Carmelita
*
*
" Babe Bakit nanlalamig ata ang kamay mo?" Tanong ko
" Kinabahan ako sa Papa mo. Nakakatakot pala siya." Tugon ni Vaughn
Pinulupot ko ang braso ko sa leeg ni Vaughn nakayuko siya matangkad kasi si Vaughn cute size lang ako. Nandito kami sa gitna ng Dance floor sumasayaw kami.
" Bakit mo inamoy kanina pagtanggal ng Garter? Hindi ko nga alam na may Garter sa hita ko. " Tanong ko
" Sabi kasi ng Papa mo hindi ka nagpalit ng Panty. Pero mabango pa naman." Natatawa na Tugon ni Vaughn
" Hindi ko alam ang ginagawa ko. Basta naisip ko lang pakasal sayo Sabi ko hindi ako mag-aasawa pero ito may Asawa na ako. Pambihira Anak lang naman ang gusto ko tapos nagkaroon pa ako ng Asawa. " Reklamo ko kay Vaughn
" Sinamantala ko na ang pagkakataon binigay mo saakin ang Legal Documents na kailangan para makasal tayo. Haha Ngayon Wala ka nang kawala saakin kana." Masaya na wika ni Vaughn
Ngumiti lang ako
" Tara Uwi na tayo Lilinisin ko sugat mo pambihira ka naman. Ikakasal nalang tayo sumugod kapa sa Kuta ng kalaban. " Wika ni Vaughn
" Mamaya na makipag inuman ka muna sa mga bisita. Excited ka lang sa honeymoon." Tugon ko
" Nope! hindi ako iinu---
Bigla siya hinila ni Papa palayo saakin
" Habang buhay mo naman makakasama anak ko Samahan mo kami uminum. Masyado ka excited sa honeymoon! Baka naman pwede ipagpaliban ang honey baby pa yang Anak ko. " Wika ni Papa halatang lasing na
Nag-umpisa ang performance ng mga kapatid ni Vaughn napangiti ako sumayaw sila. Sobrang saya nila
" Yessss! May Asawa na panganay ko." Sigaw ni Mommy Violet
" Iha Tara sumama ka muna saakin gagamutin natin yang Sugat mo. " Nakangiti na Aya ni Auntie Zoey
" Salamat po! Parang kumikirot nga po ang sugat ko. Napadami ata ang sugat ko. Meron pa sa likod sa tagiliran, Sa Balikat at braso kanina ko pa to tiniis." Nakangiti na tugon ko
" What? Ang dami naman ata ng Sugat mo saan ka ba pumunta?" Nag-aalala na tanong ni Mommy Violet
" Hehe sa kuta ni Mr Hendrick kinuha ko si Lolo para makadalo sa kasal ko. " Nakangiti na tugon ko mapanganib sila
" Vaughn." Galit na sigaw ni Mommy Violet
" Tara na! Sa bahay nyo nalang kita gagamotin. " Nakangiti na aya ni Aunt Zoey
" Ako na ang magbubuhat sayo." Wika ng pamilyar na boses
Dahan-dahan ako napalingon
" Pasensya na. Mrs Shoun ako na ang gagamot sa sugat ng Pamangkin ko. " Walang Emosyon Wika ni Uncle Ace
" U-Uncle Ace." Pautal na tawag ko may hila-hila pa siya na Malita Kararating lang
Niyakap ko si Uncle pinulupot ko ang Braso ko sakanyang Leeg pinulupot naman ni Uncle ang braso sa bewang ko. Tumatawa habang nagpaikot-ikot niyakap niya ako ng mahigpit
" Nagmamadali ako Umuwi para sa kasal mo. Kaso ang daming nakaabang na kalaban sa Airport kaya ngayon lang ako makarating. " paliwanag niya
May kamao na tumama sa pisngi ni Uncle Ace
" Bitawan mo Asawa ko " galit na wika ni Vaughn
" Oy! Baby hindi mo sinabi Gwapo pala Asawa mo. Haha, don't be jealous of me. Your Wife's mother is my sister Hahaha. She's My Baby." Natatawa na wika ni Uncle
Pinahid lang ang dugo sakanyang labi. Tumatawa na niyakap ulit ako hinalikan pa ako sa Noo.
" Ouch! Christopher I'm Just Hugging my Little Baby." Reklamo ni Uncle Ace nakatikim siya ng flying kick galing kay Papa mabuti nalang mabilis ako nakailag
" I told you, Lita is no longer a baby. If you could hug her, you would think she was a little child. Her husband would be really jealous because you! You are too young to be her uncle." Paninirmon ni Papa
Nanlaki ang mga mata ni Vaughn sa narinig
" Tito mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Vaughn Tumango ako
" Naku Wrong Move ka Kuya." Pang-aasar Skyler
Nagtawanan silang lahat napuno ng pang-aasar kay Vaughn napagtanto kasi nila na ngayon lang nakilala ni Vaughn ang pamilya ko. Napakamot sa Ulo ni Vaughn
Naglakad palapit kay Uncle Ace habang nagpakilala sila sa isat-isa. Hinila ko na si Aunt Zoey palabas ng Hotel
Kasama namin si Mommy Violet At Aunt Laura. Panay ang kulitan nila pero tahimik lang ako
" Kung hinarang nila si Uncle Ace sa airport ibig sabihin nabulabog sila sa ginawa kong pagdukot kay Lolo. Ngayon hawak ko na si Lolo Hindi rin ligtas kung dadalhin sa ibang bansa. Hayst saan ko itatago si Lolo?" tanong ng isipan ko
" Tika lang po. Babalik ako sa Hotel naaalala ko dapat buhat ako ni Vaughn papasok sa bahay." Biglang wika ko
Tumakbo ako pabalik sa Reception Venue naabutan ko nagpalitan ng suntok at flying kick si Papa at Uncle Ace samantalang nagpapalakpakan naman ang Angkan ni Vaughn. Nakanganga lang si Vaughn habang nakatitig sa nag-aaway
Tumakbo ako palapit sa dalawa paglingon nila saakin magkasunod na flying kick ang natanggap nila galing saakin. Umangat sila ng kaunti sa sahig bago bumagsak
" Ouch." Sabay na daing ng dalawang
" What the Heck?" magkakasabay na sambit nila
" Hehe sorry naglalaro lang kami hindi kana nasanay." Magkasabay na Paliwanag ni Papa at Uncle Ace
" Huwag kayo Aalis ng Resort bukas na bukas kakausapin ko kayo. Ace, Chris, Makinig kayo, Isama nyo si Lolo sa iisang Kwarto kailangan masiguro na ligtas siya. Pinaghirapan kong kunin siya sa kamay ng kalaban. Apat na bala ang natamo ko para lang makuha ng ligtas at walang galos ang Lolo. Malilintikan kayo saakin sa oras na mapahamak si Lolo. " walang Emosyon wika ko
Nakaluhod ang dalawa sa paanan ko habang menamasahe ang magkabilang binti ko
" Naku namaga ang binti mo. Ikaw naman kasi Sabi ko mag-aral ka gumamit ng baril mapipilayan ka sa kaka flying kick." Nag-aalala na wika ni Papa
" Grabe hindi mo manlang ba napansin ang binti ng anak mo Christopher? Tingnan mo nga may mga galos namamaga pa. " Nag-aalala na tanong ni Uncle Ace
" Tumayo kayo! Pwede kayo makipag inuman dito. Huwag na kayo mag-aaway kasal ko ngayon." Mahinahon na wika ko
Tamayo ang dalawa sabay nila ako hinalikan sa pisngi Parang mga bata na tumalikod nilapitan nila ang table ng Biyanan ko.
Naglakad palapit saakin si Vaughn hindi maipinta ang mukha niya
" Ganyan ba sila lagi?" Tanong ni Vaughn
" Yup! Sakit sila sa Ulo Minsan nagigising ako nagsusuntukan na sila. Kahit saan sa Mall, Sa kalsada kung saan sila abutan ng init ng Ulo.." Naiiling na Paliwanag ko
" Sobrang Close naman ata nila sa puntong Hindi na maganda tingnan." Wika ni Vaughn
Natigilan ako iba ang dating non saakin.
" Pinag-iisipan mo ng masama ang Uncle at Papa ko? Simula ng isilang ako sila na ang nag-aalaga saakin umalis lang si Uncle para sa Trabaho niya at business narin sa ibang bansa. Sagutin mo tanong ko Pinag-iisipan mo ba ng masama ang Closeness ko sa kanina?" Tanong ko
" Nope! Sorry about that! Natatakot lang ako Nasaksihan ko kung gaano ka nila kamahal. OA na ang pag-aalaga nila sayo. " Tugon ni Vaughn
" Nag-iisang anak lang ako Vaughn. Dahil ako ang nag-iisang tagapagmana ng Percy. Para kay Papa ako ang nag-iisang kayamanan niya. Hindi naging maganda ang buhay namin bago tayo nagtagpo. " Paliwanag ko
Niyakap niya ako
" Aalagaan din kita at Iingatan tulad ng pag-iingat nila sayo. " Malambing na wika niya
Tumingala ako pinulupot ko ang Braso ko sa kanyang Leeg naglapat ang aming labi nagpalakpakan ang mga tao.
Napatili ako bigla ako binuhat ni Vaughn
" Hey guys! Papaalam ko lang walang ganap ngayon. Postponed ang Honeymoon Apat na bala ang bumaon sa katawan ko. Hindi pa magaling ang sugat. Kaya Postponed muna ang kalokohan sa utak nyo." Pasigaw na wika ko
" Tika Baby? Bakit Apat? Diba Galos lang ng Knife yon?" Gulat na tanong ni Papa
" Papa! galos lang naman mali ang dinig mo. Apat ang galos ko." Pasigaw na tugon ko
" Good luck Baby! Ang mga napanood mo ha gayahin mo. Huwag kang papatalo sa Asawa mo." Nakangiti na wika ni Papa
" Oo naman! Ako pa." Buong pagmamalaki na tugon ko
Naglakad na si Vaughn palabas ng Hotel
" Tika ako muna." Wika ng Kapatid ni Vaughn
" Laro lang ha. Bawal patalim huwag kayo maingay pagkalayo na ng anak ko. Pagbibigyan ko kayo makikipag laro ako. Masakit ang flying kick ng Anak ko naaalog utak ko sa Flying Kick ng isang yon." Wika ni Papa
" Tika lang Ibang laro ang gusto nila." Wika ko bakas ang pag-aalala sa boses ko
" Hayaan mo na lasing na ang mga yon." Wika ni Vaughn
" Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ko
" Pakiramdam ko naglalaro ka lang Hindi ka seryoso. Kanina sa kasal hindi ka sumasagot ng maayos." Malungkot na wika ni Vaughn
" Paano ko ba sasabihin na Masakit katawan ko? May apat na tama ng bala sa katawan ko. Isa sa braso, tagiliran, Balikat at likod. Namamaga ang binti ko dahil sa flying kick na ginawa ko napadami ata ang kalaban ko kagabi. Hindi ko nga inaasahan na makakalabas ako ng buhay. Isa lang ang nasa isipan ko ang masaksihan ni Lolo ang nag-iisang Apo niya na ikasal. Kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko pinili ko ipakita sa lahat na okay lang ako. Pero wala talaga ako maintindihan kanina sa sinasabi ng pari. "
" Sorry." Tugon ko
Hindi siya sumagot Ramdam ko ang panlalamig niya.
" Parang ginawa mo lang laro at katuwaan ang kasal natin." Wika niya
Hindi ako sumagot tumahimik lang ako hindi na ko masabi na masama talaga ang pakiramdam ko. Masakit buong katawan ko, Masakit ang Sugat ko. Nilalagnat nga ako may lason ang knife na tumama saakin nagtataka ako kung bakit hindi napansin ni Vaughn na mainit ang katawan ko.
Pagdating sa Bahay inilapag niya ako sa kama Tumalikod siya lumabas ng Kwarto. Pumikit ako Pinapakalma ko ang sarili ko
Akmang tatayo ako bigla ako nahilo umiikot ang paningin ko.
" Babe! Anong nangyari sayo?" nag-aalala na tanong ni Vaughn
Nasalo niya ako bago ako bumagsak
" Kumuha ako ng gamot napansin ko kasi Mainit ka. " Wika ni Vaughn bakas ang pag-aalala sa boses niya
" May lason kasi ang patalim na tumama sa kanang balikat ko kaya nilagnat ako. " Paliwanag ko
" What? Bakit hindi mo sinabi? Dapat Nadala kita sa hospital pagkatapos ng kasal natin." Nag-aalala na wika ni Vaughn
" Gusto ko makita ang pamilya ko masaya sa araw ng kasal ko. Kaya kahit na mapanganib kinuha ko si Lolo. Tradition na saamin ang pagbibigay ng Dowry sa araw ng kasal. Ibibigay yon ng pinakamatanda sa pamilya. Si lolo ang pinaka matanda sa pamilya ko. Ililipat ko sa pangalan mo ang Dowry ko. " Nakangiti na wika ko
Hinubad ni Vaughn ang wedding gown ko
" Lahat ba to may lason?" Tanong ni Vaughn
" Sa kanang balikat, Ang sa Tagiliran, Kaliwang braso at Sa likod tama ng bala yan. Sa kanang balikat lang ang may lason. May gamot naman ako d'yan nandon sa Hotel room namin ni Lolo." Paliwanag ko
" Hello Skyler. Kunin mo nga ang gamot sa hotel room ni Mr Percy May lason pala si Lita. Bilisan mo." Nag-aalala na utos ni Vaughn
" Paggaling ko itutuloy natin ang Honeymoon. Pasensya kana hindi kita napasaya sa kasal natin. " Nakangiti na wika ko
" Saan ka pupunta mahiga kalang." Awat ni Vaughn
" Tatakbo sa labas. Magpapapawis para mawala ang lagnat ko. " tugon ko
" Mahiga ka nga! Tigas ng Ulo mo kulang pa ba yang sugat sa katawan mo? Pambihira ka naman Lita pinag-aalala mo ako e." Galit na wika ni Vaughn
" Sandali lang to mga Isang oras na takbo lang wala na tong lagnat ko." Tugon ko
" Hindi! Mahiga ka lang. " Galit na bulyaw ni Vaughn