Napa nganga si Jc at halatang nagulat sa mga ikweninto ko sa kanya. Maya maya ay hinawakan niya ang mga kamay ko at marahan ‘yong hinaplos. “I, I’m sorry, I’m so sorry na napag daanan mo ang lahat ng ‘yon.” Buong sensiredad na wika sa akin ni Jc. wala din akong nakitang pang huhusga at pang didiri sa kanyang mga mata bagkos labis-labis na pag mamahal at pag unawa. Sa nakikita kong reaksyon ni Jc ay hindi ko naiwasang I kompara ‘yon sa naging reaksyon ni Ian ng malaman nya ang lahat. Galit na galit si Ian sa akin at inabuso pa nga ako ng malaman niya ang buong katotohanan tungkol sa akin. Ibang iba sa nakikita kong reaskyon ni Jc ngayon. “0o nga pala, excuse lang muna, may kukunin ako sandali.” Paalam ni Jc sa akin. “Sige, hintayin kita” naka ngiti namang wika ko saka ipinag patuloy ang p

