Chapter 21

1050 Words
Chapter 21 3rd Person's POV; "Ano ito ma?" Tanong ni Astrid ng makita ang pancit, tuyo at tinapay ang nakahanda. Nakatingin lang ang binata sa mga pagkain sa lamesa bagi nito kinuha ang kutsara at tinidor. "Anong klaseng isda ito?" Tanong ni Callius matapos kuhanin ang tuyo. "Dry fish yan Mr.Presiden---." "Ang alat." Napangiwi ng konti ng konti ang binata bago ibaba ang isda at hawakan ang baso na nasa gilid ng plato niya. Nagdadalawang isip ito hanggang sa---. "Malinis ang tubig namin dito." Ani ng ama ni Astrid na kinatingin ng dalaga. "Teka ayaw mo ng pagkain teka ipagluluto kita ng bago akala ko kasi gusto mo din nan paborito kasi ng kakambal mo." Ani ng ginang bago dali daling lumabas na hindi man lang nakita ang reaksyon ng binata. "Mr.Preside---." "Si Cadmus ba tinutukoy ng mama mo?" Pabulong na tanong ni Callius. "Aksidente lang ang pagpunta ni Cadmu---." "Pero natuto siyang rumespeto." Putol ng lalaki na kinatingin ng dalawa. "Papa." Ani ni Astrid ng nakita ang ama. "Pagbaba mo pa lang sa kotse at pagtapak mo dito sa lugar namin para kana ding tumapak sa lupa. Iba ito sa buhay na meron ka kung hindi mo kayang ibaba ang dalawa mong paa mas mabuti pang tigilan mo na ang anak namin." Ani pa ng lalaki. "Papa!" Sigaw ni Astrid ng tumayo si Callius at yumuko. "Pasensya na Mr.Salves kung hindi niyo nagustuhan ang inasal ko. Ito ang unang pagkakataon na napunta ako sa ganitong lugar." Mababa ang boses ni Callius habang humihingi ng paumanhin. Katulad ng kay Cadmus buong puso din itong tinanggap ng mag asawang Salves. "Kung gusto niyo tito pwede kong asikasuhin ang titulo pwede ko kayang itira malapit sa---." "Iho dito na lumaki si Astrid at walang masama kung nasa ganito kaming lugar at isa pa nakakahiya na sa pamilya mo." Putol ni Mr.Salves na kinangiti na lang ng binata. Nang gumabi at nagpaalam si Callius tiningnan ni Astrid ang ama at ina. "Papa bakit niyo ginanun si Callius?" Tanong ni Astrid. "Anak hindi na baleng makapag asawa ka ng mahirap na may dignidad at isang salita kaysa sa mayaman na mamatahin ka lang naman diba?." Ani ng lalaki. "Sinasabi niyo bang ayaw niyo kay Callius? Bakit ganun papa si Cadmus naman gustong gust---." "Anak alam kong alam mo ang sagot sa tanong mo dahil sigurado akong ilang beses ka ng napunta sa ganung sitwasyon." Putol ng lalaki bago tumalikod at naglakad papasok. "Mama." Ani ni Astrid na may bahid na pagtatampo. "Anak malaki kana alam mo na ang tama." Nakangiting sambit ng ina bago nito haplusin ang pisngi ng dalaga. "Balensehin mo mabuti ang nararamdaman mo anak. Dahil minsan nakakaloko din ang puso kaya kailangan mong din mag isip." Bulong ng ginang bago ngumiti at iwan ang anak sa labas. Astrid Salves's POV; Napabuga na lang ako ng hangin bago sumubsob sa lamesa ng kinauupuan ko. "Astrid may problema ba?" Napaangat ako ng tingin ng makita ko si---. "Mr.President." ani ko matapos kong umayos ng upo. "Buong klase parang wala ka sa sarili mo." Ani ni Callius. "Malapit na kasi ang exam." Pagdadahilan ko kahit ang totoo hindi naman yun ang iniisip ko. "Matalino ka Astrid alam kong masasagot mo yun halos maperfect mo na nga entrance exam nun diba?" Natatawang sambit ni Callius na kinangiti ko. "Oo nga naman kayang kaya ko yun." Ani ko matapos niyang guluhin ang buhok ko na palagi niyang ginagawa. Magsasalita sana ako ng biglang bumagsak ang pinto na kinatingin namin ni Callius. "Kanina pa umiingay ang speaker sa labas Mr.President." may pagkasarcastic na anunsyo ni Cadmus. "Kailan ka pa naging secretary ko Cadmus?" Ani ni Callius bago tumayo. "Since nagagawa mong makipaglandian sa loob ng classroom since nagpatawag ka ng meeting sa office mo." Nagpabalik balik ang tingin ko sa kambal ng parang may imaginary kidlat akong nakikita. "Mabuti pa Mr.President pumunta kana sa office mo." Sabat ko na kinatingin ni Mr.President. "Sige kita na lang tayo mamaya." Ani ni Mr.President na mabilis na umaliwalas ang aura ng tumingin sakin. Matapos nito magpaalam nilampasan nito si Gangster na nakapamulsahang nakatingin sakin. "Ayos na pala kayo ni Santo kong kakambal." Walang buhay na sambit ni Cadmus hindi ako umimik. Hanggang ngayon naiinis pa din ako sakanya ni hindi niya magawang mag sorry. Para umalis kinuha ko ang bag ko at tumayo. "Eh ano naman?" Ani ko lalampasan ko siya ng hawakan nito ang braso ko na kinalaki ng mata ko lalo na ng isandal niya ako sa pinto. "Gusto mo ba laging napapahamak?" May diing tanong ni Cadmus. "Bitawan mo nga ako! Eh ano kung ayos na kami! Siya kasi marunong magsorry at tumanggap ng pagkakamali eh ikaw ba marunong?!" Pabalyang sagot ko bago pilit na tanggalin ang kamay niya sa kwelyo ng suot kong jacket. Matapos kasi nitong ibalya ako sa likuran ng pinto hinawakan nito ang kwelyo ng uniform ko. "Ngayon palang sinasabihan na kita Salves lumayo ka kay Callius kung gusto mo makatapos sa eskwelahan na ito ng tahimik." May diing sambit ni Cadmus na kinagitgit ko. Takot ako yeah pero---. "Ano bang pakialam mo?! Bakit mo ba lagi akong pinapakialaman sino ka ba?! Pare pareho lang naman kayong mayayaman diba?at least si Callius totoong concern sakin at alam kong mabait!" Sigaw ko bago naiinis na tabigin ang kamay niya at dali daling lumabas ng classroom. Wala siyang karapatan para takutin ako ng ganun. Ano kung hindi ko layuan si Callius anong gagawin niya sisirain niya buhay ko? Napahawak ako sa dibdib ko ng sobrang lakas ng t***k nun dahil sa takot kasabay ng panlalamig ng buong kalamnan ko. 'Bakit kasi hindi niya na lang ako tigilan.' 3rd Person's POV; "Ang babaeng ito." Ani ng isa sa estudyanteng lalaki na may hawak na litrato. "Astrid Salves?" Ani ng katabi nitong lalaki. "Alam niyo na ang gagawin." Nakangising sambit ng dalaga na kinatinginan ng apat na lalaki. "Sobra na yata ito pano kung mapatay nila si Salves." Ani ng isa sa dalaga na nasa gilid ng babae. "Wala akong pakielam basta ang gusto ko lang ngayon mawala sa landas ko ang babaeng yun." Walang emosyong sagot ng dalaga bago tingnan ang mga kaibigan na mabilis na ngumisi. "Tara na girls." Ani ng babae bago tumalikod at umalis. "Ayoko masali sa gulong ito." "Sumusobra na si Teressa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD