Sobrang bored ako ngayon sa bahay dahil tulog ang dalawang bata at walang matinong palabas sa tv. Nag aalinlangan pa ako kung dadalhan ko ba ng meryenda si Sander. Ang tagal ko na kasing hindi nakaka punta sa Saavedra at gusto kung makita ang Kristine na yun kaso baka nandoon ang Lolo ni Sander. " Ate, pwede ba kaming umuwi sa pasko at bagong taon ? " Alinlangang tanong ni April na nag lilinis. " Oo naman. " Naka ngiti kung sagot at napa yes naman sila ni Ivy. Masayang lumabas ng bahay si Ivy dala ang walis tingting. Malapit na pala ang pasko at malapit na rin ang birthday ko. December na next week at excited na ako dahil ito first Christmas at New Year na kumpleto kami. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng ma alala sina Mommy at Daddy. Sobrang miss ko na sila at si Kuya na lang ang

