SSPG❗❗❗ Mas lumakas pa ang ulan habang patuloy na pinupog s'ya ng halik ni Samuel. Ang tanong, kakayanin na kaya niyang magkaroon ulit ng kasintahan at kay Samuel parin? paano kung gano'n parin at lolokohin parin s'ya nito? Biglang natakot sa naisip si Telly. Hindi pweding muli s'yang magalaw ni Samuel baka mabuntis s'ya nito na hindi pa kasiguraduhan kung sila ba talaga ang para sa isa't isa. Tama na siguro ang isang beses na may nangyari sa kanilang dalawa. At para din s'yang nagbalik sa katinuan nang dagdag niyang naisip na baka inaabuso na ni Samuel ang kahinaan niya. Para bang easy na lang s'ya rito na angkinin s'yang muli dahil bumigay na siya rito. Sa isiping iyon ay bigla na lang niyang tinabig ang kamay nitong nasa loob ng kanyang pants. At pagkatapos ay itinulak ito.

