CHAPTER 3

1531 Words
Napatingin naman si Telly kay Carlos. Isa din sa pinaka hate nya ay yung pinagplanuhan siyang tripan. Hindi naman nagpapadala si Telly sa mga magagandang ngiti sa kanya ni Lt. Colonel Samuel Hernandez. Akala siguro ng lalaking ito na gano'n lang s'ya kadaling pumayag. At akala siguro nito na tulad din siya sa ibang mga babae na madali lang nitong akitin sa mga ngiti nito at sa diskarte nito. "Wala na ba kayong ibang nakikita, Sir? ako lang talaga na tahimik lang dito sa aming bahay? at nagsisipag para sa mga kapatid ko? tapos nandito kayo para pagtripan niyo ni Kuya Carlos?" Sabi n'yang itinaas ang kanyang mga kilay. Namangha naman si Carlos at pati na ang kaibigan nitong bisitang nagngangalang Samuel. Hindi inaasahan ng mga ito na gano'n ang kanyang isasagot. " No. Nagkamali ka. Hindi ka namin pinagtripan ni pareng Carlos, Miss Telly. H'wag kang magalit sa amin at lalo na sa akin. Gusto lang kitang maging kaibigan. May mali ba sa gusto ko na maging kaibigan ka, Miss Telly?" Kaagad na wika at tanong nito sa kanya. " Oo nga, Telly. Ikaw naman, natural lang naman siguro na lalapitan ka dahil dalaga ka at maganda pa. Hindi pa naman sanay itong kaibigan ko na pagtatarayan ng chick!" Nakangiting wika pa ni Carlos. Mas lalo pa tuloy siyang nainis sa mga ito. Na delayed na ang trabaho n'ya kaya talagang hindi nakakatuwa. "Hindi ako chick, kuya Carlos. May ginagawa pa ako, na delayed na ako sa trabaho ko kaya maaari na kayong umalis." Pagtataboy niyang nag-iinit na ang kanyang ulo. Muling namangha si Samuel sa narinig mula kay Telly. Ito ang unang pagkakataon na na reject ito sa babae. Pinagtatawanan tuloy ito ni Carlos. " Hey, tutulongan nga kita. H'wag kang magalit at mainis sa amin. Totoo ang sinabi kong ako na ang bibili sa lahat ng mga hinarvest mo. Ililibre ko ang lahat ng mga kapit-bahay n'yo sa mga gulay na hinarvest mo at hayaan mo akong tutulongan ka sa pagharvest mo ngayon." Hindi na ngumitingiting wika ng bisita ni Carlos sa kanya. Muli n'ya itong hinarap. Ang lagkit pa ng mga tingin nito sa kanya at iyon ang pinaka ayaw niya na titigan siya ng gano'n na parang aswang na gusto s'yang kainin. Para pa siyang matutunaw sa mga titig nito sa kanya at imbis na kikiligin siya tulad ng iba ay mas lalo pa siyang nairita rito. Tang'*na, Chicks boy ito! at pati siya ay pinuntahan pa dito sa liblib. Nakita n'ya sa mga mata ng lalaking ito na babaero talaga ito at isa siya na pinagtripan nito ngayon. "Hindi po pwedi ang gusto n'yo, Sir. Dahil una, may buyer na po ang mga produkto ko at hinihintay n'ya ang deliver ko tuwing sabado at linggo. At higit sa lahat, huwag niyo po akong ipapahiya na bibilhin niyo mga hinarvest ko lahat para ipamigay dito sa paligid, sa mga kapit-bahay." Pormal n'yang wika rito ngunit nanginginig na ang buong kalamnan n'ya dahil sa sari-saring nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang muli na naman itong nasorpresa sa kanyang sinabi at sa pag-ayaw n'ya ngunit di naman n'ya nakitang galit ang mukha nito kundi para pa itong na amused na tingnan siya nito. "Bakit ka naman mahihiya? ikakahiya mong bibilhin ko ang mga gulay na hinarvest mo at ipamimigay? saan ka naman banda nahihiya sa bagay na iyan?" Pangungulit pa nito sa kanya. "Ayokong ma-issue sa baryo namin dahil sa'yo, Sir. Sa tingin niyo po ay ano ang iisipin ng lahat na bibilhin niyo lahat ang mga hinarvest ko at ipamimigay? baka masamà ang iisipin nila." Aniya rito. Natawa naman ito. "Masamà ang iisipin nila tungkol sa ating dalawa? that's not a big issue! wala akong asawa, binata naman ako at dalaga ka. Bakit tayo ma-i-issue?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Pakiramdam n'ya ay lalo pa siyang binigyan nito ng sakit sa ulo sa umagang iyon. Ang ibig n'yang sabihin ay mahihiya siyang ma- issue na isa siya sa mga nabiktima nito sa lugar nila. " Tigilan niyo na ako, Sir at Kuya Carlos. Utang na loob, umalis na kayo dito, sumasakit na ang ulo ko at ayokong dagdagan niyo pa." Aniyang tinalikuran na ang dalawang binatang military. Sinundan naman ng tingin ni Samuel ang dalagang masungit, suplada o di kaya'y mataray. Muling pinagtatawanan ng lihim ni Carlos ang kaibigang kasama. Dahil alam nitong sa dinami-dami na ng dalagang nakasalubong nito ay ngayon pa ito na reject. Ngunit ayaw yatang aalis si Samuel. " Tulongan na natin siya, Carlos. Para madali matapos ang pagharvest n'ya dahil naabala na natin siya." Napangiting wika ni Samuel nang makabawi ito sa pagka supladang ipinakita sa kanya ng dalaga at sumunod na ito kay Telly. " Ano? pero mas lalong magagalit 'yan." Sagot naman ni Carlos rito na nakangiti din. Ngunit hindi na ito sinagot ni Samuel at sumunod na talaga ito kay Telly. Nagulat pa si Telly nang malingunan niya ang guwapong binata sa kanyang likuran na nakasunod. "Opps, h'wag kang magalit. Tutulongan ka lang namin, hindi na ako mamimilit pang bilhin ang mga hinarvest mo. Tutulongan ka lang namin dahil naabala ka na namin ni Carlos." Mahinang wika sa kanya nito. "Hindi pwedi. Umalis na po kayo, Sir. Hindi ako nasanay na may ibang tao na bigla na lang tutulong sa akin." Inis na inis na talagang pagtataboy ni Telly. "Bakit ba napaka suplada mo? nagmamagandang loob na nga ako sa'yo." Nagsalubong na ang mga kilay na tanong sa kanya nito. Para bang naiinis na rin ito sa gano'n na lang ang pag-ayaw n'ya. "Alam na ng mga tao dito na ganito ako. Sana ay nangusisa ka man lang bago po kayo nagpunta rito. Hindi ako nakipagkaibigan. Lalo na pag lalaki. Kaya pasensya na talaga. Isa lang ang kaibigan ko dito. " Galit din n'yang wika rito. "Oh, really? okay, aalis na lang kami dahil sa tingin ko'y naabala ka na talaga at parang galit ka na rin sa akin. Pero okay lang naman sa akin na pinagsusupladahan mo ako ngayon, Miss Telly. At dahil matigas ka ay humanda ka sa akin, aabangan talaga kita bukas kung mag deliver ka na sa mga hinarvest mo. " Nakangiting pagbabanta pa nito sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata n'ya sa sinabi nito. Gusto pa sana n'yang sagutin ang mga pinagsasabi nito kung anong kailangan nito bakit aabangan talaga siya nito bukas ngunit muli na itong nagsalita. " Bye, Miss Telly. See you tomorrow!" Kindat pang paalam nito sa kanya. At tuloyan na ang mga itong umalis. Naiwan siyang nanggigil sa inis. Halatang-halata kasi na gusto siyang biktimahin ng lalaking iyon sa pagka playboy nito. Kahit kailan talaga basta militar o army ay mahilig sa babae. May babae sa ibang lugar at meron ding mga kabit na ibinahay maliban sa original na asawa. Kapal ng mga mukha katulad sa pagka kapal sa mukha ng kanyang ama. Bwis*t talaga. ___ Isa ngang mahilig sa babae at playboy si Lt. Colonel Samuel Hernandez. Ang totoo'y marami na itong naging girl friend at bawat girl friend nito ay hindi nito pinapalampas. Meron na nga itong napabuntisan ngunit hindi pinanagutan at ang bata lang ang sinuportahan nito. Alam naman ni Carlos iyon kaya tawang-tawa ito nang ma reject ito ni Telly. "H'wag mo nga akong pagtatawanan pareng Carlos, Sabihin mo nga, gano'n ba talaga siya? ngayon lang ako nakasalubong ng tulad n'ya. Maganda siya kaya gusto ko siya." Deretsong wika ni Samuel. " Haha. Yun kung makakaya mo siya. Tinaguriang suplada yun sa buong baryo namin. Magandang babae, may maganda ding katawan at siyempre morena dahil nasa probinsya. Maraming nagkagusto sa kanya rito kaya lang ubod ng suplada yun. Kita mo naman diba? at sobrang higpit din yun sa mga kapatid n'ya. Kaya takot na takot ang mga kapatid n'yang magpasaway sa kanya. Hindi yun pumapasyal at nasa bahay lang at pagtatanim lang lagi ang ginagawa sa mga project n'yang gulay kaya gano'n din mga kapatid niya kapag walang pasok ay hindi din pumapasyal at tinutulongan lang siya sa kanyang ginagawa." Mahabang sagot ni Carlos sa kaibigan. "Talaga?" Tanging sambit nito. "Ikaw naman, h'wag mo nang idamay si Telly sa pagkababaero mo. Maghanap ka na lang ng iba diyan, h'wag na si Telly. Wala kang makukuha sa babaeng yun." Natawang wika ni Carlos. "Gusto ko siya, Pareng Carlos." Sabi pa ni Samuel muli. "Gustong buntisan?" Tanong pa ni Carlos. "Kung papayag siya, mabubuntis talaga siya pero di ko naman siya tatalikuran kapag mabuntis ko man siya." Seryosong wika ni Samuel. "Naku! yun kung makakaisa ka. Ewan ko na lang. Galit si Telly sa mga tulad natin. Kaya imposibleng papasa ka sa kanya." Natawang wika muli ni Carlos. Natigilan naman si Samuel. "Ha? pero bakit?" Tanong naman ni Samuel. "Saka na natin pag-uusapan si Telly." Nakangiting wika pa ni Carlos. "Dalawang linggo lang tayo dito pare. Babalik na tayo sa duty. Gusto kong maging girl friend si Telly at may mangyari sa amin bago ako aalis. Bigyan ko siya ng magandang cellphone para may communication kami sa isa't isa." Desidido pang wika ni Samuel. Ewan ba niya. Di n'ya maiwasang mag imagine na pinasarapan n'ya ang supladang dalaga. Gusto ni Samuel na angkinin agad nito si Telly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD