Rachelle Remadavia Matapos doon sa maliit na barko, inilipat kami sa isang malaking barko na siyang magdadala sa amin sa Spain. Kasali kami sa mga pulubi na malilipat sa malaking barko. Isinama ako ni Mang Fe sa deck na tutuluyan niya. Ang totoo ay kasama sana siya sa pagpunta ng Spain ngunit ang sinabi niya ay ako na raw ang bahalang pumalit sa kaniya. Naging delivery woman pa ako sa human trafficking na ito. Nagpaiwan si Mang Fe at babalik na siya kay Garzon. Kaharap ko ngayon itong mga manyak na puti na nagsimula ng manghila ng mga kinidnap nina Lando para gawin nilang parausan. Naaawa ako pero pinili kong ipikit ang mata ko para sa kaligtasan ng anak ko. Hindi ako pwedeng makialam. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila. May lumapit sa

