CHAPTER 40 Ivy POV Nanggigil ako kay Jerica kanina. Habang iniisip ko ang nangyari, parang sumisirit ang init ng dugo ko sa galit at sama ng loob. Hindi ko na kayang tiisin ang kanyang mga pang-aasar at pang-aapi. Nakakasawa na. Nang makita ko siya sa parking lot, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya na puno ng galit at determinasyon. "Anong ginagawa mo dito, Jerica?" tanong ko, pilit pinipigilan ang panginginig ng aking boses. "Anong pakialam mo?" sagot niya, may halong pang-iinsulto sa kanyang tono. Biglang pumutok ang galit ko. Hindi ko na natiis. Bago pa man ako makapag-isip, dumapo ang kamay ko sa kanyang mukha. Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko, sabay sigaw, "Akala mo ba hindi ako papatol sa'yo? Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, Jerica!" Naramda

