“Goods then,” ang sabi ni kuya. “Sino ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kahit ang pangalan niya. “Luis. Ang alam kong pangalan niya ay Luis Marino.” Luis Marino? “Tanda ko pa dati na mabait ang papa mo. Mahal na mahal niya si mama ngunit naghiwalay sila dahil sa papa ni Dehlia.” Hindi ko alam may ganoon palang nangyayari sa buhay ni mama. “No’ng maghiwalay sila, saka lang nalaman ni mama na pinagdadalang tao ka niya ngunit wala na ang papa mo. Nakauwi na ng Spain.” Tumango ako sa sinabi niya. Saka ko nalang uusisain ang lovestory ng mama at papa ko kung makaharap ko na si mama. “Sana mahanap natin siya,” ang sabi ko nalang. -------------------- Humiram ako ng cellphone ni Henry para maki log in sa social media account ko. Chinat ko si Rico na sana at makita niy

