Subalit nakailang tawag na si Telly kay Samuel at call ended iyon. Hindi niya alam kung bakit. Baka ini-off nito ang cellphone nito dahil full signal naman s'ya nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Di naman naiiwasan ni Telly na kabahan. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang naging masamà ang kanyang iniisip. Bakit ngayon lang hindi tumawag si Samuel sa kanya? at mas lalong naging masamà ang kanyang iniisip nang hindi niya rin ito makontact. Di alam ni Telly na ini-off nga talaga ni Samuel ang cellphone nito dahil natatakot itong tumawag na lang si Telly at marinig nito na may boses babae sa loob ng kuwarto nito. Ipinikit na muli ang kanyang mga mata at iniwasan na mapatingin sa kanyang kama kung saan naroon ang dalagang nurse na nakahiga. Lalaki lang s'ya at tao din na makar

