Chapter Three

2756 Words
KINABUKASAN nagmamadaling naglalakad si Kali sa hallway.Tinanghali siya ng gising dahil napuyat ng nakaraang gabi.Ayaw na ayaw pa naman nyang nale- late. Panay kasi ang pantasya mo kay sir,bulong na naman ng utak niya.Hindi na niya ito pinansin at lalong binilisan ang lakad. "Kaliana,wait!" Ayaw sana niyang pansinin ang narinig.She thought she was just hallucinating pero naramdaman niyang may humawak sa kamay niya. At dumaloy ang kuryente sa buong katawan niya.Isang tao lang ang nakapagpapadama sa kanya ng ganoon. Pero naalala niya ang pangako sa sarili kagabi kaya tila napapasong binawi niya ang kamay mula rito. Tila napahiya naman ang binata. "At last,naabutan din kita!I didn't know you that walk like a zombie...",mukhang nagbibiro lang naman ito pero nainis siya.She noticed na tila hinahapo pa ito.Hinabol ba siya nito? "Late na po kasi ako,sir."akmang tatalikuran na niya ito pero maagap siyang napigilan sa braso. "It's okay.See?You're not alone.Late na rin ako.And it was all your fault.." seryosong saad ni Xander.He heaved a deep sigh.Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito. "Nevermind,"he added."I just wanted to tell you something kaya hinabol kita.Can I have your number,Kaliana?",tila nakikiusap ito. Lalong nalito ang dalaga. "For personal matters",tila nais nitong alisin ang agam- agam niya. "It's not what you think,okay?I mean I just wanted to discuss some significant matters with you but since our schedule were both loaded at hindi rin naman maisisingit pag lunch or coffee breaks so I decided to just get your number.Para tatawagan na lang kita kapag pareho tayong free." There he was again with his long explanation. Ayaw niyang magtagal pa ang pag- uusap nila kaya mabilis na kumuha siya ng papel at ballpen and wrote her number there. Then she gave it to Xander.Pagkatapos ay nagmamadali na siyang tumalilis papunta sa room nila.Hindi na niya nakita pa ang matamis na ngiti ng binata habang tila hibang na nakatitig sa papel na may nakasulat na number niya. Nagmadali talaga si Kali para mauna sa room nila.Hindi pwedeng makita ng mga classmates nila ang pag- uusap nila ng propesor. At isa pa nangako siya sa sarili kagabi lang na iiwasan ang binata sa abot ng makakaya niya.Kung bakit kasi ang aga nitong mangulit. Isumbong kaya niya ito sa guidance office?Pero ano naman ang sasabihin niya doon,na hinarass siya ni Xander?Bukod sa hindi totoo yun eh hindi niya rin naman kayang ipahamak ang binata. Ang sabihin mo,gusto mo din naman kung sakaling harassin ka niya.Baka ikaw pa nga diyan ang magpakita ng motibo sa kanya eh.Bwahahahaha. Nayamot na naman siya sa boses na iyon.Kapag may nakakita sa kanyang nagsasalita mag- isa tiyak mapagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo. Agad na umupo ang dalaga nang sa wakas ay marating ang room nila,sa tabi ng halatang kanina pa naghihintay na si Trish. Nakataas ang kilay ng kaibigan at sigurado siyang magtatanong na naman ito na daig pa si detective Conan.Kabisado siya nito at alam nitong ang ma- late sa klase ay wala sa bokabularyo niya. Pero bago pa ito makapagsalita ay lumitaw sa pintuan si Xander,eksaktong kauupo lang ng dalaga,at nais niyang maglaho sa kinaroroonan nang lumipad sa mukha niya ang nanunuksong titig ni Trish. Sigurado siyang marumi na naman ang tumatakbo sa isip nito.At malas niya dahil hindi lang ito,kundi pati lahat ng kaklase ay palipat- lipat ang tingin sa kanila ng propesor. They looked at her maliciously at ang iba ay di napigilang magbulungan. Iniwasan niya ang matatalim na tingin ni Stacey at ng grupo nito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili kahit nininerbiyos siya. Nakaramdam siya ng inis s binata at sinisi niya ito sa pagkakalagay niya sa alanganing sitwasyon. "You owe me an explanation,Kaliana Morales.Hindi ako papayag na umuwi ngayong araw na walang nalalaman,intiendes?",bulong ni Trish. Hindi siya tumugon.She just rolled her eyes.Mahinang tawa naman ang iginanti sa kanya ng kaibigan. Nang magsalubong ang mga mata nila ni Xander ay agad siyang nag- iwas ng tingin. HABIT na ni Kali na magreview kapag habang naghihintay sa next subject nila.Paraan niya rin iyon para hindi siya kulitin ng kaibigan. Wala siya sa mood na makipagchikahan dito,lalo na tungkol sa nangyari kaninang umaga.Pero sigurado siyang hindi siya tatantanan nito hanggang walang nakukuhang impormasyon.Kaya iniisip niya kung paano ito tatakasan sa uwian. "Hoy Morales..lagi ka na lang tinik sa lalamunan ko.Hah,akala mo kung sino kang mahinhin.Pabebe much pero ang totoo may kati ka ring itinatago diyan sa katawan mo!",gigil na gigil na boses ang bumasag sa katahimikan sa loob ng silid. She knew that voice.Kahit di na niya tingnan ay kilala na niya ang mapangahas na gumulo sa kanilang pananahimik ni Trish. It was Stacey Ylagan,the spoiled brat,together with her equally wicked friends Krislie and Zia. Karibal sa lahat ng bagay ang turing ni Stacey kay Kali.Kabilang din ito sa top 5 katulad niya pero sa buong klse kasi eh siya talaga ang pinakamatalino. At kahit snob siya ay di lingid sa mga ito na marami siyang tagahanga sa buong campus.Tinanggihan lang talaga niya ang pagiging muse at pagsali sa mga pageants at ipinaubaya na lang kay Stacey. Hindi siya sanay sa spotlight dahil shy type din siya at lalong hindi niya kayang magsuot ng mga revealing at sobrang seksing mga damit. At alam niya kung ano ang pinakamatinding ikinagalit ni Stacey sa kanya.Ang pagkahumaling sa kanya ng greatest crush nito ayon kay Trish,dahil close friend at teammate iyon ni Tyler. Kahit iniwasan niya ang lalaking sikat din sa buong unibersidad ay hindi iyon nakabawas sa pagkaimbyerna ni Stacey sa kanya. Kilalang- kilala ang grupo nito sa pambubully.Mayabang at maaarte.Dean's lister si Kali kaya ayaw niyang magkarecord.She never wanted to disappoint Seana.Kaya hanggat maaari ay iniiwasan niya ang grupong ito. Kali decided to ignore them and just continue reading her notes pero pahablot na inagaw iyon ni Stacey at inihagis.Tumama iyon sa batok ng bestfriend niya at alam niyang nasaktan ito. Nagtagis ang mga bagang ng dalaga saka at blangkong tiningnan si Stacey. "Huwag ka kasing bastos kapag kinakausap kita.Matuto kang gumalang sa reyna!",Stacey proudly said in her face. Kali wanted to slap the girl's face right away,and almost killed the three of them in her mind.But still she chose to remain calm. "Pwede ba Stacey?Nanahimik ang tao bigla niyong guguluhin.Kung wala kayong magawa,doon kayo magwelga sa edsa!Daig niyo pa mga high sa lakas ng trip nyo," mataray na wika ni Trish habang hinihimas ang nasaktan nitong batok. "Well,well,well,the great Beatris was always there to rescue her b***h bff!How sweet!," patuyang turan ni Stacey. "Why Kali,is that how weak and naive you are to not even know how to defend yourself?",ayaw paawat nito sa kangangawa.Nag- apir naman ang dalawang kasama nito. Malapit na siya maubusan ng pasensya sa mga ito pero hinabaan pa niya ng kaunti ang pasensya. "I pity you dear," kunway naiiyak si Krislie habang iniinis siya. "Look Stacey,she's going to cry na!Poor girl...",si Zia naman.Ngumisi si Stacey bago muling nagsalita."Kaliana Morales- - - the best S.L.U.T. in town! " Nagpalakpakan ang tatlo at humalakhak na parang mga bangag na tila kokoranahan siya sa title na ibinigay ng mga ito. Malakas at madiin ang pagkakasabi niyon ni Stacey at hindi niya iyon inaasahan.Pero mas hindi nito inaasahan ang naging tugon niya rito. Dahil nagpanting ang mga tenga niya ay nag- init ang ulo niya. Ubos na ang kanyang pasensya.She gave her a hard slap on her damn face which serves her right. Patda ito at ang mga alalay nito na awtomatikong napatigil sa kakatawa.Maging si Trish ay napaawang ang bibig sa gulat. Agad na napahawak si Stacey sa nasaktang pisnge na nooy namumula na dahil sa lakas ng pagkakasampal niya dito. "HOW DARE YOU SLAP ME,b***h!" Naghisterikal ito habang inaalalayan nina Krislie at Zia na halatang nagulat sa pangyayari. Nanlilisik ang mga mata ng babae.Inismiran niya lang ito at binigyan ng nakakalokong ngiti. "Next time,be careful with your words,darling.And with whom you talk.Hindi palaging Lunes.Pasalamat ka iyan lang ang natikman mo.But if you're really testing my waters,you better know how to swim,"- - she gave her a warning look. "Don't you dare insult me again or else-",she smirked. Akmang sasampalin din siya nito pero maagap niyang nahawakan ang kamay nito. "Ooooopss!I will never let you destroy this beautiful face of mine,ever!Heard that,b***h?" Kung galit si Stacey ay mas galit si Kali.Yes,bilin ni Seana na wag siya makikipag - away pero kabilin- bilinan din nito na wag siyang magpapaapi lalo at wala ito sa tabi niya para protektahan siya. She looked at the three with a fake concerned look."Know what girls,walang gamot sa insecurity. Tsk tsk!" Lalong nanlisik ang mga mata ni Stacey pero tahimik lang ang kaninay matapang na kasama nito.Mga urong naman pala ang buntot. "And oh,I think you better accompany her to the clinic. Her face is swelling..Baka pag natagalan pa yan eh di na bumalik sa dati,sayang naman.",Kali added her voice full of sarcasm. "Or kung gusto mo naman,kung gusto mo lang ha,pwede ko namang pantayin ang-" "s**t KA!I HATE YOU,KALIANA MORALES!" Nagsisigaw na ito sa galit pero di siya magpapatalo.Inumpisahan nito pwes tatapusin niya.Panahon na para putulin ang sungay ng babaeng ito. "Thank you and I want you to know that the feeling is mutual,Stacey."She smiled at her devilishly.Kita niya ang matinding pagkasuklam sa mukha nito but who cares? Trish just remained an audience. Alam na alam nito kasi kung paano siya magalit. And she was already enjoying the scene. "Hindi pa tayo tapos,w***e,I swear!Next time,I'm gonna dump you like a dirty trash and I'll make sure no one would even bother picking you up!"Puno ng pagkasuklam na saad ni Stacey. Pero tinaasan lang ito ng kilay ni Kali."I can't wait,b***h!",she sarcastically answered. Tumitili si Stacey nang lumayo sa kanila habang tila basang sisiw na inalalayan ng mga kasama nito.Naiiling na lang si Kali habang tinatanaw ang mga ito.Nanghihinang napaupo siya. She suddenly felt tired after the hot encounter between her and Stacey's group. "Beb,okay ka lang?" Trish worriedly asked her.She nodded but disgust was still written all over her face."I was just confused,Trish,ano na naman ba ang ipinagsisintir ni Stacey?" Naiinis pa rin siya for losing self- control.Napuno na kasi talaga siya sa babae kaya di na siya nakapagpigil lalo pat nadamay si Trish sa kamalditahan ni Stacey "I heard si sir Xander ang new target ni Stacey.We both know her capricious-what she wants,she gets.And I bet Sir Xander was no exception",nakalabing sagot sa kanya ng kaibigan. They saw you eating lunch together,which is hindi mo nabanggit sa akin.Nung time na niyaya kita manuod ng laban ni Tyler..." Bakas ang pagtatampo sa boses ni Trish.Napamaang naman ang dalaga. Ang alam niya ay walang ibang tao nun kundi sila lang ng propesor at ang mga staff dahil busy lahat sa panunuod ng championship. "I'm sorry beb,okay?Naisip ko di naman kasi big deal para ikwento ko pa yun," she sincerely said to her bestfriend. Trish smiled and she felt relief. Ayaw niyang magkaproblema silang magkaibigan.She was her only friend. "I understand ano ka ba.Syempre gusto mo lang siguro i- treasure yung another magic moment nyo ni sir," kinindatan siya nito. "Kaya lang gusto ko na magtampo sayo,lately kasi nagiging secretive ka na masyado. Mula nang pumasok sa eksena yang si sir nagbago ka na," Trish really looked upset at kumg hindi niya pa kabisado ang likaw ng bituka nito maniniwala siya sa mga drama nito. Gusto niya tuloy itong batukan. "It's obvious naman talaga Kali na may "something" sayo si sir Xander. And I'm sure nahalata din yun ni Stacey kaya gigil na gigil lalo sayo." Hindi nakasagot ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. "Nanawa na siguro siya kakahabol kay Troy kaya ayan si sir naman ang pinag- interesan.Ambisyosang palaka!Akala niya madadaan niya ang lahat sa power ng pamilya niya.Malas lang niya at ikaw palagi ang nakakabihag sa puso ng mga lalaking kinababaliwan niya!" Muling umandar ang bunganga ni Beatris. Kali was speechless.Nanatiling nakikinig lang sa kaibigan. Kahit siya ay nalilito sa kakaibang pakikitungo sa kanya ng propesor. He was nice to everyone pero ipokrita siya kung di niya aaminin na espesyal ang pagtrato nito sa kanya.At yun ang iniiwasan niya.Ang isipin ng lahat na paborito lang siya kaya siya ang nangunguna sa klase. "Lagi kong nahuhuli si sir na nakatitig sayo.Minsan nga natutulala pa eh.Kulang na lang iuwi ka niya."Mapanukso na naman ang mga ngiti ni Trish pati na ang tono nito. "Hindi siguro aware si sir pero kahit ibang kaklase natin napapansin siya.Kaya wag ka na magugulat kung isang araw trending na kayo dito sa campus." Imbes na mag- alala para sa image niya ay halatang excited pa at kinikilig ang bruha.Sabunutan niya kaya ito?"Kaya lang ang hirap ng sitwasyon niyo ni sir,no beb?Bawal kase eh.Kaya ayun hanggang sulyap na lang siya sayo.Kawawa naman." Totoong lungkot ang nakikita niya sa mga mata nito.Iba rin talaga ang mood swings nito. "Ano kaya mararamdaman ni sir kapag nakitang lumapit sayo ang mga admirers mo?At least ang mga yun pwedeng- pwede lumapit sayo anytime." Napailing si Kali.Ang galing talaga mag- imbento nito ng mga pangyayari."Ba't di ka na lang magsulat sa w*****d? Pwede ka ng writer Beatris.Ang dami mong alam,tsss." Nagkunwari siyang napipikon kahit ang totoo ay napapaisip din siya sa mga eksenang iniimagine nito."Hmmm,defensive much!" Pero sa malas ay hindi man lang ito naapektuhan.Patuloy pa rin sa pangangarap. "Pupusta ako,one of these days gagawa ng move si sir Xander.Dahil kapag babagal- bagal siya eh naku mauunahan siya ng iba.Lalo pa ngayon at desidido na yung greatest admirer mo na ligawan ka." Napakunot- noo ang dalaga.Ano ang pinagsasabi nito at sino ang tinutukoy nitong manliligaw? "Ano ka ba,alam mo namang bawal pa diba..",she reminded Trish.Alam nito ang tungkol sa usapan nila ng ate niya. "Sus,diba may kasabihan nga tayo na what you don't know won't hurt you.. Bat mo nga sasabihin sa ate mo?Kaya nga nauso yung secret eh." Gusto niya itong sumbatan dahil parang balak pa nitong ibugaw siya pero bigla na naman itong tumili. "Oh my!",nanlalaki ang mga mata nito.Possessed na yata ito eh,naisip niya."Ikaw ha nililigaw mo ako.Kala mo makakalimutan ko,no?" Inilapit nito ang mukha sa kanya kaya medyo kinabahan siya.Baka bampira na ito at kakagatin siya... "Now tell me Kaliana,bakit magkasunod kayong dumating ni sir kanina?Hmmm,I really smell something malansa.." Hindi talaga siya titigilan ng bruhang si Beatris.Pero nanatiling tikom ang bibig niya habang namumula.Nag- pout si Trish. "Kung inaakala mong titigilan kita,sorry ka na lang.Hindi ka makakalabas ng buhay dito hanggat hindi mo- -" "He asked for my number.Satisfied?",putol niya sa sasabihin nito. Nanlaki ang mga mata nito at biglang napatayo "He asked for your what?"Napatakip ito sa bibig nang marealize ang sinabi niya.Kaunti na lang talaga at ipapa- admit na niya ito.Sa Mandaluyong. "Ssshhh,ano ka ba beb.Ang OA mo."Natatawang naiinis si Kali sa kaibigan.Bakit ba pagdating kay Xander big deal dito lagi ang lahat."Iba talaga si sir,mabilis trumabaho..Siguro nakatunog iyon." Hindi maintindihan ni Kali ang mga sinasabi ng kaibigan.Nahawa na yata ito sa propesor nilang tila laging palaisipan ang mga salitang binibitawan. "I want to be the first to know pag nag- kiss na kayo.Oh beb,I can't wait!"Tila may mga puso sa mata nito.Anong kalandian ang mga naiisip nito? Nangangarap ito ng lovestory para sa kanila ni Xander kahit na alam nitong imposible yun.Natigil lang ito sa pangungulit sa kanya nang biglang dumating ang guro nila sa sunod na subject.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD