Nakita naman ni Samuel ang labis na kalungkutan sa mukha ni Danna. Hindi naman niya napigilang makonsensya na iiwan na niya ito at sya'y uuwi na sa Santa Ana. Sa mahigit isang taon na relasyon nila ni Danna ay sobrang bait nito at alagang-alaga s'ya nito. Ngunit kahit malayo sa kanya si Telly at sa cellphone lang sila laging nagkakausap ay mas mahal parin niya ito kaysa kay Danna. Walang pagbabago, si Telly parin ang babaeng nais niyang pakasalan at nais niyang makasama habang buhay. Mahigpit s'yang niyakap ni Danna at umiyak ito. "Mahal na mahal kita Samuel. At hindi na ako magiging masaya kapag mawala ka na ng tuloyan." Umiiyak na wika nito sa kanya. Mahigpit rin niya itong niyakap. "Ito na yung sinasabi ko sa'yo noon pa, na hindi pwedeng maging tayo, may naghihintay sa akin Dan

