CHAPTER 15 Chiaseb's POV Matapos pirmahan ni Ivy ang kontrata, hinugot ko ang isang kopya nito mula sa drawer at iniabot sa kanya. "Ivy, narito ang iyong kopya ng kontrata. Tandaan mo, anumang oras na magbago ang isip mo, maaari nating pag-usapan ulit ito." Kinuha niya ang kopya at tumango, ngunit kita ko ang bigat ng desisyon sa kanyang mga mata. "Salamat, Sir. Alam kong mahirap ito, pero para kay Nicolas, handa akong gawin ang lahat." Ngumiti ako sa kanya, pilit na nagpapakita ng suporta. "Magsimula tayo ngayon, Ivy. May mga kailangan tayong tapusin na trabaho. At sa mga oras na hindi ka abala, nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong o gabay." Sa mga sumunod na araw, patuloy ang aming normal na trabaho sa opisina. Ngunit sa tuwing matatapos ang oras ng opisina, may bago kaming

