Vaughn
*
*
" Napapailing ako habang Pinagmamasdan ang babaeng hinahanap ko. Tinawagan ko ang number ng client ko Nag send ako ng Video footage.
" Diyan ka lang hintayin mo kami bukas na bukas nand'yan na kami. Ibibigay ko din ang kabuohan ng Kabayaran sa Trabaho mo. " Wika ng Client ko
Pagkatapos ko makipag usap nagmaniho na ako pabalik sa hotel na tinutuluyan ko.
Pagdating sa hotel room ko agad ko tinawagan si Nanay Amparo
" Nandito ka sa pinas? " Bungad na tanong ni Nanay Amparo
Nakalimutan ko magkaiba pala ang Number ng pinas at ibang bansa.
" Yes nandito ako sa Probinsya may trabaho ako. Kumusta kayo d'yan?" tugon ko
" Okay naman! Ayon umiiyak si Julie nilagyan ni Lita ng ipis ang kape. Hay naku ang batang yon nakapa pasaway. Umulan kahapon aba nagpaulan umuwi naliligo sa putik nadulas daw sa liguan ng kalabaw. " Kwento ni Nanay Amparo
Napangiti ako sa narinig ko marami pang sinabi ni Nanay Amparo na nagpagaan ng pakiramdam ko.
Hindi pa ako nakakalapag ng cellphone tumunog na ulit ito
" Kuya! I'm her in US Nasaan ka? " Bungad na tanong ni Brittany
" Gago nasa pinas si Kuya! Tara may gala tayo." Narinig kong Sabi ni Skyler
" Kuya sinungaling ka sabi mo Gagala tayo. I hate you na." Maarti na wika ni Brittany
" Next month princess promise may trabaho pa kasi ako." Malambing na Tugon ko
" Hmmmp." Tugon nito sabay patay ng Tawag
Napangiti ako Tama ang ginawa ko hinahanap ko ang Biological mother ko. Masaya talaga pag may pamilyang nagmamahal sayo, Nabuo kasi ako sa Isa IVF and Surrogacy pregnancy. Pero wala naman akong sinisisi sa mga nangyari. Namatay ang mga magulang ko sa sakit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay minahal nila ako. Hindi ko lang kaya mabuhay ng walang pamilya. Gusto ko ang pakiramdam na buo ang pamilya, Masaya kahit na madalas nasa panginip ang buhay nila dahil Angkan sila ng Mafia Masaya ako at tinanggap nila ako ng buong-buo.
Hinubad ko ang Sapatos ko nahiga ako sa kama hawak ko ang phone ko nakatitig ako sa nakangiti na Picture ni Lita.
" Siguro kailangan ko maging abala. Pasaway ka lang kaya laman ka lagi ng isipan ko. " sambit ko
Napatigil ako naaalala ko walang cellphone si Lita Agad ko tinawagan si Nanay Amparo
" Nanay Bukas na bukas pumunta ka ng Mall bilhan mo ng Cellphone si Carmelita E save mo ang Number ko. Wala pala sya Cellphone ngayon ko lang naaalala. Sa nalalapit na kaarawan niya Bilhan mo siya ng Laptop magagamit niya yan sa pag-aaral. " Bungad na wika ko
" Oo nga no! Wala ngang Cellphone ang batang yon paulit-ulit nalang din ang mga damit. Bukas na bukas magpapasama ako kay Isadora mamimili kami. " tugon ni Nanay Amparo sa kabilang linya
" Salamat Nanay." Tugon ko
Inilapag ko ang cellphone ko sa Side table nakangiti na pumikit
" Tatawagan kaya niya ako?" Tanong ko sa aking sarili
Nakatulog ako na nakangiti
Kinabukasan
Maaga palang tumawag na saakin ang Client ko. Kaya naman Hindi na ako naligo sinuot ko lang Sapatos ko Habang sakay ako ng Elevator may tatlong lalaki ako na kasabay
" Dalawang tao lang hinahanap natin pero ilang taon na hindi pa natin natatagpuan." Wika ng lalaki na puro tattoo ang katawan
" Gago! Si Mr Percy pa kasi ang sinusubukan ni Boss kunin ang Ari-arian. Sinabi na kasi ng Asawa ni Boss na iba nalang ang targetin ayaw makinig. " Wika ng isang may Edad na lalaki
" Maaaring matanda na si Mr Percy Ngunit mautak. Akalain mo hawak na sa leeg ni Boss ngunit hindi pa mapatay-patay dahil hindi mailipat ang Ari-arian sa pangalan ni Boss. Nakapangalan kasi ito sa Apo ng matanda." Sabat ng Matabang Lalaki
Pagbukas ng elevator lumabas na ako naiwan ang tatlo sa Elevator
" Mr Percy ! Percy parang may nakilala akong Parcy." Sambit ko habang naglalakad palapit sa Kotse ko.
Habang nagmaniho ako iniisip ko parin kung sino ang Percy na nakilala ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isipan ko ang Narinig ko
" Dapat talaga mamatay na lahat ng masasamang tao. Katulad ng sindikato at mga gangster Wala silang ginawa mabuti sa Kapwa.." Sambit ko
Kahit na Shoun na ang Surname ko hindi ako makikialam sa problema ng mga Shoun kahit na nga may kalaban ang mga kapatid ko at mga pinsan ko Wala akong pakialam. Gusto ko lang magtrabaho ng legal at mamuhay ng tahimik sa hinaharap kasama ang Asawa at magiging anak ko.
20 minutes ang byahe ko bago ako Nakarating sa fast food na pinag-usapan namin ng Client ko.
Nagkausap muna kami binigay nila saakin ang bank transfer receipt na kabayaran sa Trabaho ko. Sinamahan ko sila sa Address ng bahay na kinaroroonan ng kanilang Anak. Hindi na ako lumapit tinuro ko nalang sakanila Umalis na ako tapos na ang trabaho ko
Habang nagmamaniho ako pabalik ng manila pakanta-kanta ako. Mabilis ko lang natapos ang trabaho ko. Akala ko kasi magpapanggap pa akong Trabahodor bago ko matapos ang mission ko. Sana huwag naman mahirap ang ibigay ni Boss na mission.
Pagkalipas ng ilang araw nakasimangot ako habang nakatitig sa papeles na hawak ko
" Isang sindikato ang nanalasa sa kamaynilaan. Matinik kaya kailangan na ng Secret agent para malutas ang kaso ng mga nawawalang kababaihan." Mahinahon na wika ni Boss John
" Tsk! Deposit nyo ang Halahati ng Kabayaran nito. Mahirap to malaking sindikato to e." Naiinis na wika ko
Tumayo ako naglakad ako palabas ng bahay ni Boss John naiinis parin ako.
Pagkalipas ng Ilan araw nandito ako naghahanap ng paupahan. Nakasuot ako ng Punit na Pantalon na maong puting sando at may bitbit na bagpack. Nakasuot lang ako ng Tsinelas at may hawak na sigarilyo sa kamay hinayaan ko nakalugay ang buhok ko makapal narin ang bigote at balbas ko. Mukha na talagang akong tambay
" Boss bago tagay." Aya ng mga tambay sa kanto
Nakangiti na lumapit ako tinanggap ko ang Baso na inaabot nito Inubos ko ang laman ng baso
" Mga boss may paupahan ba dito? Isang bahay sana ang nais ko. Pinalayas ako ni Tatay kaya naghahanap ako paupahan." Nakangiti na tanong ko
" Tamang-tama may bakanting bahay sa katabi namin. Medyo mahal nga lang ang upa limang libo buwan dalawang kwarto na yon at Tiles na ang sahig." Wika ng may Edad na lalaki
" Talaga? Pwede ko samahan nyo ako. Bibigyan ko nalang kayo pangdagdag pambili ng alak." Nakangiti na tugon ko
" Toto ang pangalan ko ikaw?" Pakilala ni Mang toto
" Adam Ho! Adam Hayes ang buong pangalan ko." Nakangiti na pakilala ko
Pinakita ko pa ang I'D ko nagpakilala naman ang ibang kasamahan nito sa inuman pagkalipas ng ilang sandali sinamahan ako sa bahay ng nagpapaupa. Nagbayad ako ng deposit at advance. Binigay saakin ang susi ng bahay nagpasalamat ako sa may-ari na si mang Alon
" Salamat mang Toto. Mukhang komportable naman ako dito. May garahe pa pwede ko inuwi ang motor ko dito." Nakangiti na wika ko
" Walang ano man Iho. Ang pangbili pala ng Alak alam mo na naghihintay sila saakin."
Nakangiti na tugon ni Mang toto agad ako dumukot ng limang daang piso nakangiti na nagpaalam ang matanda hinalikan pa ang Limang daan.
Inayos ko ang kaunting gamit na dala ko. Ilang perasong damit at baril spy cam at Iba pang kagamitan ko sa Trabaho. Binuksan ko ang Laptop na dala ko agad ko sinuri ang mga larawan ng hinihinalang Tauhan ng Sindikato sa bagong mission ko.
Ayon sa Imbistigasyon ko dito nakatira ang lalaking to. Bibihira daw umuwi ngunit galanti daw pag nakauwi nagpapainum sa mga tambay.
Kinabukasan bumili ako ng kaunting gamit sa bahay unan, kumot, manipis na foam. Maliit na table at Dalawang perasong upuan.
Lumipas pa ang mga araw nag apply ako Kargador sa palingki. Pag walang Trabaho nagtatawag ako ng mga pasahero umabot ng tatlong buwan ako sa ganoong Trabaho bago ko nakasundo ang mga tambay sa kanto. Nakipag kaibigan ako sakanila nakikipag inuman madalas tambay ako sa kanto pag walang Trabaho
" Hayst! Ito palang ang nakuha kong impormasyon. " Naiiling na sambit ko
" Adam! Nand'yan kaba?" Sigaw sa labas
Lumabas ako ng Kwarto ni Lock ko ang pinto pinalitan ko ang Lock ng Kwarto para masiguro na kahit ang may-ari ng bahay Hindi mabubuksan. Nagsuot ako ng Sumbrero nagsindi ng Sigarilyo bago ko buksan ang pinto
" Mang Toto ano ang atin?" tanong ko habang nakangiti
" May Extra tayo na trabaho ilang oras lang to bago sumapit ang Umaga tapos na malaki bigayan dito. " Nakangiti na Aya ni Mang Toto
" Oh! Baka Illegal yan? Baka mayari tayo. " Tugon ko
" Sampong libo bayad tapos ihahatid lang natin ang Truck sa pantalan. Tayo ang magdrive papunta sa pantalan. Hindi naman siguro illegal yon magmamaniho lang naman tayo." Paliwanag ni Mang Toto
" Tara! Magmamaniho lang pala." Nakangiti na Tugon ko
" Ano kaya ang laman ng truck bakit ipapamaniho sa iba. Impossible naman na walang driver ang may-ari ng truck. Illegal sigurado ang laman ng Truck."
Naglakad kami palabas ng iskinita sumakay kami ng taxi papunta sa pantalan Pagdating sa pantalan sinalubong kami ng Dalawang lalaki halatang hindi gagawa ng mabuti
" Dating Gawi! Pagdating sa Kanto ng Bayan Iwanan nyo ang Truck at umalis na kayo. " Wika ng isang lalaki inabot saamin ang tig sampong libo. Pasemple ko inayos ang Spy na nakalagay sa Hikaw ko
" Ayus! Easy money may pangbayad na ako sa renta ng bahay. Salamat mga boss." Maaagas na Wika ko
Nakangisi pa ako na inabotan ng Sigarilyo ang dalawang lalaki. Pinanood namin ang dalawang lalaki na pumasok sa kotse si Mang Toto ang nagmaniho ng Truck
" Sana palaging ganito ang Trabaho para hindi na ako magpakapagod sa pagiging Kargador sa palingki." Nakangiti na wika ko
" Ikaw naman kasi bakit kasi limang libo pa ang upa ng bahay mo. Mag-isa ka lang naman." Naiiling na tugon ni Mang Toto habang nagmamaniho
" WOW! Ikaw ang nagturo saakin ng paupahan." Tugon ko
" Hahaha! Oo nga pala dibali nababayaran mo naman. " Natatawa na wika ni Mang toto
" Pero maiba tayo Mang Toto! Baka Illegal drugs ang laman ng truck kaya pinapamaniho sa iba para pag nahuli ng mga police tayo ang makukulong." Wika ko
" Sa tingin ko mga tao! Alam mo kasi ang bayan na pupuntahan natin may private na paliparan doon pagmamay-ari ng isang pamilya. May eroplano doon yong bang ginagamit papunta sa ibang bansa. Private Yet Bayon." Wika ni Mang Toto
" Private Jet? " tanong ko
" Oo yan yon! Private jet, Wala lang akong lakas ng loob magsumbong sa mga pulis baka kasi balikan ang pamilya ko mahirap na." Wika ni Mang Toto
" Hoy! Mang Toto huwag mong sabihin na yang ang sinasabi sa balita sa TV na Malaking sindikato?" Kunway tanong ko
" Kahit ibalita sa TV Mananatili walang alam ang kapulisan dahil malaking sindikato nga sila. Bayad ang kapulisan kadalasan sa kanyang kalaking grupo ang big boss Kilalang tao." Kwento ni Mang Toto
" Ayon sa lumabas na Imbistigasyon ko may malalaking tao talaga na nagpapalakad sa sindikato ngunit kilala business tycoon sa China ang Big boss at may malaking tao na kasosyo sa negosyo dito sa pilipinas. Kalat sila Hindi lang dito sa pilipinas pati sa iba't ibang bansa. Ang problema kaya lumapit ang PNP sa Secret Agent dahil hindi umuusad ang kaso. Dahil Malaking politico ang Kasosyo, Lahat ng humahawak ng kaso pinapatay. Marami narin ang namatay na kawawang police dahil sa kaso.
" Kailangan ko lang naman makakuha ng matibay na ebedinsya Tapos ibibigay ko ito lahat kay Boss si Boss na ang bahala magbigay sa iba't ibang bansa na may hawak sa kaso kailangan kasi kompleto talaga. Naku Vaughn Aabutin ka ng Ilan taon sa kasong ito. "
" I Miss her, Her innocent smile ." Sambit ko