“Nako, pasensya ka na doon sa dalawang kaibigan kong ‘yon huh! ganon talaga mag bangayan ang dalawang yon, parang aso’t pusa, pero wag kang mag alala, never pang nagka pikunan ang dalawang yan!’’ natatawa kong wika sa kanya. “Nako okay lang, masaya ngang magkaroon ng kaibigang ganyan eh, sila talaga ang nakakapag bibigay saya sa grupo. Masaya namang tugon ni Doc. Jc sa akin. ‘’Abay oo naman! Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil sila lagi ang naging Karamay ko noong lubog na lubog ako, hangang ngayon din naman, hindi nila ako iniiwan, at subra subra ang pasasalamat ko sa kanila,” seryosong wika ko saka ko siya nginitian. “Oo nga pala, kumosta na ang pakiramdam mo? masakit pa ba ang ulo mo? Binilhan nga pala kita ng gamot oh, effective ito sa hang over. Tried and tested by yo

