Prologue

1537 Words
Dahil sa ginawang panloloko ng Military'ng ama ni Telly sa kanilang ina ay tuloyang namatay sa sakit ang ina nila at sila'y nawalan ng mga magulang ng kanyang mga kapatid sa murang edad. Akala kasi ng kanyang Ina na binata pa ang kanilang amang Military dahil iyon ang ipinaniwala nito sa Ina nila, ngunit may pamilya na pala ito. Iniwan lang sila ng kanilang ama na labis namang ikinalungkot ng kanilang Inang may sakit kaya dahilan rin ng maagang pagkamatay nito. Sa pagpanaw ng ina ay naiwan din sa kanya ang obligasyon sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang mga kapatid bilang panganay sa edad n'yang dose anyos. Lahat ginawa niya upang mabuhay lamang silang magkapatid. Lumaki s'yang may galit at pagkasuklam sa kanyang ama na iniwan lang sila at higit sa lahat pati na sa mga lalaking Military na tulad sa Military n'yang ama, na para sa kanya ay pareho lang mga manloloko. Sa kanilang probinsya ay nagtitinda s'ya ng mga prutas at gulay tuwing sabado at linggo ngunit sa ibang araw naman ay nag-aalaga siya sa kanyang mga pananim, iyon ay ang kanyang gulayan. Malaki naman ang kanyang kinikita at sapat naman sa kanilang pangangailangan araw-araw. iyon lamang ang kanyang ibinubuhay sa dalawang kapatid at pinapaaral sa mga ito. Sa edad n'yang twenty ay naging matured na ang pananaw niya sa buhay dahil sa kanyang mga naranasan. At ipinangako n'ya sa libingan ng kanyang ina na hindi n'ya pababayaan ang kanyang dalawang kapatid at nangako din s'yang hindi mag-asawa at maging matandang dalaga na lang. Katunayan nga ay sa edad niyang twenty ay hindi pa s'ya nagkaka boyfriend at wala talaga s'yang balak na magboboy friend. "Ate, papasok na po kami!" Masiglang paalam sa kanya ng dalawang kapatid na nag-aaral. " Sige, ingat kayo!" Nakangiting ganti din n'ya sa mga ito sabay kaway. Nasa garden s'ya ng mga sandaling iyon sa kanyang mga gulayan nang magpaalam ang mga ito. Pagkaalis na ng kanyang dalawang kapatid ay kinuha naman n'ya ang hoose upang magdilig na ng kanyang mga pananim. Nagulat na lang s'ya nang bigla namang dumating sa kanyang likuran ang kanyang kaibigang si Elsa. " Telly!" Kinikilig na tili pa nito sa kanyang likuran na siyang ikinagulat naman n'ya. "Nakakagulat ka naman, Elsa! bakit, ano bang nangyari sa'yo?" Taas kilay naman n'yang tanong rito habang patuloy sa pagdidilig. "Para akong hinihingal sa sobrang guwapo ng nakita ko! maryusep ang guwapo n'ya!" Sabi pa nito na sabay yakap sa sarili nito. " Puro na naman kalandian ang babaeng 'to! sino ba ang guwapong sinasabi mo, si Mang Faustino ba na nag-aaro diyan sa unahan?" Irap namang tanong n'ya rito. Nawaglit naman ang ngiti ng kanyang kaibigan sa kanyang sinabi. "Ito naman, nakakawalan ng gana. Hindi si Mang Faustino noh! gigil mo ako ha." Irap ding ganti nito. "Eh, sino nga ba?" Tanong naman n'ya kahit wala naman sa bokabularyo n'yang kikilig-kilig kung totoong may guwapo. Nasa listahan na kasi n'ya na di s'ya mag-asawa at wala s'yang balak mangnobyo sa kahit sinong poncio pilato pa. " Yung panganay na anak ni Kapitan na si Carlos, yung Army n'yang anak ay nauwi kahapon lang. At may kasamang napakaguwapong lalaki at binata pa! kaibigan daw nito at sabi nila isang Lieutenant Colonel daw ang kasama ni Carlos! Jusme! lahat ng mga dalaga ngayon ay napasilip sa kasama ni Carlos! lahat kami kinikilig!" Sabi pa nito na muling napatili. Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig ang salitang Army. Bigla n'yang naalala ang kanilang walang hiyang Army na ama na bigla na lang silang inabandona at di na binalikan pa dahil may pamilya pala ito. " Oh, bakit parang bird angry yata mukha mo?" Sabi pa nito sa kanya nang mapansin ang pagsalpukan ng kanyang mga kilay. "Wala!" Maiksing sagot n'ya sa kaibigan at ipinagpatuloy ang kanyang pagdidilig. "Halika nga, silipin natin, para makita mo rin, puro ka nalang dito pagtatanim! enjoy mo naman ang pagiging dalaga mo. Lagi nalang ampalaya yang mga kaharap mo." Makulit pa nitong sabi sa kanya. " Ay naku, h'wag na! wala akong hilig dyan. Lalo na't army pa. Mga manloloko yan! tulad yan sa mabait kong ama na pagkatapos nangitlog ay lumipad na at di na nagbalik!" Inis n'yang wika rito sabay ipinamimis pa n'ya ang kanyang mata rito. Natigil naman ang kaibigan dahil sa narinig mula sa kanya. "Dinibdib mo yata hanggang ngayon ang mga pinagdaan niyong magkapatid, Telly." Malungkot na sabi pa nito sa kanya. "Pasensya ka na, Elsa." Sabi pa n'ya rito. " Sus, sayang.. may ipagmamalaki ka pa namang ganda tapos nandito ka lang sa liblib, nagtatanim. Sana ibinigay na lang sa akin yang ganda mo." Sabi pa nito na napakamot sa ulo. Inismiran na lang n'ya ang kaibigan. " Diyan ka na nga! bahala ka dyan, basta ako muli akong sisilip doon! bye, Bezty! saka na uli tayo magcheka!" Malakas pang wika nito at nagmamadali nang umalis. Napailing na lang s'ya nang maiiwan siya nito. ___ Wala s'yang pakialam kahit na marami na s'yang naririnig na halos lahat ng mga dalaga sa kanilang barangay ay nagkagusto sa bisita ni Carlos na anak sa kapitan ng kanilang barangay. Ni hindi pa nga n'ya nakita ang pagmumukha ng lalaking sinasabi ng mga ito na isang Lieutenant Colonel. Ang dinig n'ya sa mga tsismis ay nag leave lang daw ito ng dalawang linggo para magbakasyon sa kanilang probinsyana kasama kay Carlos. Isang umaga ay dala-dala n'ya ang malaking palanggana na may lamang mga labahin para maaga pa s'yang maglaba sa ilog. Tamang-tama, pagdating n'ya doon ay wala pang tao at siya pa ang nauna sa ilog na iyon na s'yang labahan nila. Habang naglalaba ay nagmamadali pa siya dahil may gagawin pa siya sa kanyang garden na di pa n'ya natatapos. Paglipas ng ilang minuto ay biglang may kaluskos na pararating sa kanyang kinaroroonan. Ngunit naisip n'ya na baka isa iyon sa maagang maglaba sa ilog na iyon kaya binalewala n'ya at patuloy lang s'ya sa kanyang ginagawang pagkuskos. Ngunit gano'n na lang ang gulat n'ya nang biglang tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaking matangkad at naka suot ng unipormeng pantalon ng army at pinarisan lang ng black na sando ang suot na pang ibabaw nito. May matikas itong pangangatawan at ito'y talk dark and handsome pa. In short, napakaguwapo nito! Natigilan din ito nang makita s'ya nito roon sa ilog at nagtama ang kanilang mga mata. Naalala naman kaagad ni Telly na baka ito yung lalaking bisita ni Carlos na pinagkakagulohan ng mga kadalagahan sa kanilang barangay ngayon at kinikiligan ng kanyang kaibigan. "Good morning! mukha bang nakakagulat ang mukha ko?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi naman n'ya maintindihan ang paglakas ng kabog sa kanyang dibdib nang magsalita ito sa kanya at nginitian pa s'ya nito. Ngunit hindi naman n'ya sinadya na magsalpukan ang kanyang mga kilay na nakatingin rito at hinagod pa n'ya ng tingin ang suot nitong uniform na army. At bigla na lang s'yang nainis nang maisipang isang Lieutenant Colonel na army pala ang lalaking kaharap n'ya ngayon ayun sa kanyang mga narinig. Isa itong army tulad ng kanyang manlolokong ama. Hindi n'ya ito sinagot at nagpatuloy sa kanyang paglalaba na hindi na ito pinansin at tiningnan. " Oh bakit nakasimangot ka lang? kay ganda kaya ng umaga dito sa probinsya n'yo kaya dapat lagi kang nakangiti, Miss." Sabi pa nito sa kanya. "Para sa'yo, maganda. Pero para sa akin ay hindi maganda ang umaga ko ngayon." Nainis n'yang sagot rito at simpleng inismiran ito. "Tsssk! kaya siguro paborito kang lapitan ng mga ahas dahil sa ugali at pagka isnabera mo. H'wag kang kumilos!" Sabi pa nito sa kanya sabay mabilis nitong binunot ang baril sa baywang nito at itinutok iyon sa kanya. "Ahhh!!" Gulat n'yang sigaw sa pag-aakalang s'ya ang barilin nito kaya napapikit siya at kasunod naman agad ang malakas na putok ng baril nito. Akala n'ya ay natamaan na s'ya kaya grabe ang nerbyos na naramdaman n'ya habang yakap ang sarili at ipinikit ang mga mata. " Wala na. Safe kana! tingnan mo sa likod mo." Sabi pa ng baritonong tinig nito. Iminulat n'ya ang kanyang mga mata at nanginginig na tiningnan ang kanyang likuran. Mas lalo pa s'yang nagulat sa kanyang nakita at muling napasigaw. " Ahh!! ahas! ahas!" Nanginginig sa gulat n'yang sigaw nang makita ang malaking ahas sa kanyang likuran na wala ng buhay. Napatayo tuloy s'ya at napatakbo palayo sa kanyang kinauupuan. " Patay na 'yan, bakit ka pa natatakot?" Sabi pa nito sa kanya na sinundan s'ya ng tingin. " Bakit mo ako tinakot? bakit bigla mo na lang binaril na di mo man lang pinaalam sa akin na may ahas sa likod ko? alam mo bang grabe ang naramdaman kong nerbyos sa ginagawa mo?" Nanginginig n'yang galit na wika rito. Nanginginig s'ya sa takot sa ahas at nanginginig din s'ya sa bigla na lang pagbaril nito dahil akala niya ay siya na ang binaril nito. Grabe tuloy ang nerbyos n'ya. "Pambihira ka naman, ikaw na itong tinutulongan ko, ikaw pa itong galit. Mabuti nga't binaril ko agad iyon. Dahil kung hindi ko agad nabaril ay tinuklaw ka na sana. Kapag pinatayo pa kita ay siguradong tutuklawin ka ng ahas. Naiintindihan mo ba?" Seryosong sagot naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD