Nang tuluyan makaalis si Leon matapos ang tensyon sa pagitan nila ni Kuya Red, binalot kami ng isang nakabibinging katahimikan sa ilalim ng mga puno ng pine. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng sarili kong mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa tindi ng halo-halong emosyon na kanina ko pa pilit na ibinabaon sa kaibuturan ng dibdib ko. Pinatigas ko ang aking ekspresyon. Walang iyak, walang luha. Ayokong magmukhang mahina, lalo na sa harap ng lalaking kasalukuyang nakatayo sa tabi ko ngayon. Dahan-dahang lumapit sa akin si Kuya Red. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat, bahagya akong pinaliko para iharap sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay pilit na binabasa ang anomang emosyon na pilit kong itinatago sa likod ng blangko kong mukha. "Are you okay?" mababa, seryoso, at paos

