CHAPTER 6

1729 Words
Hindi na talaga nilingon ni Telly pa ang binatang militar. Napasunod lang din pala sa kanilang likuran si Elsa. " H-hi, Sir! iniwan ka ng kaibigan ko ah. Pasensya na po kayo, tupakin kasi yun at lagi na lang galit. Hindi n'ya alam na sayang po kayo. Hehe." Sabi pa ni Elsa sa guwapong binata. Hinarap pa ni Lt. Colonel Samuel ang kaibigan ni Telly. " Tulongan mo ako sa kaibigan mo. Alamin mo kung ano ng mga gusto n'ya. Bibigyan kita ng pera. I want to know what her favorite foods, clothes, and things are. Bibilhin ko sa kanya iyon." Seryosong wika ni Sir Samuel. Nanlaki naman ang mga mata ni Elsa. "Bakit po, Sir? gusto mo ba talaga ang kaibigan ko?" Tanong pa ni Elsa. " Yes, gusto ko s'ya." Sagot nito kay Elsa. Mas lalo namang namilog ang mga mata ni Elsa. "Ay wow, haba ng hair ng kaibigan ko. Sa akin ka na lang sir. Kasi hindi ka aarti sa kanya. Lalo na't army po kayo. Galit s'ya sa mga army na tulad mo." Sabi pa ni Elsa. Napakunot-noong napatingin ito sa kanya. "What? bakit?" Enteresadong tanong ni Samuel kay Elsa. " Atin lang 'to, Sir ha. Military kasi ang ama nina Telly. At kabit lang ang Ina nila. Hindi kasi alam ng ina nila na may totoong asawa pala yung ama nila. At dumating yung oras na iniwan na sila ng kanilang ama dahil bumalik na ito sa totoong pamilya. Bata pa sina Telly nawalan ng mga magulang, iniwan sila ng ama n'ya at maagang namatay naman ang nanay nila sa sakit at kalungkutan nito dahil sa pang-iiwan sa kanila ng kanilang ama. Wala namang magagawa ang nanay nila dahil may asawa na pala ang ama nila." Mahabang wika ni Elsa na medyo hininaan pa ang boses nito. "Ano? anong pangalan ng ama nila? so, anong nangyari sa kanila noon? kawawa silang magkapatid kung gano'n dahil wala na silang mga magulang." Naantig ang pusong tanong ni Samuel. " Super, Sir. Kawawang-kawawa sina Telly noon. Bata pa si best Telly, nanghihingi na lang s'ya ng pagkain sa mga kapit- bahay namin upang may ipapakain sa kanyang mga kapatid. Inutos-utusan s'ya ng mga kapit- bahay namin dati at pagkatapos ay bibigyan ng pagkain. Maghugas s'ya ng mga pinggan, magwalis sa mga bakuran ng mga kapit-bahay namin, magpapainom sa mga baka sa pastulan at ang bayad ay pagkain nilang magkapatid. Hangga't natuto siyang magtanim ng mga gulay. Kaya mula noon ay iyon na ang naging hanap-buhay n'ya at pinapaaral n'ya sa kanyang mga kapatid. Mainit lagi ang ulo n'ya. Ako lang ang naging kaibigan n'ya dito dahil noong maliit pa kami ay lagi ko silang lihim na dinadalhan ng bigas at ulam. Nakawan ko yung bigasan namin para lihim na ibigay sa kaibigan ko. Talagang kawawa sila noon. Kaya masungit s'ya at laging galit." Mahabang dagdag na pagkukuwento ni Elsa. Labis na naawa si Samuel sa narinig mula sa kaibigan ni Telly. "Kaya pala. Parang ako ang nasasaktan sa mga ikinuwento mo. Pero alam kong mapapaamo ko rin siya." Sabi ni Samuel. "Baka hindi eh, h'wag po kayong magalit sir ha. Parang hindi ka niya magustohan. Babaero po kasi kayo. Lalo na't nakita ka n'yang nakipag romansa kay Rose. Failure ka na talaga sa kanya, Sir." Sabi pa ni Elsa na napatakip pa sa bibig. "Hindi ko girl friend si Rose. Yes, may mga naging girl friend ako. Sa edad kong twenty eight ay marami nang babae na dumaan sa buhay ko, di ko yan ikakaila. Pero kung sagutin ako ng kaibigan mo, seseryusuhin ko siya." Sabi pa ni Samuel. " Totoo po, Sir?" Tanong pa ni Elsa. "Yes, totoo, gustong-gusto ko s'yang maging girl friend. Kaya sana tulongan mo ako sa kaibigan mo, habang nandito pa ako. Gusto ko siyang maging kami bago ako uuwi." Desididong wika ni Samuel. "Naku, baka magagalit s'ya sa akin Sir, at itatakwil niya ako bilang kaibigan kung malaman n'yang tutulongan ko po kayo." Sabi pa ni Elsa. " Bakit? magpahalata ka rin ba? uusisain mo lang naman yung mga favorite n'ya upang kung mag akyat ligaw ako sa kanya ay may mga dala akong mga paborito n'yang pasalubong." Sabi ni Samuel. " Yun lang po, Sir?" Ani Elsa. " Siyempre, mag advice ka rin sa kanya na hindi din maganda na ikukulong n'ya ang sarili n'ya sa madilim na nakaraan ng buhay n'ya. Kailangan n'ya ring magkakaboyfriend, upang maybe makakatulong sa kanya. Mali ang ginawa n'ya na dinadamay n'ya ang lahat dahil sa ginawang panloloko ng ama nila sa kanilang Ina at ang pagtalikod at pang-iiwan nito sa kanila." Tugon naman ni Samuel. Gusto pa sanang magsalita ni Samuel ngunit nasa likuran na rin ni Elsa si Rose. " Basta yun na, Elsa. Sige." Ani Samuel at nagpaalam at tumalikod na ito. " Okay po, Sir!" Masiglang tugon pa ni Elsa. Nagmamadali namang humakbang paalis ang binata . At naiwan si Elsa na naglalakad na rin pauwi. "Hoy, Elsa! ano yung pinag-usapan niyo ni Sir Samuel?" Galit pang tanong ni Rose sa likod ni Elsa. " Secret.." Nakangising sagot ni Elsa. "Pati ba ikaw ay nakikipag kompetensya sa akin?" Galit pang tanong ni Rose. "At bakit? hindi ba pwide?" Tanong naman ni Elsa. Minsan ay nahahawa na rin kasi ito sa pagka suplada ng kaibigan nitong si Telly. "Naku, wala ka lang sa kalingkingan ko, Elsa!" "Hala, bakit ka galit? sabi sa akin ni Sir Samuel hindi ka naman daw n'ya girl friend." Sabi pa ni Elsa. "Ano? pero may nangyari na sa amin noong nakaraang gabi! kaya akin lang s'ya. Hindi ka naman maganda, Elsa, kaya alam kong titikman ka lang n'ya!" Sabi pa ni Rose na galit na galit. "Eh, ikaw, natikman ka na, kaya reject ka na, kahit maganda ka pa kaysa sa akin. Ako naman ay fresh pa at hindi pa n'ya natikman kaya mas pipiliin ako ni Sir Sam kaysa sa'yo. Eyyyy.." Wika pa ni Elsa na mas lalong inaasar si Rose. Hanip talaga si Sir Samuel. Naka score na pala ito kay Rose. " Walang hiya ka!" Malakas na sigaw ni Rose kay Elsa. " Diyan ka na nga! mamatay ka diyan sa galit at inggit mo!" Wika naman ni Elsa na nagmamadaling iniwan si Rose. Kinabukasan naman ay araw ng linggo at gano'n parin ang ginagawa ni Telly. Maaga pa s'yang nag deliver at maaga din s'yang nauwi. Pagdating niya'y nagtaka naman s'ya kung bakit nando'n na maman sa bahay nila ang kanyang kaibigan. "Wow, sarap yan binili mo ah." Sabi pa ni Elsa nang makitang may bitbit s'yang isang plastic na barbecueng manok at nag groceries din s'ya. "Wait, best. Kakain tayo, marami to." Sabi naman niya sa kaibigan. "Favorite mo 'yan?" Tanong naman nito sa kanya. "Oo, lalo na kapag maraming sauce. Gustong-gusto ko talaga." Tugon naman niya rito. "Ang sarap naman." Sabi naman nito. Isinalin nga nito ang mga barbecue sa malapad nitong pinggan pagkatapos ay umupo sila at dumulog sa hapag. Tinawag naman n'ya ang mga kapatid at sumabay naman na rin ang mga ito ng lunch sa kanila. "Ahhm, maliban sa barbecueng manok best, ano pa ang favorite mo?" Tanong naman ng kanyang kaibigan habang kumain sila. "Gusto ko rin yung mga crispy na pork adobo at kaldereta. At pagkatapos may malamig na softdrink at may minatamis. Busog na busog ako niyan." Sabi n'ya sa kaibigan. " Ako din po, ate." Sabad naman ni Rina sa kanilang usapan. " Ahh, okay, at.. kung .. kung.. sa damit naman at sa gamit, ano gusto mo, best na bilhin mo?" Tanong naman nito sa kanya. Natigilan naman s'ya. Bakit parang nanginginterview ata ang kaibigan niya? " Ako, gusto ko po yung maganda at bagong cellphone." Sabad naman ni Rina. "Gano'n din ako. Pero okay lang naman na luma yung mga cellphone namin. Balang araw ay mapapalitan din ito ng bago lalo na't may trabaho na ako. Pati si ate ay bibilhan ko ng mga magagandang damit at magandang cellphone." Sabi pa ni Troy. Napangiti naman si Telly sa kapatid na lalaki. "Ikaw best, ano din ang mga pangarap momg bilhin? yung mga gusto mo?" Muling tanong ni Elsa habang kumagat ito ng barbecue na bitbit nito. " Siyempre, gusto kong may mga gamit akong mahalaga. Tulad ng mamahaling sprayer para sa mga pananim ko. At tungkol sa damit ko naman ay di ko na kailangan, marami naman akong damit. Di ko na kailangang magpaganda at mangarti pa." Sabi naman niya sa kaibigan. "Kailangan mo ring magpaganda ate." Sabi pa ni Rina. "Bakit ? pangit ba ako?" Salubong naman ang kilay na tanong n'ya. " Ay hindi naman po ate. Maganda ka ate, kaya lang mas gaganda ka pa kung magpaganda pa." Tugon naman ng bunsong kapatid. "Oo nga best. Totoo ang sinabi ng kapatid mo. Bibili ka rin ng simpleng make up at mga seksing damit." Nakangiting sabi naman ni Elsa. " Sino namang papagandahan ko? yung mga pananim ko ba? ang pangit naman kung halimbawa mag gown ako at mag make-up sa harap ng mga tanim ko? idi daig ko pang nasiraan ng bait." Irap pa n'ya sa mga ito. Natawa naman ang kapatid na si Troy. ____ Kinabukasan naman ng hapon ay habang abala si Telly sa pagwawalis ng bakuran ay unang dumating naman ang kanyang kapatid na si Rina. Humihingal ito na lumapit agad sa kanya. "Magandang hapon po, ate!" Bati agad nitong humihingal. " Oh, bakit?" Nagtatakang tanong naman n'ya. " Si Sir Samuel po! pagdaan ko po ay sabi n'ya sa akin na bibisita daw s'ya ngayon dito sa atin! mag akyat ligaw daw siya at susunod na daw agad sila!" Anito sa kanya. "Ano!?" Gulat na sambit n'ya. Bakit ba s'ya ang pinagtripan ng lalaking iyon? hindi nga n'ya pinansin yung mga matino at di babaerong lalaki. Ito pa kaya? Di naman nagtagal. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makitang paparating ang binatang army at si Carlos. Nagtaka s'ya kung bakit may mga bitbit ang mga ito. "Itikom mo ang bibig mo ha, Sabihin mong wala ako, nakakainis talaga!" Galit na wika ni Telly. " Bakit ate? saan ka po?" Tanong naman ng kanyang kapatid. " Saan pa? idi magtatago! ayoko nang makakausap ang lalaking yan. Masyadong makulit. At napakababaero pa! h'wag kang maingay, Sabihin mong pagdating mo dito sa bahay ay wala ako! letse talaga." Ani Telly at nagmamadaling nagtago sa kanyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD