Mabilis niyang inagaw ang kanyang isang kamay na bigla nitong hinawakan. Nakita naman niyang parang okay na ito kaya galit at nagmamadali na s'yang umalis pa at iniwan itong mag-isa. "Telly, wait!" Tawag pa nito sa kanya. Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa. Nagtaka naman ang kapatid na si Troy nang masalubong s'ya nito. "Ate? saan po kayo? okay na po ba si Kuya Samuel?" Tanong naman ni Troy sa kanya na bitbit na nito ang phone ni Samuel. " Okay na s'ya. Magpahinga na ako." Aniya sa kapatid at nagmamadali nang humakbang muli upang papasok na sa kanyang kuwarto. Hindi na niya alam kung ano na ang nangyari dahil hindi na s'ya lumabas pa mula sa kanyang kuwarto. Nauwi naman ng gabing iyon si Antonette. Mga 8:00 pm na itong umuwi. At madaling araw na din umuwi ang kanilang ama kas

