♥RIANE♥ NAGISING si Riane sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Dinilat niya ang mga mata niya. Sa paglingon niya sa tabi niya, nagulat siya nang makitang tulog din si Thunder. Luminga-linga siya sa paligid at nanlaki ang mata niya nang mapansin na pamilyar sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. "Oh? You're awake?" Naghihikab na saad ni Thunder. "A-Anong ginagawa natin dito?" nauutal niyang saad at itinuro ang labas. "I told you right? Ipapakita ko sa 'yo kung ano ang mundong kinalakihan ko." Umiling-iling siya. "You're unbelievable Thunder! Hindi mo man lang hiningi ang opinyon ko kung gusto kong pumunta rito!" Bakit nga ba ganito siya maka-react? Nasa resort lang naman kasi sila na pagmamay-ari nila Thunder. Ang lugar kung saan niya inamin ang tunay na nararamdaman niya s

