Vaughn
*
*
" I saw her last night." Wika ni Skyler
" Sinundo siya ng kanyang Ama." Tugon ko
Nandito kami nag-almusal.
" Gusto ko pa naman sana makabonding Girlfriend mo. Sempling babae lang marunong sa gawain bahay. Wife Material bagay na bagay siya sayo Anak. Huwag mo na pakawalan." Seryoso na wika ni Mommy
" Thanks Mom! Hindi ko pa siya pweding pakasalan Pag ginawa ko yon hihiwalay niya ako. May Problema ang kanilang pamilya hawak ng isang Sindikato ang kanyang Lolo. Hindi ako pwede makialam mataas ang pride ni Lita. " Mahinahon na Paliwanag ko
" Basta kuya huwag mo nang pakawalan si Lita Kahanga-hanga siya sa Edad niya na 19 wife material na sya. Gusto ko siya Kuya para sayo kaya tumigil kana sa pangbabae mo." Wika ni Brittany
" Parang hindi pantay ang Pisngi mo anak?" Tanong ni Daddy
" Nakatikim ako ng Flying Kick ni Lita kinabukasan na ako nagising. Naramdaman ko pa lang ang pagkilos niya paglingon ko tumama na saakin ang kanyang paa. First Time ko mapatulog ng Flying Kick Partida ang liit ni Lita pero ang lakas ng binti niya." Nakangiti na Paliwanag ko
" Hahaha! Dinala namin sya sa Kuta ni Kenzo. Sumugod ang 15 katao nag blindfold pa si Lita kaya naman nakaisip kami magkakapatid ng kalokohan. Nakisali kami ayon nakatikim kami ng tig-iisang Flying Kick. Hahaha Umangat ako sa lupa sa lakas ng flying kick nya. Pamatay ang kanyang Flying Kick nakakatakot. Unang beses namin mapabagsak Babae pa at Tatlo kami na magkakapatid Hindi biro ang Kaalaman namin sa pakikipaglaban. " Natatawa na wika ni Daddy
" Talaga Dad? WOW! May pinanood saamin si Kenzo Batang Christopher Percy, Siya daw ang Ama ni Lita. Grabe Teenager pa lang doon ang Ama ni Lita pero Grabi pamatay ang Flying Kick nya. Ang bilis kumilos kung sa Angkan natin Baril at Knife o kaya Katana ang panlaban natin Sila Paa lang sapat na. " Kwento ni Skyler
" Huwag nyo Imbistigahan ang pagkatapos ng Girlfriend ko. Makakasira yon sa mabuting relasyon namin. May tiwala naman ako sa Girlfriend ko Pinagtapat na saatin kung anong klasing tao siya Kung ano ang nakikita natin sakanya yon ang talagang sya. Huwag din kayo Nag-iisip ng masama kung may makita kayong kasama niya na halos kaedad ko lang. Yon ang kanyang Ama napakabata pa. " Mahinahon na wika Ko
" Fil-AM ang Girlfriend mo kuya! Ang Ganda parang Doll ang liit din ng bewang matambok ang Butt tapos Katamtaman ang laki ng boobies hindi maliit hindi rin ganon kalaki. Perfect body kissable lips. " nakangiti na wika ni Storm
Tumayo ako ubod ng lakas ko siya tinadyakan sa nakailag siya
" Sorry na kuya! Hindi ko na titingnan Girlfriend mo. " natatawa na wika ni Storm
" Huwag na huwag mong pagnanasaan ang Kasintahan ko Puputalan kita ng kaligayahan. Inosente si Lita Kahit Pilya siya at pasaway matinong babae ang Syota ko. Kaya umayos ka." Galit na wika ko
" Hahaha! Sorry Kuya Ganon din ang napansin ko." natatawa na wika ni Skyler
Namula ang mukha ko sa galit Hindi ako makapaniwala na sa narinig ko.
Binunot ko ang baril sa bewang ko agad sila nagtakbuhan palabas ng bahay naiwan si Mommy at Brittany hinila naman ni Storm si Daddy
" Hahaha! Cute nga ng Girlfriend mo kuya Sarap niya Ayusan parang barbie doll. " Nakangiti na wika ni Brittany
" Alam ko! Pero Ihaharap ko siya sa Altar na malinis. Karapat-dapat siya bigyan ng magandang kasal. Bata pa si Lita marami pa syang pweding gawin at Pwede pa magbago ang pagtingin sya saakin. Kaya nga wala pa kasiguradohan ang relasyon namin. " Mahinahon na Paliwanag ko
" Sa tingin ko naman kay Lita Hindi maghahanap ng iba sadyang may mga bagay lang siya na kailangan Unahin. She loves you nakikita ko yon sa mga titig nya sayo. " Wika ni Mommy
" Never niyang sinabi na mahal niya ako. " Tugon ko bakas ang lungkot sa boses ko
*
*
Carmelita
*
*
" Chris anong klasing Damit to?" Gulat at hindi makapaniwala na tanong ko
Duster at Tsinelas na Tig-50 pesos sa palingki mag wig na itim na kulot ang Buhok.
" Sir Ito na po ang Ulam na ededeliver." Wika ng Dalaga sa tingin ko kaedad ko
" Good ito ang kabuohan ng bayad mo. " Wika ni Chris
Nandito kami sa bahay ng maglola Dito kami naghihintay ng Oras. Ayon sa Imbistigasyon ni Chris hawak sa leeg ang maglola ginagawang parausan ang dalaga araw-araw nagluluto Ulam para sa mga Tauhan Minsan daw sa loob mismo ng Kuta nagluluto pero madalas nagbibigay lang ng pera pamalingki.
" Miss Ilang taon kana? " Tanong ko
" 23 na po." tugon ng dalaga
" Chris! Bago tayo umalis Dagdagan mo ang pera nila Bigyan mo Kalahating million para mabago ang Buhay ng Dalagang to. " Seryoso na wika ko
" Sige Sabi mo e. " Tugon ni Chris
Napaawang ang labi ng maglola umiiyak sila na nagpasalamat.
Dahil walang kwarto sa bahay ng maglola hinubad ko nalang ang T-shirt at Sweatpants na suot ko Inabot saakin ni Chris ang Duster.
" Mag-asawa ba kayo?" Tanong ng Matanda
" Hindi ho Anak ko ang dalagang to. " Nakangiti na wika ni Chris
" Chris mabuti nalang may Short ako Makakasipa pa ako ng hindi nasisilipan. " Reklamo ko
" She 19 years old! Only Child." Nakangiti na wika ni Chris
Naglagay ako ng Knife sa hita ko inayos naman ni Chris ang Wig ko.
" Iha maupo ka dito! Gagayahin lang ng anak ko ang Mukha mo." Nakangiti na wika ni Chris
Nagtataka naman ang dalaga na naupo sa harapan ko. May salamin nakasabit sa Dingding ng bahay nilabas ni Chris ang isang bag na make-up. Nag-umpisa ako nag make-up sa sarili ko. Kung meron akong hidden talent yon ang pag makeup kaya kong gayahin ang mukha ng iba sa pamamagitan lang ng Makeup. 2 PM ako ang umpisa magmakeup natapos ako 6 pm na.
Nakatulog na nga ang dalaga
Bago ako Umalis nagpaalam kami sa maglola. Iniwan ni Chris ang Mga gamit sa Ibabaw ng Motor na nakatabi sa masukal na damohan malapit sa kalsada. Bitbit ko ang Basket na may lamang Ulam naglakad ako binaybay ko ang masukal na daan papunta sa bundok Umabot ng 20 minutes ang paglalakad ko mabuti nalang sanay ako sa lakaran.
Malayo pa lang natanaw ko na ang armadong kalalakihan na naghihintay saakin kahit na madilim ang Lugar malinaw ko sila nakikita sanay ang mata ko sa Madilim.
" Bilisan mo nagugutom na kami. Akin na yan." Galit na wika ng Isang lalaki kinuha ang basket na dala ko
" Ignacio tumigil ka bibabalak mo, Gusto mo bang Lumayas yang babae na yan? Yan na nga lang nagluluto saatin ng matino. Subukan nyo pang galawin ang babaeng yan pasasabugin ko yon mga bungo nyo." Wika ng Lalaking may Edad sa kasamahan nito.
Hindi ako sumagot pasemple ko ginala ang paningin ko.
" Anong oras dating ni Boss? " Tanong ng matangkad na lalaki
" Gago parating na yon. Kaya bilisan nyo Kain na tayo para makapag handa sa Pagdating ng Bisita." Tugon ng isang lalaki
" Ineng Ito Pamalingki mo bukas. Pumunta ka dito bukas dito mo dalhin ang mga pinamili mo dito kalang magluto bukas. Magsabaw ka pangtanggal Hangover." Wika ng lalaki
Tumango lang ako tinanggap ko ang pera agad din ako Umalis.
Naglakad ako palayo nagtago ako sa malaking puno.
" Bakit hindi umataki?" Tanong ni Chris
Muntikan na ako mapasigaw sa gulat biglang bumulong saakin hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya saakin
" Tangna naman Chris." Mura ko
Tumawa ng mahina si Chris sumilip din sa kalsada na tinitingnan ko
" Darating daw ang Boss nagtataka ako kung sino ang Boss na tinutukoy nila." Paliwanag ko
" Diba bawat kuta ni Mr Hendrick may humahawak na tao namumumo kaya hindi mo makikita si Hendrick sa ganitong Lugar." Mahabang paliwanag ni Chris
" So bagong mission natin patayin ang lahat ng mga tuta ni Hendrick." Tugon ko
Tumahimik si Chris dahan-dahan naglakad palapit sa bakod na gawa sa kawayan.
Hinayaan ko si Chris na gawin ang nais niya. May ibang plano kasi ako
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagdaing sa bahay na kinaroroonan ni Chris tumayo na ako nasipat ko ang Papalapit na sasakyan dalawang sasakyan ang paparating. Simipol ako nahinto ang ingay sa bahay na pinasokan ni Chris
Hinintay ko na makalagpas ang dalawang sasakyan nasipat ko ang Apat na kalalakihan na lumabas sa unang sasakyan Dalawang tao lang sa Huling sasakyan.
" Tika Abner Tony nandito na kami nasaan kayo bakit walang ilaw?" Pasigaw na tanong ng isang lalaki
Ngunit walang sumagot dahan-dahan ko nilapitan ang dalawang lalaki na nakasandal sa panghuling sasakyan nag-uusap pa sila tungkol sa paparating na Bagong Drugs. Agad ko binigyan ng magkasunod na Flying Kick ang dalawang lalaki. Tumabling ako papunta sa nagpaputok na lalaki Bumagsak ako sa harapan niya kasabay sa pagsipa sa kamay nito na may hawak na baril tinadyakan ko siya sa sikmura. Sabay sipa sa kamay ng isa pang lalaki, Nasipat ko ang Akmang magpapaputok ng baril ang dalawang lalaki ngunit magkasunod na Flying Kick ang natanggap nila galing saakin. Sinipa ko palayo ang baril nila.
Ngumisi ako nasipat ko ang nasusunog na taninan ng pinagbabawal na halaman.
Hindi ko na pinansin ang mga putok ng baril na nagmumula sa nasusunog. Tumakbo ako papasok sa kakahuyan nagtago ako dahan-dahan naman sila sa paglalakad naghahanap saakin. Isa-isa ko sila nilapitan Puno ng pag-iingat ang bawat hakbang ko walang ingay na maririnig. Isa-isa ko binali ang kanilang leeg gamit lang ang magkabilang binti ko. Isa-isa ko kinuha ang kanilang wallet at cellphone.
Naupo ako sa Ibabaw ng sasakyan na nasa Unahan habang naghihintay kay Chris. Napalingon ako may paparating pa na sasakyan. Agad ako bumaba sa sasakyan nagtago ako sa puno ng niyog Pinagmamasdan ko ang Isang sasakyan na Kararating lang. Bumaba ang dalawang lalaki agad na bumunot ng bari.
" Sige na Tingnan nyo kung ano ang nangyayari paparating na ang Client natin. Tingnan nyo kung nand'yan pa ang Mga Baril na bagong dating kagabi. " Utos ng lalaki sa loob ng sasakyan.
Hinugot ko ang dagger sa hita ko Ubod ng lakas na hinagis sa lalaki nabasag ang Salamin ng sasakyan tumama ang dagger sa sintido ng lalaki. Napalingon ang dalawang lalaki ginala ang paningin sa paligid muli ko binunot ang isa pang dagger sa kabilang hita ko Ubod ng lakas ko yon hinagis sa lalaki may katangkaran.
Agad na bumagsak ang lalaki na may nakabaon na dagger sa Noo agad ako nagtago sa puno ng niyog walang habas na nagpaputok ang Natitirang lalaki. Ilang sandali lang tumakbo ako palapit dito naubosan na siya ng bala kasalukuyang siya nagpapalit ng magazine ng baril. Tumakbo ako sabay Sipa sa kanyang Panga bumagsak siya agad ko nilock ang kanyang Leeg gamit ang binti ko sinubukan niyang suntukin ang binti ko ngumisi ako hindi ako nagpatinag hanggang sa unti-unting nanghihina ang kanyang suntok hanggang sa tuloyan nang dumilat ang kanyang mga mata tuloyan nang nawalan ng buhay.
Nasipat ko ang paparating na sasakyan tumakbo ako palapit dito agad naman na huminto ang sasakyan natamaan ako ng ilaw ng sasakyan ngumisi ako ng nakakaloko.
Naglabasan silang Apat sinalubong ko sila. Ilang sandali lang nagtatali na ako ng tela sa sugatan na braso ko.
Nakangiti ako nasa panaan ko ang dalawang briefcase na puno ng pera.
" Arayyyy." Daing ko nakatanggap ako ng batok galing kay Chris
" Siraulo ka bakit mo sinalubong ang bala?" Galit na tanong ni Chris
" Daplis lang naman! Dinali may pera tayo. Sunugin mo na ang Bahay Isama mo ang mga bangkay." Tugon ko na may kasamang Utos
" Mamaya ka saakin! Hindi ka nag-iingat muntikan kana mamatay." galit na tugon ni Chris
" Naku mahabang seremonyas naman ang maririnig ko kay Chris." Napapailing na sambit ko