Chapter One

1861 Words
Morales Residence,Alabang PRESENT DAY Tuwang-tuwa si Kali habang dinidiligan ang kanyang mga halaman dahil namulaklak na muli ang mga ito.She loves flowers so much.She even talks to them as if they are able to answer her back. The very first place she visits in the morning is their beautiful garden.Nawawala ang problema nya masisilayan ang kagandahan ng mga bulaklak. She spent almost an hour in her favorite place.Maaga syang gumigising kahit weekends dahil nakasanayan na niya ang gawaing iyon mula nung high school pa lang sya.Sa kanya iniwan ng kanilang namayapang ina ang pangangalaga sa pinakamamahal nitong hardin. Pagkatapos medyo ng mahaba- habang pagmumuni- muni ay napagpasyahan nyang mag- jogging.It was her daily morning exercise. Pawisan siya ng makabalik sa bahay. Dumiretso siya sa komedor.Her ate Seana was already there almost finished preparing their breakfast.Biglang kumalam ang sikmura nya pagkaamoy pa lang sa niluto ng ate nya. "Mmmm,wow ate amoy pa lang masarap na!",malapad ang ngiti nya nang bumaling kay Seana."Siyempre naman,alam ko yatang super favorite mo ang tapsilog!," nagmamalaking wika ni Seana. "Masisira yata ang plano kong pagda- diet ate kapag ganitong laging masarap ang putaheng iniluluto mo!",halatang takam na takam na si Kali sa tapsilog. Seana was right,it was her all-time favorite breakfast.Inabutan siya ni Seana ng isang malinis na tuwalya.Napansin nito tiyak na pawisan sya.Her ate was very sweet at never itong nagbago kahit matagal silang nagkalayo.Kaya mahal na mahal nya ito. "Let's eat na.Baka lumamig ang pagkain Kali," nagpatiuna ng umupo ang ate nya.Sumunod na rin sya.Sigurado siyang marami syang makakain ngayon.Kaya naman sobrang namiss nya ang nakatatandang kapatid nang magtrabaho ito noon sa abroad. Nangungulila siya at nasasabik sa mga pag- aaruga nito.Pero para din sa kapakanan nya ang ginawang pag- alis noon ni Seana. "Ate,sana sumama kang mag- jogging sa akin.Tumataba ka na kaya.Baka mamaya ipagpalit ka ng boyfie mo," Kali was just trying to tease Seana.Hindi naman totoong tumataba ito dahil napakaganda pa rin ng hubog ng katawan nito.And she was also very beautiful.Hiyang na hiyang ito sa Canada dahil lalo itong gumanda. "Well babysis,hindi naman ako natatakot tumaba.That's just normal lalo na pag nagkakaedad tayong mga babae.Bumabagal ang metabolism natin.And besides,I'm one hundred one percent sure na hindi ako ipagpapalit ng boyfriend ko.He's not the type of person na sa physical looks lang tumitingin.",Seana said confidently. Hindi mayabang ang ate niya alam nyang magsasabi lang ito ng totoo. "He loves me so much and I trust him.Isa yun sa pinakamatibay na sangkap ng relasyon,Kali.Ang tiwala.,"tila proud na proud at kilig na kilig din ang ate nya. Talagang head over heels ito sa nobyo at masaya siya para dito.Saya na may kalakip na lungkot dahil alam niyang isa sa mga susunod na araw ay tuluyan na silang magkakahiwalay na magkapatid. Gustong sulitin ni Kali ang mga oras na makakasama ang kapatid.Ilang taon siyang nasabik dito.Kaya kahit kararating lang nito last week ay panay ang bonding nila. Kasalukuyang nasa pool sila dahil niyaya nya itong mag- night swimming.Masaya silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa kanya- kanyang buhay sa mga nakaraang taon na hindi sila magkasama. "I missed you so much babysis!",naluluha si Seana habang binibigkas iyon.She hugged her little sister tightly. "I missed you more,ate". Gumanti din sya ng yakap kay Seana.Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon bago naghiwalay. "Maiba ako ate,kelan mo ba ipakikilala sa akin ang boyfie mo?Pati si yaya Nora excited na ring makilala siya.The only guy who caught your heart." "Don't be too excited sweettie,you'll meet him soon." A sweet smile was formed on Seana's lips. "Do you intend me to wait forever,ate?I'm dying to meet that guy- the reason behind those sweet smile of yours. " "You'll certainly like him,Kali.He's a good man.Napakalambing at napakabait din nya.Not to mention his good looks.." The spark on Seana's eyes was so obvious.Mahal na mahal nga nito ang nobyo.Hindi tuloy maiwasan ni Kali ang malungkot upon remembering someone.Naipilig niya ang ulo.She really hates getting flashbacks of the past. Kali looked at her sister intently. Seana's still wearing that happy smile on her face.Kali felt really happy for her sister.Iyon lang naman ang mahalaga sa kaniya for now,her ate Seana's happiness. Pagkatapos umahon sa pool ay nagsituloy na sila sa kani- kaniyang kwarto para maligo.Niyaya siya ng ate niya na magpahangin muna sa hardin pero nagdahilan siyang masama ang pakiramdam.Marahas niyang ibinagsak ang sarili sa kama. KALIANA was Kali's real name.Kaseana naman ang sa ate niya.They were both very young when their parents died on car accident. Naiwan silang magkapatid sa pangangalaga ng yaya Nora nila.Ang butihing matanda ay yaya pa ng kanilang ina at nagpatuloy ito sa pagseserbisyo sa kanilang pamilya dahil ulila na ring lubos ito. Halos ina na ang turing dito ng mga mga magulang nila lalo na ng kanilang ina.Kaya parang lola na rin ang tingin nila sa matanda. Napakabait nito at napakamaalaga sa kanilang magkapatid. Seana was four years older than Kali.Sampung taong gulang pa lamang ito nang maulila sila at siya ay anim na taong gulang lamang noon.Maliban kay yaya Nora,si Seana na ang tumayong ama at ina ni Kali. Seana loved her so much.Lagi itong nakaalalay kanya sa lahat ng bagay.For her Seana's a picture of a perfect woman.Kali was more than thankful to have Seana as her elder sister. Mabait,maganda,matalino,malambing,maalaga,mapagmahal at responsable sa kabila ng bata nitong edad.Minsan nga lang ay medyo istrikto ito at overprotecive sa kanya. Pero ni minsan ay hindi siya nagtampo kay Seana dahil alam niyang concern lang ito kanya at laging kapakanan niya ang iniisip nito. Magkaiba silang magkapatid when it comes to physical looks although pareho maganda. Pareho ding mahubog nag kanilang mga katawan."Right curves at the right places",iyon ang madalas na marinig nilang paglalarawan sa kanilang taglay na alindog. Seana got most of their father's features.May dugong kastila si Don Kalisto.Doon nito namana ang pagiging tisay.While Kali inherited her mother's morena skin. They were both charming,walang itulak- kabigin.Magkaiba lang sila pagdating sa ugali.Seana was sweet and friendly while Kali was aloof and careful kapag tiwala na ang pag- uusapan.Kaya isa lang ang naging kaibigan niya,si Trish. Hindi naman siya ganoon kasuplada pero hindi niya ugaling makipagngitian lalo sa mga hindi niya kakilala. Seana,like her bestfriend Trish,was a jolly person.Kaya magkasundo ang dalawa.Maraming naging kaibigan si Seana pero karamihan ay nasa Canada.Doon ito nakatagpo ng mga tunay na kaibigan. Kali was popular for being snob pero magkasundong- magkasundo sila ni Trish despite their differences. Kagagradweyt niya lang sa high school nang umalis si Seana papuntang Canada.Naiwan siya sa yaya Nora nila. Masamang- masama ang loob niya noon pero ipininaliwanag naman ng ate niya ang sitwasyon.Kailangan nitong pamunuan ang negosyong naiwan ng kanilang mga magulang. Dapat nga ay pagsapit ng disiotso ay umalis na ito pero hindi siya maiwan kaya nakiusap ito sa tito Kamilo nila na hihintayin muna siyang makatapos ng high school. Seana treated her as a baby kaya mabigat din sa loob nito ang iwan siya but she had to.For their future. At first,Kali felt so hurt. She felt so alone pero nang maglaon ay nasanay na rin siya. She learned how to stand on her own.Pinagbutihan ang pag- aaral at ang ate niya ang nagsilbing inspirasyon niya. Nakatulugan ng dalaga ang pagbabalik- tanaw sa nakaraan. Kinabukasan ay tanghali na siya nagising.She had a good and peaceful sleep,dala marahil ng pagod. Napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto matapos ayusin ang sarili. Balak niyang manood ng paborito niyang morning talk show. Dumiretso muna siya sa kusina para magkape at saka pa lamang napagtanto na Sabado pala.Wala si Seana at sigurado siyang sumama itong mamalengke sa yaya Nora. Napangiti siya pagkaalala sa ate niya.Napakalambing pa rin talaga nito.At talaga na- missed nito ang Pilipinas at ang mga dati nitong bisyo noon. Dahil mas matanda ito sa kanya ay mas malapit ito sa kanilang yaya.Nag- iyakan pa ang mga ito habang mahigpit na yakap ang isa't isa the day day Seana came from Canada . Dala ang kape ay nagtungo siya sa sala.Ipinatong niya muna ang mug at hinanap ang remote. She was about to turn the tv on when the telephone rang.Nagmamadaling inabot niya ang awditibo at baka overseas call iyon mula sa kanilang tito Kamilo. "Hello?" Walang sagot mula sa kabilang linya na kagyat niyang ipinagtaka.Maya- maya muli siyang nagsalita.Medyo nilakasan niya at sinamahan ng kaunting iritasyon because she was suddenly pissed off. "Hello,"ulit ng dalaga. "Hello,can I talk to Seana,please?",anang baritonong tinig. The voice was oddly familiar and she didn't like the sudden nervousness that she felt.She was stunned for a moment. "Hey,are you still there?" Saka pa lamang natauhan ang dalaga nang muling magsalita ang caller. His voice was full of authority.And very sexy!It made her shiver to the bones.She knew someone who could make her feel that way. Could it be- -? Naipilig niya ang ulo.Marami namang coincidences sa mundo.Kung may mga tao ngang magkamukha kahit di magkaanu- ano eh,magkaboses pa kaya. "She's not here but if you'd like to leave a message-",naputol ang sasabihin niya naunahan siya nito."No,thanks.I'll just call back,". Saglit na natigilang muli si Kali. "Okay,I'll just tell her as soon as she comes home that you called,Mr?",hindi niya pa nga pala alam ang pangalan ng kausap. "Xander.Her fiance", Awtomatikong nabitawan ni Kali ang hawak. It was him! It was really him! Of all people,ito pa ang boyfriend ng ate Seana niya.Nanghihinang napaupo ang dalaga sa sofa.Gulat na gulat pa rin sa natuklasan. They often talk about Seana's boyfriend but Seana forgot to tell her his name.Marahil ay dahil hindi rin naman niya ito tinanong tungkol s bagay na iyon. Kung maaari kasi ay ayaw niyang pag- usapan dahil nalulungkot lamang siya.Nangangahulugan kasi na malapit na itong mawala ng tuluyan sa piling niya para harapin ang sarili nitong buhay. At matindi talaga magbiro nag tadhana dahil si Xander pa ang mapapangasawa nito.Ibig sabihin magiging bayaw niya ito.Natawa siya ng mapakla. Kaya pala kinabahan siya pagkarinig pa lamang sa boses ng lalaki kanina.Akala niya nagkataon lang pero hindi pala. Nakilala kaya siya nito?O baka matagal na nitong alam na magkapatid sila ni Seana at gusto lang silang paglaruan pareho? Hindi niya hahayaang saktan nito ang pinakamamahal at nag- iisa niyang kapatid. Her excitement to meet his sister's future husband was suddenly turned into disappointment and anger. But there's another thing she felt she couldn't identify.Something like....fear. Pero para saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD