“Amarra I’ve been itching to proudly tell the world about you pero ayaw mo.” Saad ng ina nya.
Here we go again. Napairap nalang sya. “Ma ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayaw kong pasukin ang pagiging artista. Gugulo lang ang buhay ko.” Pagrarason nya. Bumisita sya sa kanilang bahay dahil request ng ina nya. Parang naging monthly meeting na rin nila ito dahil ito lang yung time na kompleto silang pamilya dahil na rin sa mga busy schedule ng bawat isa sa kanila.
“Don’t force Amy on doing things she doesn’t like Ma. Let’s respect her decision.” Sabat naman ng kanyang Kuya Andrie na sinang-ayunan ng kambal nito na si Andrew. Habang ang ama nito ay tahimik lang sa tabi.
“Ano pa nga bang magagawa ko?” Pagsuko ng ina.
Napangitii sya sa nagging tugon ng ina pero alam nyang pipilitin na naman sya nito sa susunod. Well maganda sya at di nya yun ipagkakaila since maganda ang lahi ng kanyang mga magulang pero di nya talaga kaya ang buhay ng media.
Kakauwi nya lang sa kanyang sariling condo nang may kumatok. Inis syang bumangon at binuksan ang pinto. Pagkabukas ng pinto ay nakita nya ang kanyang dalawang kuya.
“Akala ko ba doon kayo matutulog?” Tanong nya. Nilakihan nya ang pagbukas ng pinto at pinapasok ang kanyang mga kapatid. Dumeritso ito sa kanyang kusina.
“Di ba kayo nagdinner sa bahay?” Takang tanong nya.
“Nope. Sumunod na rin kami pagkaalis mo.” Sagot ng kuya Andrei.
“May ulam ka ba?” Tanong ng kuya Andrew nya.
“Initin nyo nalang nasa ref yung niluto kong ulam kaninang umaga. May cake din dyan. Magpapahinga muna ako. Pakilock nalang ng pinto kung aalis na kayo Kuya.” Saad nya sa dalawa bago pumasok sa kanyang silid para magpahinga.
Kinabukasan ay maaga syang gumising para maghanda ng kanyang dadalhin. Gumawa kasi sya ng bagong desert na idadagdag nya sa kanilang menu. Dadaanan nya rin ang kanyang dalawang kuya para ipatikim ito. Nasanay sya na ang kanyang mga kapatid ang unang makakatikim sa desert na gawa nya.
Since nasa iisang building lang naman sila ay inihatid nya nalang sa kung saan floor ang condo ng dalawang kapatid since nasa iisang condo lang naman ang kambal.
Nagdoor bell sya. Mga ilang minuto pa ay di pa rin nito binubuksan ang pinto. Inis syang nagdoor bell ulit. Tatawagan n asana nya ang Kuya Andrew nya nang bumukas ang pinto. Tinignan lang sya nito at isinara ulit ang pinto. Hindi sya nito binigyan ng panahon na magsalita pa.
“That’s rude.” Saad nya sa sarili at umalis nalang. Di na sya nagpumilit pa. Baka akala siguro nung lalaki ay fan sya o di kaya ay babae sya ng kuya nya. Kilala nya ng lalaki, ito yung kabanda ng kuya nya. Di nga lang nya maalala ang pangalan nito.
Nagtext nalang sya sa kuya nya na daanan nalang ang binake nya para sa kanila sa café nya. Sinabi nya rin na dumaan sya sa condo nito ngunit pinagsarhan lang sya ng pinto nung isang kabanda nito.
Meanwhile, sa loob naman ng condo ng kambal ay nakatulala lang si Andew pagkabasa nya sa text ng nakababatang kapatid. Napamura pa nga sya at tinignan si Atlas, ang lalaking salarin kung bakit naiinis ang kapatid nya.
“May babae bang dumaan ditto kanina habang nagliligo ako?” Tanong nya dito habang ang isa naman ay di man lang sya nito tinignan. Busy ito sa paglalaro ng cellphone.
“Yes, probably our fan or one of your girlfriends. I didn’t clearly saw her face because of the glasses she wore.” Sagot nito.
“She’s my sister, idiot.”
“Oh, I didn’t know that you have a sister.” Sagot nito. Tinigil nito ang paglalaro at hinarap sya.
“Now you know. Lagot kami nito. Naiinis na naman yun.” Problemadong saad ni Andrew. Mabait naman ang kapatid nya nakakatakot lang pag magalit.
“Well sana sinabi nya kanina. Napagsarhan ko tuloy ng pinto.” Atlas was curious why his friends was afraid of their younger sister. He assumed that she is younger than them.
“Wala na tayong magagawa, nangyari na.” Sabat naman ng kakambal nyang si Andrei.
“Daanan nalang natin mamaya sa café nya.” Dagdag pa nito. Sumang ayon din naman agad sya.
Sumama si Atlas sa kambal para daanan ang gusting ibigay ng nakababatang kapatid ng kambal. Gusto nya lang Makita ito at ng makahingi rin sya ng tawad. He admitted that what he did was rude that’s why he came along to apologize. At first, ayaw pa nilang payagan na sumama sya pero in-explain nya na gusto nya lang humingi ng tawad sa ginawa nya kaya naman ay pumayag ang mga ito.
“Wala ditto si ma’am, sir. Umalis kanina pa. May pupuntahan daw syang important meeting. Inihabilin nya lang po na ipapabigay sayo kapag dumaan kayo.” Saad ng staff. Di nila naabutan si Marie. Dismayado namang umalis si Atlas.
‘Well, maybe one day we’ll meet again.’ Sa isip nya. Makikilala nya rin ang misteryosong kapatid ng kambal. Makikilala nya na ng asana kung di nya pa ito pinagsarhan ng pinto.
Pinaaalalahanan sya ng dalawa na huwag ipagsabi sa ibang kasama nila ang kanyang nalalalaman dahil ayaw ng kapatid ng dalawa na ma-involve sa buhay ng kanila pamilya. Gusto nito ang tahimik na buhay at malayo sa gulo na meron ang media.