Panauhin nila ng gabing iyon si Lawrence. Kabalik lang ng kanyang kuya galing sa honeymoon. Doon Muna tutuloy Ang mag asawa sa kanila habang Hindi pa natapos ang Bahay na pinapatayo nito. Masayang nagkukwentuhan habang naghahapunan. nakikinig lamang sila . kahit ayaw niyang sumabay Kumain napilitan Siya dahil sa kanyang mama. magkaharap sila sa mesa.
"Iho babalik ka pa ba ng Saudi?"nagtanong Ang kanyang mama
"Depende ho tita "
"Abay Hindi ka na bumabata Wala ka bang balak mag asawa?. Sa tanong na yun ng kanyang mama muntik na siyang mabulunan. Sumulyap si Lawrence sa kanya.
"Oo nga tita eh, naiinggit nga ako Dito Kay Charles" Soon tita kapag maayos ko na Ang lahat".
"Ma wag mong alalahanin yang si Lawrence. "tumawa Ang kanyang kuya. malaki na Yan.."
"Ang sa akin lang at ng mabigyan nya na ng apo si Mare."
"Wag ka mag alala tita soon"sumulyap ulit ito Kay Cassey. Namula tuloy Siya sa mga titig nito. Matapos maghapunan nagpatuloy pa Rin Ang kwentuhan. Sa tagal din namang panahong na nawala ito. Pasimple siyang tumayo at lumayo Doon. Nakahinga Siya ng malalim ng Maka alis. Sumagap Siya ng hangin sa labas. Pakiramdam niya Hindi Siya makahinga. Hindi niya Ina akala na sumunod para si Lawrence sa kanya.
"Umiiwas ka na naman?" si Lawrence sa kanyang likuran.
"walang dahilan para iwasan ka"
,"Talaga?kung walang dahilan. Bakit ka umiiwas?
"Ilang beses ko bang sasabihin Sayo na Hindi kita iniiwasan". Hinarap nya ito. Bumalik ka na sa loob baka hanapin ka nila mama. magtataka yun na nawala ka bigla,
"Cassey, I'm sorry---pinutol nya Ang sasabihin nito
"It's ok I understand. Wala Kang dapat ipaliwanag.
"Nang gabing--pinutol nya ulit Ang sasabihin pa nito.
"Wala Kang ipag alala doon. Iba na Ang Mundo natin Lawrence. kalimutan mo Ang kung anong meron ang nakaraan. nalimot na ng panahon Ang bakas ng kahapon." Akma siyang tatalikod . Ngunit naawat Siya ni Lawrence. Nahila Siya ni Lawrence sa may madilim na bahagi.
"Kung nalimot na ng panahong para sa iyo sa akin Hindi". At hinalikan Siya ni Lawrence sa labi. Nagtagal ng ilang minuto Ang labi ng lalaki sa mga labi niya. Ang bilis ng pintig ng kanyang puso Wala ipinagbago paglipas ng ilang taon . ito pa Rin iyon. ganitong ganito.. Bago Sya madala ng kanyang damdamin naitulak nya si Lawrence. At tumakbo palayo.
Dumeretso Siya sa kanyang kwarto. At nanlulupaypay na humiga sa kama. dinama Ang mga labi na inangkin ng lalaki. Pumatak Ang kanyang luha. may kung anong sundot sa dibdib siyang nadama. masakit. Bumalik Ang sakit. Ang anino ng nakaraan na matagal nyang tinakasan. Tumayo Siya at kinuha ang Isang kahon. naroon Ang regalo ni Lawrence ng birthday nya . Hindi pa niya nabubuksan hanggang ngayon. Pagkatapos ng gabi ng kanyang birthday lahat ng magpa alala Kay Lawrence itinago nya ayaw niyang makita o marinig ano man Ang tungkol sa kanya. Ngayong bumalik na ito siguro nga kailangan nyang harapin Ang bangungot na ito. para ikatatahimik nya. o maging ni Lawrence. Napag isip isip nya na siguro kailangan nilang mag usap.
Isang maliit na kahon Ang kanyang binuksan. kwintas Ang laman regalo ni Lawrence sa kanya 21k na kwintas at may pendant na heart. . Ngayon nya lang ito nabuksan pagkatapos ng anim na taon. may malíit ma papel at may nakasulat. ' Wait for me". Napaka palaisipan. pero Tama ba Ang pag iinterpret nya?. Hintayin nya ito hanggang sa kanyang pagbabalik?.Tàma ba?. SinimuLan nyang alalahanin Ang mga tagpo. ng gabing lasing Siya. Ng pinagplanuhan nya . Paano kung inangkin Siya ni Lawrence ng gabing iyon? Paano kung pagkatapos siyang inangkin nabuntis Siya?. Malamang Hindi Siya nakapagtapos. O siguro nakasuhan si Lawrence ng r**e. Paano kung may Pagtingin din sa kanya si Lawrence malamang Hindi Siya papayag na umalais ito at iwanan siya. Paano kung naamamahalan nga sila ng nga panahong iyon?. masisira ba Ang relasyon ng kanyang kuya at ni Lawrence o maging Ang kani kanilang mga magulang?.
May mga pagkakataon na nangyayari na mahirap ipaliwanag tanging Ang Diyos lamang Ang nakakaalam. Minsan mahirap unawain Ngunit saka mo nlng malalaman Ang kahulugan. May mga pagkakataon na kailangan mong masaktan para sa ikabubuti. ng bawat isa.. Handa ba siyang bigyan ito ng pagkakataon kung sakali man?. Ngayon nasa wastong dead na sya?
Weekends nag Yaya si Alvin na mag jamming . Pinagpaalam Siya nito sa kanyang mama. In fairness botong boto Ang mama nya dito . Bukod sa mabait si Alvin magkaibigan Ang mga magulang nila . Ngunit nagulat din siya na naroon din si Lawrence. nag dilim Ang anyo nito ng Makita si Alvin. Saglit na nag usap Ang dalawa. at Maya Maya pa umalis na sila ni Alvin. At Yayaing din ba Siya ni Lawrence na lumabas bakit ito naroon o Ang lkuya nya lang Ang sadya nito. Kahit magkasama sila ni Alvin lumilipad Ang isip niya.
"Cassey……" untag ni Alvin
"Hhhmm" tugon niya. Maganda Ang ambiance ng resto malapit ito sa dagat. ding Ang bawat hanpas ng. alon sa dalampasigan dagdag pa Ang musikang. napaka romantic. Hinawakan ni Alvin Ang kanyang kamay at pinisil.
"Kailan mo ba ako sasagutin?"
"Alvin Bata pa naman tayo, siguro Hindi ka naman nagmamadali di ba?. may pagsumamo Ang tinig niya.
"Hindi naman sa nagmamadali Cas matagaal tagal na rin since college pa."
Sa totoo lang handa na sana syang sagutin si Alvin kaya lang itong ksi Lawrence ginulo na naman Siya.
"Nabigla naman ako"
"Cassey Hindi kita minamadali. Ang sa akin lang bigyan naman natin ng label kung ano talaga tayo. It doesn't mean na kapag sinagot mo ako pakasal tayo agad agad.
Natahimik Siya.
"Mahal mo ba ako Cas?
Hindi nya mahagilap Ang sagot. mahal nya si Alvin nilang bêstfriend. Yun lang iyon.
"Wag mo naman akong madaliin Alvin. sana maintidndihan mo".
"Okey maghihintay Ako Cassey".
"Hey bakit ganyan ka kaseryoso?"
"Tingin mo ba nagbibiro ako?" Tumingin Siya Kay Alvin. kitang kita nya Ang seryoso nitong Mukha. Lumipat Siya sa tabi nito.
"Hindi bagay. sa iyo Ang ganyan ka seryoso. I like Alvin na palabiro.".
Mag alas diyes na ng gabi nagyaya na siyang umuwi. Hinatid Siya ni Alvin.
Pagpasok niya sa loob.Nandoon pa Rin si Lawrence Ngunit kausap nito si Linda . naghaharutan pa Ang dalawa. May kung a.nong sakit siyang naramdaman. Nagseselos Siya. Dumeretso Siya agad sa kanyang silid.