Chapter 13

770 Words
Chapter 13 3rd Person's POV; 'Ohmygod ang daming gwapo.' 'Kyaah si Callius ba yun? Ang gwafuu.' "Guys andito na pala ang student council president natin ... let's welcome Callius Acosta.". Napuno ng hiyawan at palakpakan ang gymnasium ng umakyat sa stage ang binata kasama ang iba pang SC members lahat sila ay nakaformal attire katulad ng iba pang estudyanteng lalaki habang si Callius ay nakaputing tuxedo na nangingibabaw dahil sa taglay na kagwapuhan ng binata na mas pinatingkad ng suot nitong kulay puti na tuxedo. Kasalukuyang nagsasalita para sa opening ceremony ang student council president ng---. 'Whoa!' 'Yan ba si Astrid?' Napalingon ang lahat sa babaeng kapapasok lang sa malaking pinto na ngayon ay nakayuko at palihim na nililibot ang paningin dahil halos lahat sila nakatingin sa dalaga. 'Wow as in wow ang ganda pala talaga ni Salves.' Komento ni Marco ng makita ang dalaga na naglalakad sa red carpet. "Ahm bakit ba sila nakatingin?" Bulong ng dalaga ng makita ang lahat ay nakatingin sakanya. "Si Callius naman kasi sabing wag na ako lagyan ng make up buti manipis lang hindi ako nangati." Kasalukuyang nakasuot ng long white gown ang dalaga na mas nagpatingkad sa kaputian ng babae, nakalugay ang mahaba nitong itim na itim na buhok. 'Simple but elegant.' Tatlong salita na pumasok sa utak ng binatang si Callius ng makita ang dalaga na naglalakad. "Tinatago lang pala ng malaking salamin na yun ang ganda ni Astrid." Komento ni Angelo. Matapos ang grand entrance ni Astrid pinagpatuloy ni Callius ang opening at lumapit sa dalaga ng nasa Emcee na ulit ang mic. "Ang ganda mo ngayon Astrid." Komento ni Callius na kinapula ng pisngi ni Astrid. "M-Maraming salamat." Bulong ni Astrid na kinangiti ni Callius. Nagkukwentuhan ang dalaga ng---. 'Ohmy!' 's**t si Cadmus.' Napatingin ang dalagang si Astrid sa entrance ng gymn ng may grupuhang pumasok. 'Ang blacksphere.' 'Si Alcide ba yan?!kyaah ang gwapo.' Astrid Salves's POV; Andito ang blacksphere ibig sabihin---. "Whoa!whoa! Mukhang andito pa ang isa sa founder ng C-Lite." Lahat sila nakaformal attire at sa tyura nila ngayon para na silang mga estudyante ng C-Lite. Malinis sila at formal maliban sa isang hikaw sa kani kanilang tenga. Nagpakulay na din sila ng itim na buhok na mas nagpaangas sa tyura nila specially ng lalaking ... nakapamulsahang naglalakad sa pinakaunahan at walang emosyong nakatingim sa kawalan. Nagpakulay na din ito ng itim mas naging kamukhang kamukha siya ni Callius pero ang dating nito mas maangas. Nang magtama ang mata namin nagulat ako at agad napaiwas ng tingin bago tumalikod at uminom ng tubig mula aa buffet table. 'Anong nangyari? Wala naman siyang ginagawa bakit natetense ako?' "Ayos ka lang?" Tanong ni Callius. "A-Ayos lang ako." Mababa ang boses na sagot ko bago tumingin ulit sa stage. Nang gabing yun napuno ng kasiyahan, sayawan at mga games sa gymn ng saktong 10 pm pinapunta kami ng Dean sa Swimming area para sa Midnight party. May inuman pero hindi ganun kahard at wala din naman akong pakialam dahil hindi naman ako umiinom. "Nag iisa ka nanaman." Napatingin ako kay President ng umupo siya sa tabi ko. "Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong party." Sagot ko. "Ganun ba dapat hindi kana pumunta." Sagot ni Callius na kinatingin ko. "Nakakahiya naman kasi sayo binilhan mo pa ako ng gown at heels." Ani ko na kinatingin saakin ni Callius. "Ha?" Nagtatakang tanong niya na kinakunot ng noo ko. "Pinapunta mo pa nga yung baklang make up artist para ayusan ak---." "C-Lite student." Napatingin kami pareho ni Callius ng may magsalita sa mini stage malapit sa pool. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko ng makita ko ang picture namin ni Callius na nanggagaling sa isang projector. "Ang C-lite ay binubuo ng mga estudyanteng nanggagaling sa mga elite familiy diba?" 'Tama!' 'Eh anong meron?' 'Teka si Astrid ba yan?' 'Yak who'se that like---.' "Mario Salves construction Worker and Almira Salves isang labandera panong ang mag asawang ito nagkaroon ng anak na nag aaral sa C-lite?" 'Ohmygod!ano kaya hokus fokus ginawa ng babaeng yan.' 'Siguro ginamit niya si Callius.' 'Siguro naman walang alam si President diba?' 'Malaking gulo ang mangyayari sa C-Lite katulad ng nangyari last year.' Ilan lang yan sa narinig kong bulungan at pangungutya nila sa pamilya ko. "Nakakatawa ka gurl kapit ka lang naman sa scholarship na binigay sayo ng mga Acosta kung makalandi ka kay Callius." Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko ng makita ko ang mga tingin nila saakin diring diri. "Sabagay gwapo si Callius,mabait,matalino at mayaman he is a good catch right, Astrid?" Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita kong umakyat si---. "T-Teressa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD