Chapter 40 Ayeesha TUMITIG ako sa kanya. At andoon ang pagpipigil ko sa aking sarili na 'wag nang umiyak sa harapan niya. Dahil napakasakit sa akin ang makita ang kalamigan sa mga mata nito at ang mga salitang binibitawan n'ya sa'kin. "I–I'm sorry, Gabriel. A–alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. P–pareho lang tayong biktima kaya hayaan mo akong magpaliwanag, please..." pakiusap ko sa gumagaralgal na tinig. He smiled deviously. Inabot ang tuwalya at nagpunas ng katawan. "H'wag kang magkunwaring pareho tayong biktima, Salvatore. You can fool the world with your innocent face but not me. Gusto mo akong ipakulong para maging malaya kayo ni Luis, and you did?" He said softly but his voice is deceitful. Si Luis? I groaned inwardly. Ano ang kinalaman ni Luis dito? "H–hindi..." "Hindi a

