Chapter 31

1060 Words
Chapter 31 3rd Person's POV; "2 points na lang." Bulong ni Cadmus habang hinahabol ang hininga at nakatingin sa scoring. "Halimaw talaga si Captain." Bulong ng isa sa mga varsity player. "Hindi man lang nadagdagan kahit isang puntos ang score ng kalaban simula ng tumira si captain." 'C-illians! C-illians!' 'Ohmygosh anong pangalan nung nakasando?' 'Kyaah girl ang gwapo!' Bahagyang napatakip ng tenga si Astrid ng maghiyawan ang mga estudyante ng makashoot ulit si Cadmus bago sumipol ang referee. Taga ibang school man o mga C-lite students todo cheer sa team ni Cadmus. Matapos ang laro napatalon ang nga kateam nito sa tuwa habang si Cadmus ay balewalang naglakad pabalik sa bench kung nasaan ang varsity player ng C-lites. "Nanalo siya." Bulong ni Astrid matapos mapatayo ng sumipol yung referee. Maraming humarang kay Cadmus matapos ang laro mapa students ng C-lites o ng Farell University inofferan siya ng tubig. 'Ay suplado.' 'Ohmy ang gwapo niya pa din.' Nakapokerface lang na lumapit si Cadmus sa bench hanggang sa agawin nito ang hawak na bottled water ni Astrid na ininuman ng dalaga matapos ibigay sakanya ni Dwayne. "Teka ininuma---." "Tapos na ang game at yung deal natin simula na bukas." Putol ni Cadmus bago ibalik yung inumin ng dalaga sa mga kamay niya. "Teka bukas na agad hindi ba--- sabi ko nga." Nakasimangot na sambit ni Astrid. "Sino yung babae?" Tanong ng isa sa mga player ng kabilang team. "Hindi ko alam pero mukhang kaclose niya yung dumurog satin at sa mga bumira kay Captain." Sagot ng isa sa mga ito. "Interesting." Nakangising sambit ng lalaki. "Tyson! bakit ngayon ka lang tapos na ang game!" Napatingin ang lahat ng nasa court at mga audience ng may lalaking tuloy tuloy na pumasok. Pero imbis pumunta sa mga kateam niya nakapamulsahan itong lumapit sa bench ng C-lite. Astrid Salves's POV; Nang matahimik ang lahat napalingon ako ng mapatingin sina Dwayne sa likuran ko at---. "Kayo siguro ang Blacksphere." Nagtaasan yata ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ng lalaking lumapit sa pwesto namin at saktong pag angat ko ng tingin nasalubong ko ang asul niyang mga mata. Napaatras ako kaya bumangga ako kay Cadmus na nasa likuran ko na pala. Messy hair, pointed nose, natural red lips, pale skin at kung pagwapuhan lang naman. Panlaban siya kina Cadmus pero ang aura at presensya niya hindi ko gusto ... parang lagi siyang may hindi gagawing maganda. "Tyson Farell hindi ko iniexpect na maliligaw ang isang tulad mo sa university namin." Ani ni Cadmus bago ako itabi kaya nawala ang pansin sakin nung lalaki. "Ha? May sinasabi ka?" Nakangising sambit niya na parang nang aasar pa ito. "Pagkatapos mong lampasuhin ang team ko sasabihin mo yan? And by the way hindi naman yan ang reason kung bakit ako nandito." Ani nung lalaki bago ako tingnan. "Mr.Ferell." Nang may tumawag dun sa lalaki lumingon ito kasabay nun ang paghila saakin ni Cadmus kasunod sina Dwayne papunta kung saan. "Wag mo nga ako hilahin teka!" Pigil ko matapos ko mapakapit sa pinakaposte ng court papunta sa taas kung saan ang exit ng gymn. "Wag kang hila ng hila nakakasakit ka ah." Ani ko ng---. "Cadmus." Napalingon kami pareho ng may tumawag kay Gangster. "Cyan." 3rd Person's POV; 'Oh my ang ganda niya.' 'Pre yan si Cyan Parker yung sikat na model sa France.' Magkahalong inggit at paghanga ang naramdaman ni Astrid ng makita ang student ng Farellion na naglalakad palapit sakanila. Dahil sa taglay nitong ganda halos mapalalaki o babae napapalingon sa dalaga. Mukha kasi talaga itong anghel na binaba sa lupa kahit wala itong kahit na anong make up. 'Wait yan ba yung ex ni Cadmus?' 'Kyaaah bagay sila badboy and angelic looks.' 'Shet pre ang ganda.' Hindi maiwasang manliit ni Astrid ng pumantay sa kanya ang dalaga lalo na ng humarap ito kay Cadmus. "Kailan ka pa bumalik Cyan?" Tanong ni Cadmus bago bitawan si Astrid ng bumaba dun ang tingin ng babae. "Kahapon lang and inienroll agad ako ni mom sa Farell. Cadmus hindi ko iniexpect na papasok ka dito lalo na---." "Hindi ko din iniexpect na babalik ka pa." Putol ni Cadmus aalis si Astrid dahil mukhang napapagitnaan na siya ng hablutin ulit ni Cadmus ang braso niya bago tuluyang tumaas habang hila hila si Astrid. "Oy! Oy teka bakit---." Naputol ang sasabihin ni Astrid ng makita ang kakaibang emosyon sa mata ni Cadmus ng mapatitig ito dito. "Cyan." "Girlfriend ba ni Cadmus yung babaeng hila hila niya?" Puno ng lungkot na sambit ng dalaga habang nakatingin sa grupuhang papalayo. "Yan yung babaeng nililigawan ni Callius." Sagot ng babae na kinatingin ni Cyan. "Nakita mo na ba siya?" Tanong ng dalaga na kinatingin sakanya ng babae. Ngumiti lang ito ng konti bago tumango. "Pero hindi ako nagpakita." Bulong ng babae bago lumingon at tingnan ang mga player ng ng farell na nakatingin sakanila. "Bumalik na tayo." Ani ng babae na kinatango ng dalaga bago tingnan ulit ang pinakaexit ng gym na nasa itaas na bahagi kung saan dumaan sina Cadmus at Astrid. "Sana matanggap niya ulit ako pagkatapos ng lahat ng nangyari." --- "Hindi ko alam na babalik pa si Cyan." Bulong ni Dwayne na kinatingin ni Alcide. "Kayo ang may ari ng airlines company sa buong asia tapos wala kang alam." Ani ni Alcide na kinangiwi ng binata. "As if naman ako talaga kina mom at dad yun hindi saakin." Ani ni Dwayne. "Kung nandito si cyan ibig sabihin bumalik na din si Trinity." Out of the blue na sambit ni Alvis na kinasapo sa noo ni Dwayne. "Bakit ba bigla bigla na lang sila nagsulputan idagdag mo pa yung Farell brothers." Ani ni Alcide bago tingnan si Astrid at Cadmus. "Hindi porket pumayag ako sa deal natin pepestehin mo buhay ko! Fyi bukas pa ang simula ng deal kaya hindi mo ako pwedeng hila hilahin kung saan saan! Meron pa---asghgfytf." Matapos takpan ng binata ang bibig ni Astrid napahilot ito sa sintido. "Manahimik ka pwede ang ingay ... bumalik kana nga sa classroom nakakairita." Gusot ang mukhang sambit ni Cadmus. Matapos lapitan nina Alvis yung dalawa nanatiling nakatingin si Astrid sa likuran ni Cadmus ng tumalikod ito sakanya. "Astrid tara." Yaya nina Dwayne bago akbayan si Astrid at ayain kung saan. Nang maiwan si Cadmus mag isa naiyukom nito ang kamao at halos dumugo ang gilid ng labi dahil sa pagkakagat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD