Chapter Eighteen

3033 Words
BAGO tumulak papuntang ibang bansa para sa honeymoon ay kinausap muna si Kali ni Seana. Nag- usap sila ng ate niya ng masinsinan kasama ang asawa nito.She had learned na childhood sweethearts din ang dalawa katulad nina Trish at Tyler. Mahigpit daw noon ang bilin ni tito Kamilo tungkol sa pakikipagnobyo kaya inilihim ng dalawa ang naging relasyon noon. Ipinagtapat din ng ate niya na niyaya na itong magpakasal noon ni Ram pero tumanggi ang huli dahil mas inuna nito ang pamilya.Nang lumipad si Seana papuntang Canada ay doon nito natuklasan ang tungkol sa kasunduan ng pamilya nila sa mga Perez. Dahil doon ay inamin nito sa tiyuhin ang relasyon kay Ram, ngunit nang ipaliwanag ni Kamilo ang kalagayan ng kanilang kompanya ay nagdesisyon si Seana na putulin ang komunikasyon sa nobyo sa Pilipinas.Malaki ang utang na loob ng mga Morales sa mga Perez. Napagtanto ni Kali na halos pareho pala sila ni Ram ng sinapit.Nakahanda na daw talaga ang ate niya na magpakasal kay Xander kung hindi lamang nito natuklasan ang sikreto niya kasabay ng muling pagkikita nito at ng dating nobyo. Noong gabi sa reunion na nakita niyang naghahalikan ang dalawa.At si Ram din ang misteryosong madalas dumalaw sa puntod ng mga magulang nila at nagdadala doon ng mga bulaklak. Kaya nag- usap ng masinsinan ang dalawa- sina Xander at Seana,at napagpasyahan nilang gawin ang sorpresa sa kasal.Mas maswerte pa rin sa kanya ang bayaw dahil sa huli ay ang babaeng tunay nitong minamahal pa rin ang nakatuluyan. Napabuntunghininga na lang ang dalaga at itinuloy ang pagdidilig.Naroon na naman siya sa garden para bisitahin ang mga mahal niyang bulaklak. Maswerte din naman siya kay Troy dahil mahal na mahal siya ng binata.She suddenly felt sad nang maalala ang nobyo.Ilang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam. Nagtampo nang tumanggi siya na doon ito magstay sa kanila habang wala sina Seana. Okay lang naman sila ni yaya.At gusto niya munang mapag- isa at magmuni- muni.Sosorpresahin nalang niya si Troy mamaya.Pupuntahan niya ito sa condo. Kaliana...",nanigas sa kinatatayuan at napatigil si Kali sa ginagawa nang tila may tumatawag sa pangalan niya. Parang napakalapit lang.Was she just hallucinating things?Epekto pa rin siguro ng mga nakaraang kaganapan.Napailing na lamang siya at hinamig ang sarili. She decided to continue what she's doing nang muli niyang marinig ang boses na iyon. "Sweetheart..",halos paanas na wika nito sa may punong tenga niya.Tumindig halos lahat ng balahibo ng dalaga. Xander!,sigaw niya sa isip.Now she's certain she na hindi lang guni- guni ang mga narinig at naramdaman niya kanina.It was real.She could feel his warm breath on her nape. At naramdaman niya ang unti- unting paglapat ng likod niya sa malapad na katawan ng binata . Yes,he was there,really there hugging her from behind.It wasn't just a dream or any of her hallucinations. Ramdam niya ang mainit nitong balat at naririnig din niya ang malakas na t***k ng puso ng binata. Kali closed her eyes to savour the moment at pilit itinaboy ang mga agam- agam,especially ang guilt feeling para sa kasalukuyang katipan. Why it felt so good to be inside Xander's arms?Ilang araw din niyang itinanggi sa sarili na sobrang namimissed na nya ang binata.Huling kita niya kasi rito ay nung kasal pa ni Seana. "God,I missed you,sweetheart. Missed you so bad!"bulong nito at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.Pinigilan ni Kali ang sariling hawakan ang mga kamay nitong humahapit sa bewang nya. Nanatili siyang nakatalikod lang kahit gustung- gusto na niyang harapin ito at gantihan ng yakap. "I still love you,Kaliana.I never stopped loving you.All these years ikaw lang ang tanging laman ng puso ko." She could feel the sincerity in his voice kahit di na niya ito tingnan sa mga mata.Mariing napapikit siya at kinagat ang labi. "You were my first love.And I want you to be my last.Wala na akong ibang mamahalin maliban sayo,Kaliana Morales."madamdaming pahayag ni Xander at isinubsob ang mukha sa ulo niya. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigil ni Kali.Nangatog din ang mga tuhod niya at kung hindi maagap ang binata ay baka napaupo na siya sa sahig. Pagkatapos nila mag- usap ng ate niya ay naniniwala na siya na walang ibang babaeng na- involved sa dati niyang nobyo.Naipit lang din talaga ito sa sitwasyon ng mga pamilya nila. How she wanted to tell him she feels the same way.Na mahal na mahal niya pa rin ito.Pero hindi niya kayang saktan si Troy. Hindi niya kayang biguin ang taong ni minsan ay hindi siya iniwanan at kasama niyang lumaban mula noon hanggang ngayon. She's not that selfish para iwan ang nobyo sa ere kahit ano pa ang mga natuklasan niya.Siguro nga ay hindi talaga sila ni Xander ang para sa isa' isa. At ang isiping iyon ay lalong nagpasikip sa dibdin niya.Sobra siyang nalilito ng mga oras na iyon at hindi na alam ni Kali kung ano ang gagawin. Hinayaan niya munang manatili sila sa ganoong ayos at ninamnam ang matamis na sandaling iyon. She will forever treasure that moment with him,with the man who first taught her what love was.Sa taong nagpadama sa kanya ng ibat-ibang emosyon. At kahit nasaktan siya ng labis dahil sa ginawa nitong pag- alis noon ng walang paalam,her overflowing love for him remained in her heart until now.And she doubt it kung mawawala pa ba ang pagmamahal niya para sa binata. Hinamig muna ni Kali ang sarili bago kumalas dito at matapang na hinarap ito.Pinilit niyang tatagan ang sarili upang hindi mapaluha. Ayaw niyang makita siya nito na umiiyak.Once and for all,she needed to cut the cord that still connects them. "Thank you for the love,Xander.",she tried her best to look unaffected. "Totoong minahal din kita noon.Ng sobra."- she paused para kumuha ng hangin."You were my first love,my first everything.At hinintay ko ang pagbabalik mo..",pinilit niyang wag pumiyok at tiningnan ang binata ng diretso sa mga mata. Halu- halong emosyon din ang nabasa niya sa mukha ng dating nobyo na tila itinulos sa kinatatayuan. "Pero matagal ng tapos ang lahat sa atin.For me,you're just now a part of my college life,of my teenage memories."she said full of sarcasm. "Kaliana..",puno ng pagpoprotesta ang mga mata ni Xander.Pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita muli. "Oo nga at hindi natuloy ang kasal nyo ng ate ko,but that doesn't mean na may pag- asa pang madugtungan ang ugnayan natin noon.Don't be too assuming,matagal ng nagwakas ang kwento nating dalawa."ani Kali sa matigas na tinig. Walang sagot mula sa binata.Nanatili lamang nakatitig sa kanya na para bang tinanatantiya ang mga tinuran niya. "I really hate to say this but I think you were the biggest mistake of my life,Xander." Gustong bawiin ni Kali ang sinabi pero kailangan niya iyong panindigan. She knew him too well at kung gaano ito kapursigido pag gusto nito ang isang bagay.Hindi nito dapat malaman ang totoong nilalaman ng puso niya. Kitang- kita niya kung paano sumungaw ang sakit sa mga mata ng kaharap.Tiyak na hindi nito inasahan ang naging pahayag niya,at kahit siya sa sarili niya ay nagulat din kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Dahil taliwas iyon sa katotohanan.Kahit kailan ay hindi niya itinuring na pagkakamali ang namagitan sa kanila noon.Iyon lang ang itinatak niya sa isipan nang iwan siya nito. Saglit na nagbago ang ekspresyon ng binata,nagtagis ang mga bagang.Pero bumalik din agad iyon sa normal.Marahil ay kinukontrol din nito ang sarili. "But I'm thankful dahil itinuro mo sa akin ang isa sa pinakamahalagang leksyon sa buhay ng tao,and that is to realize my worth.Na dapat kapag nagmahal ka laging magtitira para sa sarili para in case na iwan ka bigla nung tao eh kaya mo pa rin magpatuloy." She smiled bitterly upon remembering the past.Lumarawan ,naman sa gwapong mukha ni Xander ang guilt at pagsisisi. "I have given you everything pero sinayang mo lang.Hindi kayang baguhin at pawiin ng katotohanan na dahil lang sa kasunduan kaya kayo ikakasal sana ni ate ang sakit na idinulot mo sa akin." Ramdam ni Kali ang pamamasa ng pisnge niya.Umiiyak na pala siya."Don't!Diyan ka lang..",pigil nya nang akmang lalapitan siya ng binata. "I deserved an explanation, Xander.I deserved to know the truth.I was your girlfriend. Pero ipinagdamot mo sa akin yun."pinahid niya ng kamay ang mga luhang patuloy sa pagtulo mula sa kanyang mga mata. Nagsusumamo ang mukha ng binata at namumula na rin ang mga mata nito."Wala ng magagawa ang sorry mo.Kasi ultimong anniversary natin nakalimutan mo.It was supposed to be our first year together,that very day when you left me..."tuluyan nang pumiyok ang boses niya sa sama ng loob. Ngayon niya lang nailabas lahat ng hinanakit sa dating nobyo. Alam ni Kali na bawat salitang namutawi sa labi niya ay tila patalim na tumarak dibdib ng kaharap.But she couldn't care less. Kailangan niyang saktan ito para tuluyan ng lumayo sa kanya.Kahit gaano pa nila kamahal ang isat- isa ay pipiliin niya pa rin kung anong tama. "Pero hindi na ako galit sayo ngayon.Kasi dahil sa ginawa mo,nalaman ko kung sino ang totoong nagmamahal sa akin.At kahit kailan ay hindi ako iniwan ng taong iyon at sigurado akong hindi niya ako sasaktan katulad ng ginawa mo." Marahang napailing si Xander pero hindi nagsalita.Hindi na yata niya matatagalan ang sitwasyon.She needed to end their conversation as soon as possible bago pa magbago ang isip niya at aminin dito ang totoo niyang nararamdaman.She knew very well na hindi niya iyon pwedeng gawin.Not now.Not ever. "Troy deserves the best."she faked a smile as she continued speaking."It's time for the keeper to be kept.I'm inviting you to our wedding next month.Sana makarating ka.I'll be sending the invitation one of these days." Nalaglag ang panga ni Xander sa narinig at matagal na tinitigan siya na tila ba may sinabi siyang isang malaking kalokohan.Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito.Kapagdaka ay bumaba ang mata nito sa kamay niya at may hinanap doon. Hindi maipaliwanag na lungkot at kabiguan ang rumehistro sa mukha nito nang makita ang suot niyang singsing. Totoong nag- propose na sa kanya si Troy just a day after Seana's controversial wedding.Nagulat din siya dahil masyadong biglaan pero hindi niya ito tinanggihan. Hindi siya pumayag na magkaroon pa ng engagement party at napapayag naman niya ang nobyo.Alam niyang nagtatampo ito lalo pa at hiniling niya rin na silang dalawa lang muna ang makaalam ng tungkol doon. "Troy was such a lucky guy,"malungkot na ngumiti sa kanya ang binata.Halatangkumbinsido na ito nang makita ang engagement ring niya. "I'm happy for both of you.Wala naman akong ibang hinangad kundi ang kaligayahan mo.But I can't promise to come to your wedding.I don't think kaya kitang makitang ikinakasal sa iba,Kaliana."hirap na hirap na saad ng binata. Maging ang puso ni Kali ay labis na nagdurugo ng mga oras na iyon."S- salamat.,Xander.Sana ay mahanap mo din ang tamang baba e para sayo."aniya sa mahinang tinig.Tumingala siya para pigilan ang nagbabanta na namang mga luha. "Just let me hug you for the last time,sweetheart, please?",samo ni Xander.Nang hindi siya sumagot ay mahigpit siya nitong niyakap at hinalikan sa noo with eyes closed. Maging ang dalaga ay napapikit at gumanti ng yakap sa binata.Baka nga ito na ang huling beses na mayayakap niya ito at nadurog ang puso niya.Nang kumalas sa kanya si Xander ay matamang tinitigan muna siya na tila kinakabisa ang bawat detalye ng kanyang mukha. He cupped her face and whispered his last goodbye bago siya tinalikuran at naglakad palabas ng garden.Sa lugar na ito ng bahay nila naganap ang halos lahat ng magagandang alaala nila ng binata. Tinanaw niya ang papalayong pigura nito hanggang sa tuluyang maglaho sa kanyang paningin at maging sa buhay niya.Siya namang paglitaw ni yaya Nora mula sa loob ng bahay at palapit sa kanya. Agad niya itong sinalubong yakap at doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ni Kali."Yaya...",sumubsob sya sa balikat ng matanda. Hindi ito nagsalita pero masuyong hinaplos ang buhok niya at likod.Alam niyang maiintindihan siya nito. DUMIRETSO si Troy sa isang sikat na bar na pag- aari ng batch nya noon sa college.Magpapakalasing siya ngayong gabi para makalimot at upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Muntik na siyang maaksidente kanina sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse.Noong kasal ni Seana ay isa siya sa mga talagang nasorpresa dahil imbes an kay Xander ay sa dati nilang coach na si Ram ito ikinasal. Pero sa reception ay ipinaliwanag ng tito ni Kali ang lahat.Nakaramdam siya ng pangamba sa mga naging takbo ng pangyayari lalo na para sa relasyon nila ng nobya. Kahit opisyal na ang relasyon nila ng dalaga ay hindi pa rin niya maiwasang magselos sa dating propesor.Lagi niya pa namang nahuhuli si Xander na nakatitig sa kanyang katipan.Ramdam naman niya na mahal siya ni Kali pero hindi pa rin siya mapanatag lalo na ngayon na hindi natuloy ang kasal nito sa future hipag nya. Ang tagal niyang hinintay na makamit ang matamis na oo ng nobya.Nagbunga din lahat ng patience niya at sa wakas ay tinanggap nito ang pag- ibig niya. Tuwang- tuwa din siya nang mabalitaan na engaged na si Xander kay Seana. Pero nagimbal siya nang malaman na kasunduan lang pala ang dahilan ng dapat sanay kasal ng dalawa.Babawiin nito si Kali sa kanya,sigurado siya doon.At iyon ay hindi niya mapapayagan.Hindi niya kakayanin kung mawawala ulit sa kanya ang babaeng minamahal. He loves her so much.She was his life.Nagparaya siya noon pero hindi na iyon mauulit. Kaya inalok niya agad ng kasal ang nobya kahit kinakabahan siya na baka i- reject siya nito.Laking pasasalamat ni Troy nang tanggapin ni Kali ang singsing kahit tumanggi ito na magkaroon ng engagement party. Medyo nalungkot siya at nagtampo dahil ang gusto sana niya ay ipagmalaki sa lahat ang nalalapit nilang pag- isang dibdib.Pero inunawa niya pa rin ito because he knew na hindi pa rin ito nakaka- recover sa mga shocking events last week. Nung una ay hindi siya makapaniwala na pumayag nga itong magpakasal sa kanya despite the fact na single pa rin si Xander.Umasa siya na baka nga siya na ang mahal ni Kali.Pero halos nadurog ang puso niya sa nasaksihang eksena kanina.Balak pa naman sana niyang sorpresahin ito at isama sa bahay na ipinagawa niya para sa kanilang dalawa. Planado na ang lahat para sa future nila ni Kali.Ganoon niya ito kamahal.Kasal na lang sana ang kulang. Pero imbes na si Kali ay siya itong higit na nasorpresa nang makita niya kung paano magyakapan ang dalawa kanina sa hardin.Gumuho ang mundo niya,literal,at maging ang lahat ng mga pangarap niya para sa kanila ng nobya. Naramdaman ni Troy ang pagpatak ng mainit na likido sa kanyang pisngi kasabay ng pagguhit ng mapait na likido sa kanyang lalamunan.Tinungga niya ng diretso ang unang baso ng alak na inorder niya. "You hurt me more than I deserve, Kali."garalgal ang boses na wika niya.Sa lakas ng tugtog at ingay sa lugar na iyon ay walang makakarinig sa kanya.At kung meron may ay wala siyang pakialam! Labis na nagdurugo ang puso niya.Saan ba siya nagkamali?Ano pa ba ang kulang sa kanya?Ano ba ang mayroon si Xander na hindi makita ni Kali sa kanya? Mula nang makilala niya ang nobya,halos dito na umikot ang mundo niya.Ni minsan ay hindi siya umalis sa tabi nito lalo na nang iwan ito ni Xander. Pero bakit hindi pa rin siya nito magawang mahalin? Biglang tumunog ang cellphone niya,si Kali,tumatawag.Kung sa ibang pagkakataon ay excited siya na sagutin ang tawag o kahit text nito.Pero hindi sa pagkakataong ito.So instead of pressing the answer button,he turned off his cellphone at itinuloy ang pag- inom. Kasingpait ng nadarama niya ang lasa ng alak.Sunud- sunod ang ginawa niyang paglagok.Pero nagulat siya nang may kamay na biglang umagaw sa basong hawak niya at diretso nitong tinungga ang laman niyon. Napatitig si Troy sa mukha ng taong nasa harap niya.Anong ginagawa nito roon?He hates her so much.She was the last person he wanted to see ng mga sandaling iyon.Naroon ba ito para damayan siya sa kanyang kabiguan o para pamukhaan? He didn't stop her nang umupo ito sa tabi niya at muling sinalinan ang baso ng alak.Tumigas ang panga niya nang lubusang mabistahan ang suot nito.It was a fitted red silk dress na may mababang neckline.Sanay na siya na makita itong halos ibilad ang sarili at hindi niya alam kung bakit tila nagagalit siya ngayon sa nakikitang hitsura nito.Hindi niya alam kung dahil sa epekto ng alak ang biglang pag - iinit ng kanyang katawan. He stared at her face at napagtanto niya kung gaano ito kaganda sa kabila ng napaka- fierce nitong aura.Alam niya na natural itong maganda pero hindi niya yata napansin iyon nitong nakaraang mga taon.Maybe because he was too busy seeking for Kali's attention. Lumaban nang titigan sa kanya ang babae while seductively drinking the liquor.Hindi maikakaila ang labis na pagtatangi sa mga mata nito para sa kanya.Binawi niya rito ang baso at padabog na inilapag sa mesa.Then he kissed her hardly at sa halip na tumutol ay lalo pa nitong ikinawit ang mga braso sa leeg niya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD