Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako sa sofa. Nagising ako sa ingay ng makina ng sasakyan sa labas ng bahay, alam kung si Sander na yun. Mahinang bumukas ang pintuan at pumasok si Sander. Napa tingin ako sa orasan at madaling araw na pala. Nabigla siya ng makita akong naka upo sa sofa at naka tingin sa kanya. Nilapitan niya ako para halikan pero umiwas ako at ang pisngi ko ang nahalikan niya. " Nasa mesa yung ulam at kanin. " Walang gana kung sabi. Grabe ! ilang oras akong nag hintay at biglang nawala lahat ng pagod at gutom ko ng makita ang pag mumukha niya. " Summer. " Habol niya ng pumasok ako sa kwarto. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang unan ko sa kama at lumabas ng kwarto. " Saan ka pupunta ? " Alerto niyang tanong. Hindi ko siya sinag

