ANG laki ng lihim na tawa ni Nathan. Kitang- kita niya kasi kung gaanong nagtitimpi si Tamara sa pagkapikon nito sa kanya ng tambakan niya ito ng gagawin at sabihan na hindi ito pwedeng umuwi ng hindi natatapos ang ipinagagawa niya dito. Alam niya malapit na itong mapuno sa kanya. Ngunit mas gusto niya pang tinatarayan siya nito kaysa sa cold treatment nito sa kanya at hindi siya pinapansin na akala mo ay hindi sila magkakilala at walang intimate na minsan namagitan sa kanila noon. Pansinin man siya ay kapag may kinalaman lang sa trabaho. Kaninang pagpasok nito ay nakita niyang hinatid na naman ito ni Marcus. Dinig na dinig niya ng sabihin ng lalaki na susunduin nito si Tamara mamayang uwian. Pinapaimbita daw kasi ito ng Mommy ni Marcus sa birthday party nito para makilala na rin ng mga m

