tadyak, halos hindi na makatayo sina PJ at lahat sila nakahandusay na sa lupa. Si Sico ay agad na pinagpag ang damit niyang hindi naman nadumihan saka inupuan si PJ sa likuran. Sumigaw si PJ sa sakit. Maraming kapit bahay ang gustong lumapit para sana tumulong pero natatakot sila at nagdadalawang isip. “Hoy,” sabi ni Sico at mahinang tinapik

