♥RIANE♥ Halos kapusin na si Riane ng hininga nang tuluyan siyang makalabas ng hospital. Para siyang baliw na ngumangawa habang naglalakad na dahilan para pagtinginan siya ng mga tao. Pero wala siyang pakialam. Anong magagawa niya kung tila may sariling buhay ang mga luha niya at walang pag-ampat ang pagtulo ng mga ito. Kasalanan niya bang nasasaktan siya? Nasasaktan siya. Sobrang sakit. Kaya nga imbes na sumakay ng jeep pauwi at doon sa bahay nila ituloy ang pagdadrama niya ay umupo siya sa waiting shed at doon itinuloy ang pag-iyak niya. She can't help it. Lalo pa at paulit-ulit pumapasok sa isip niya ang nakita niya kanina. The way he smiled at her. The way he looked at her. It's different. It's as if he's willing to do anything just to make her happy. Hindi naman ito ang unang beses

