Chapter 17

989 Words
Chapter 17 3rd Person's POV; "Wag mo ng pakialaman si Salves Callius kung hindi mo din naman siya kayang panindigan." Walang buhay na sambit ni Cadmus bago mabilis na hiklatin ang dalaga na nabitawan ni Callius. Nang itago ni Cadmus si Astrid sa likuran niya hinarangan naman siya nina Venedict dahil sa pagtangkang lumapit ni Callius para kausapin ang dalaga. "Mas mabuti pa Callius ngumiti kana lang sa mga pinakamamahal mong C-lite students, umupo sa opisina at uminom ng tea katulad ng palagi mong ginagawa. Hindi yung pinagpipilitan mong kausapin ang isang taong ayaw naman makipag usap sayo." Bored na sambit ni Cadmus bago nakapamulsahang tinalikuran ang kakambal. "Bakit ka ba laging nangingialam Cadmus? Pwede ba kahit minsan umalis ka sa dinadaanan ko." May diing sambit ni Callius na kinangisi ng binata bago humarap. "Ngayon naman sayo nanggaling yan Mr.Perfect? Dahil lang sa isang babae ipapakita mo kung anong tunay mong kulay? O come on my dear twin brother dont tell me papayag kang sirain ng babaeng ito ang image mo bilang Mr. Perfect guy?" Tila may pang iinsultong sambit ni Cadmus ng iyukom ni Callius ang kamao nito. Nang hindi magsalita si Callius tumalikod na si Cadmus at ng tumabi sina Venedict mabilis nitong hinawakan si Astrid at hinila paalis dun. --- "Nasa loob pa din ba tayo ng Campus?" Tanong ng dalaga dahil sa nangyari kanina hindi na niya alam kung saan siya dinala ni Cadmus basta ang nasa isip lang nito kailangan niya lumayo. "Tanga ka ba? Sa tingin mo papayagan tayong lumabas dito?" Tanong ni Cadmus bago bitawan ang dalaga. "Grabe maka tanga! Ang sama mo talaga kahit kailan bwisit." Naiinis na sambit ng dalaga bago marahas na punasan ang pisngi at ayusin ang sarili. "Nasa loob pa din tayo ng Campus Astrid nasa likod lang tayo ng college building." Ani ni Dwayne. "Dito tambayan namin." Nakangiting sambit ni Alcide na kinangiti ng konti ng dalaga dahil mukhang mabait naman yung apat maliban sa lalaking nasa likuran niya. "Mas mukha itong bakanteng lote pero ang ganda malawak at maaliwalas ang hangin." Komento ni Astrid bago lumapit sa kaisa isang puno na nandun at umupo sa swing na kinatuwa ng dalaga. Astrid Salves's POV; Sobrang tahimik at mahangin ito ang gusto ko habang nag sswing hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko si papa. Tuwing pumupunta kami sa park nung bata ako lagi niya ako sinasakay sa ganito at tinutulak. Nang mapatingin ako sa grupo ni Cadmus nandun sila sa punong nasa bukana ng dinaanan namin kanina may nakikinig ng music, may nagbabasa, may nagchechess andun yung apat. Pagkatapos kong tingnan yung apat napako ang tingin ko kay Cadmus na nakaupo at nakasandal sa pader habang natutulog na may nakapatong na libro sa mukha. 'Sarap ng tulog niya dun ah.' "Astrid kung naboboring ka sali ka samin dito." Napatingin ako dun sa dalawang tao na nagchechess kung tama ako sila si Dwayne at Alcide. Madali naman ako makatanda ng pangalan lalo na kung sila ang bukambibig ng buong klase. "Marunong ka maglaro?" Tanong ni Alcide ng lumapit ako at umupo sa damuhan dahil sa naka mini skirt ako hindi ko alam kung pano ko tatakpan ang legs ko. Tatayo ako para kuhanin yung bag ko ng---. "Here." Napatingin ako kay Dwayne ng ngumiti ito at iabot ang jacket niya. "A-Ano kukunin ko na lang yun---." "Kunin mo na yan makati din diyan sa kinauupuan mo kunin mo na yan malaki yan pwede mo din upuan." Putol nung Dwayne. "S-Salamat." Ani ko bago kuhanin yun at itakip sa hita ko. "Kayo muna ni Alcide maglaro manonood muna ako." Ani ni Dwayne. "Pareng Dwayne pustahan tayo ano?" Ani nung Alvis. "Pusta ako kay Astrid tapos ikaw kay Alcide." Ani ni Dwayne. "Putangna mo may binabalak ka nanaman eh." "Wag mo na silang pansinin." Ani nung Alcide ng maayos niya yung nga pawns niya. Dahil sa nahiya naman ako mabilis kong inayos din yung akin habang yung dalawa nagtatalo pa din. "Ilang beses kana naglaro nan Astrid?" Tanong ni Dwayne. "Ahm pangatlong beses pa lang ito." Sagot ko. Totoo naman dahil tinuturuan ako ng papa ko. "Sige na nga kay Alcide na ako pagnanalo ako buong taon mo gagawin assignment ko haha." "Akin na yung condo unit mo sa Cebu pag nanalo si Astrid." 'Condo unit? Mayayaman nga naman pero---.' "Pwede walang pustahan? Hindi talaga ako gaanong marunong nito." Ani ko pero imbis sumagot pareho silang ngumiti ng malapad na kinasimangot ko. 3rd Person's POV; "Ano nanamang nangyari Venedict?" Tanong ng binatang si Alcide ng mapapunta nanaman sila sa Sport area ng C-lite. "Hindi nanaman siguro makatulog yan." Sagot ni Dwayne na nauna sa tatlo na dumating. "Natry niyo na bang kontakin si Sharah?" Tanong ni Alvis. "Are you out of mind gusto mo kaladkarin tayo nun pabalik ng America?" Nakangiwing sambit ni Dwayne. "Pero siya ang nakakaalam ng gagawin kay Cadmus." Ani ni Alvis bago tingnan si Cadmus na patuloy sa paghampas ng bola. --- "Haha kapal naman talaga mg mukha mo eh talagang pumasok ka pa." Ani ni Terresa matapos salubungin si Astrid na kapapasok lang din ng eskwelahan kinaumagahan. "Pwede ba Terressa wala akong panahon makipag tahulan sayo may klase pa ako." Ani ni Astrid at lalampasan ang grupo ni Terresa ng hablutin ito ng babae at ihead to toe. "Anong pinagmamalaki mo ha? Si Cadmus? Pagkatapos kay Callius si Cadmus naman ganyan ba talaga kayong mga pulubi makatungtong lang sa taas sa mayayaman kumakapit?" Ani ni Terresa. "Ganyan din ba kayong mayayaman? Makatungtong lang sa itaas kahit sino tatapakan?" Balik na tanong ng dalaga bago tabigin ang kamay ng babae at ayusin ang dala nitong bag. "Kung yung dalawang Acosta lang naman ang pinuputok mo saksak mo sa baga mo." Nabubwisit na sambit ng dalaga na kinanganga ng grupo ni Terresa matapos sila lampasan ng babae. "Tangna ang sakit." Nag gigitgit na bulong ni Astrid habang hawak ng nahigpit ang laylayan ng suot niyang uniform.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD