CHAPTER 24 Jerica Brooks POV Habang nagkakape ako sa isang sikat na café malapit sa opisina, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol kay Chiaseb. Matagal na panahon na rin mula noong kami nagkahiwalay, pero hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon, si Ivy na ang kasama niya, at kahit anong pilit kong kalimutan siya, hindi ko magawa. Alam kong kailangang gumawa ako ng paraan upang mabawi si Chiaseb. Minsan, nagkita kami ni Silvia sa isang event ng kumpanya. Magkaibigan kami ni Silvia at alam niyang mahal ko pa rin si Chiaseb. Ibinulalas ko sa kanya ang plano kong agawin si Chiaseb mula kay Ivy. Nagsimula akong magmanman, sinusundan ang bawat galaw nila. Hindi nagtagal, nalaman ko ang mahahalagang detalye tungkol sa kanilang relasyon. "Silvia, kailangan ko ng tulong mo," sabi

