CHAPTER 47 Chiaseb POV Ito na ang araw na matagal ko nang inaasam-asam. Ito na ang araw na magpupropose ako ng kasal kay Ivy. Alam ng lahat ng mga empleyado ko sa kumpanya ang plano ko, at suportado nila ako. Ang saya ko dahil tanggap na ni Ivy ang pagmamahal ko, at nandito rin sina Mommy at Daddy, pati na rin ang anak namin. Habang abala kami sa opisina, sinigurado kong walang makakahalata sa aking mga plano. Nakipagkita ako kina Mommy Chiara at Daddy Sebastian para sa mga huling detalye. "Chiaseb, siguraduhin mo na magiging perfect ang proposal na ito," sabi ni Mommy Chiara habang inaayos ang mga bulaklak. "Oo nga, anak. Alam namin kung gaano ka kaseryoso kay Ivy. Gawin mo ang lahat para mapaligaya siya," dagdag ni Daddy Sebastian habang inilalagay ang mga dekorasyon. "Salamat, Mom

