IPWMP 12

1727 Words
"Thank you, Madam." Last day ko ngayon sa trabaho. Ilang beses na kasi akong pinagalitan nina Eiffel at Jake na mag leave muna dahil walong buwan na itong tyan ko. "Basta babalik ka ha." Matamis ang ngiti ni Madam habang nakatingin sa mga mata ko. "Opo, Madam." Sinuklian ko rin siya ng ngiti at lumabas rin ng opisina. Nahihirapan ako ngayon dahil lalong lumaki at bumigat ang tyan ko. Sabi rin ng Doctor kailangan ko ng tumigil muna sa pagtatrabaho at baka ma apektuhan ang kambal kapag napagod ako ng husto. "Okay kana?" Tanong ni Ricky ng makalabas ako ng building. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na lumayo at pinahirapan ko pa nga pero matigas talaga ang ulo niya kaya pinabayaan ko na lang dahil ayaw kong ma-stress at nang tumagal naging magkaibigan na kami.  "Yup, tara sa mall." Bibili kasi ako ng crib at iba pang kakailanganin ko pag nagkaanak na ako. "Yes boss." Ngumiti ito bago kinuha ang bag at siya na ang nagdala. Hinayaan ko na dahil mangungulit lang iyon hanggang sa makuha niya ang gusto niya.  Malapit na kami sa mall nang tumawag bigla si Eiffel.  "Yes?" "Anong yes?! Na-approve na ba ang leave mo?" Natawa ako dahil nai-imagine ko ang mukha niya sa kabilang linya.  "Opo, last day ko na po ngayon." Nasa parking na kami at nagtitingin kung saan kami pwedeng mag-park, ang dami kasi ng mga sasakyan ngayon.  "Saan ka ngayon? Mamaya pa kami uuwi ni Jake may pupuntahan lang kami." "Nasa mall, Ricky's with me pala." Noong nagwalong buwan na ang pagbubuntis ko doon na tumira si Eiffel at Jake sa condo. Todo alalay sila dahil isang buwan na lang daw manganganak na ako and I really appreciate it dahil kailngan ko ang tulong nila paminsan-minsan lalo na sa umaga dahil hirap akong bumangon sa higaan.  "Sige, ingat kayo." Nang nasa mall na kami nagyaya muna Ricky na kumain kaya pumasok kami sa isang Italian restaurant. Siya na ang pumili at nagbayad ng kinain namin. Galante rin kasi itong si Ricky, ayaw niyang naglalabas ako ng pera pera kapag siya ang kasama ko. "Tara na?" Pagkatapos kong kaumain ay agad akong tumayo dahil gusto ko ng bumili ng crib ng mga bata. "Sige." Tahimik lang na sumusunod si Ricky sa likod ko dala-dala parin ang aking bag. Habang naghahanap ako ng crib nakita ko si Sugar na may kasamang lalaki. Nanlaki ang mata niya ng makita ako at hindi ko ring magawang umalis dahil huli na, nakita na rin niya ako. Mabilis na nag lakad si Sugar papunta sa akin habang nakahawak sa kamay ng kasama niya. "Oh my gosh, you're pregnant!" Napalakas ang boses niya kaya naman pinagtitinginan kami ng ibang tao.  "Uhmm, hi! Ah.. yeah, I'm eigth months pregnant." Hilaw akong napangiti sa kanya. Kung minamalas ka nga naman oh pero hindi naman siguro niya ikukwento sa kuya niya na nakita niya ako.  "Hello. I'm Ricky, Summer's husband." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Sugar naman nag-alinlangan pa kung kukunin niya ba ang nakalahad na kamay ni Ricky o hindi. "Talaga? Wow." Mukhang hindi inaasahan ni Sugar ang sinabi ni Ricky sa kanya at napakurap pa ito habang nakipag-shake hands kay Ricky.  "Hind-" Ricky cut me off. Gusto ko pa sanang magpaliwanag pero naunahan na niya ako.  "Yes, sorry konti lang nakaka-alam kasi we want our wedding to be private eh." Napa-ubo ako sa sinabi ni Ricky. Ang kapal talaga ng mukha, galing mag-imbento ng kwento.  "Ah, sige ate Summer mauna na kami." Agad siyang tumalikod hatak-hatak ang lalaking kasama niya at mukhang nagmamadali ito. Kinabahan agad ako nang nakita kong kinuha niya ang phone niya sa bag at parang may tinawagan.  Shit! Baka tinawagan na niya ang Kuya Sander niya. "Bibili kapa ba? " Tanong ni Ricky kaya napabaling ako sa kanya.  "Kapal ng mukha mong sabihin sa kanya ng asawa kita! Gusto mong patayi kita ngayon?" Tumawa lng ito at hinatak na ako sa nakita niyang crib.  "Bakit? Takot ka bang malaman ng ex mo na may asawa kana?" Tanong niya habang tinitignan ang kulay blue na crib.  "Hi-hindi no!" Hindi naman kasi talaga! "Okay. Dalawaang crib ba ang kukunin natin o isa lang pero ang malaki?" Iniba na niya ang usapan kaya naman hindi ko na siya ma-away at isa pa nandito kami para bumili ng crib and if ever na ikwento ni Sugar ang sinabi ni Ricky sa kuya niya ay wala na akong pakialam.  Sa dami ng tanong ni Ricky sa sales lady ay nagpasya akong kumuha ng dalawang crib. Isang blue at isang pink. "Ako ang magbabayad." Inunahan ko na dahil alam kong siya na naman ang magbabayad.  " Marami akong pera. " Sabi niya sabay abot ng card sa cashier. "Wow, sana all rich." Tumawa siya sabay gulo sa buhok ko.  "You'll be rich if you marry me, Summer." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ew, in your dreams Ricky!" Inirapan ko siya at iniwan siyang tumatawa. Baliw! "Arte!" Natatawa niyang sabi at kinausap ang sales lady para ipa-deliver na lang yung crib sa condo. Matapos naming bumili ng mga gamit hinatid ako na niya ako sa condo at saktong dumating din ang pinadeliver namin kanina. Habang pinapasok ni Ricky ang mga cribs dumating sina Eiffel at Jake. Nang makita ni Eiffel si Ricky agad na umasim ang mukha niya. Kung ayaw ko kay Ricky mas lalong ayaw ni Eiffel sa kanya. "Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi kana." Sabi niya kay Ricky na kalalabas lang ng kwarto ko. "Oo na Miss Sungit." Natawa na lang ako sa kanila. Si Jake naman agad na pumasok sa kwarto nila ni Eiffel. "Bye." Kumaway pa siya bago lumabas ng pintuan. Makaraan ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan at pumasok sina Kyla at Ken na may dalang ulam. Sakto, hindi pa kasi si Eiffel nakaluto ng ulam namin. "Dinner?" Tanong ni Kyla at nilagay niya ang ulam sa mesa. Pork adobo at chicken curry iyon. "Wow, salamat." Sabi ni Eiffel at siya na ang naglagay ng mga plato sa mesa. Lumabas na rin si Jake ng kwarto kaya sabay-sabay na kaming kumain ng dinner. "Masakit ba pag sumisipa ang kambal?" Tanong ni Kyla habang sumusubo ng kanin. "Oo, sobra! Parang may wrestling na nangyayari kapag gumagalaw sila." Nakakatuwa na minsan nakakaiyak dahil nagigising ako ng madaling araw kapag sumisipa sila at masakit kapag natatamaan malapit sa lower abdomen ko.  "Patingin!" Excited namang sabi ni Eiffel. "Hindi pa gumagalaw eh." Sagot ko. Minsan natatakot akong gumalaw sila kasi feeling ko mapupunit yung tyan ko at mahuhulog sila kaya kapag sumisipa sila umuupo ako agad. "Tsk, sayang." Sabi ni Kyla at pinagpatuloy ang pagkain.  Mabilis kaming natapos kumain at napagpasyahan nilang manood ng movie kaya nag shower muna ako bago sumali sa kanila sa sala. The Notebook ang pinanood namin at todo iyak naman kami ni Kyla at Eiffel habang si Jake at Ken naman parang wala lang. Bakit ba nahihiya ang mga lalaking umiyak? Noon pag nanonood kami ni Sander ng movie hindi rin siya umiiyak ang sabi niya 'ang babaw naman kapag iniyakan ko ang isang movie, bakla ang umiiyak.' Kahit kailan hindi ko siya nakitang umiyak, tanging matigas lang siguro ang puso niya para sa mga ganun. Nang natapos ang movie ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano hanggang sa napag-usapan ang ipapangalan sa kambal. "May naisip kana bang pangalan?" Tanong ni Ken na naka-akbay kay Kyla. "Hmm, gusto ko simple lang. Dale kay baby girl mula sa pangalan ko at hindi ko pa alam kay babay boy." Nalilito pa kasi ako. Marami kasing magagandang pangalan para sa lalaki kaya nahihirapan akong pumili. "Eulesis. Eulesis ang pangalan niya." Sabi ni Jake kaya lahat kami napatingin sa kanya. "Pero babe hi-- " Hindi na natapos ni Eiffel nang magsalita siya ulit. "What ? Anak ni Sander ang bata at alam kung kahit anong mangyari hindi niyo ipapakita sa kanya ang mga bata kaya kahit pangalan na lang ng kaibigan ko. Kahit 'yon na lang sana, Summer. " Natahimik kaming lahat. Iyon na siguro ang pinakamahabang salita na narinig ko kay Jake. "S-sige. Eulesis ang ipapangalan ko." Naisip ko rin naman iyon pero hindi ko alam na naisip rin pala ni Jake. "Anong surname ang gagamitin nila?" Tanong ni Kyla. "Saavedra/Andana." Sabay pa kami ni Jake kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Duh! Andana, Jake. Iniwan kami ng kaibigan mo kaya okay na yung Eulesis pero ang Saavedra? hindi ako makakapayag." Malaki ang sugat na iniwan ni Sander hindi lang sa akin pati narin sa mga bata. "Fine." Yun lang ang sinabi niya at agad na pumasok sa kanilang kuwarto. Tinignan ko si Eiffel at nagkibit-balikat lang ito. "Sige, alis na kami para makapag pahinga kana Summer." Nagpaalam silang dalawa at agad din naman akong pumasok ng kuwarto. Nilagay ko ang ibang gamit ng kambal sa closet ko at ang mga feeding bottles sa mesa malapit sa crib nila. Excited na ako sa paglabas ng dalawa. Siguro ang cu-cute nilang tapos ang liliit. Gusto ko tuloy manganak ng wala sa oras at kurutin ang pisngi nila. "Baby Dale at Baby Eulesis." Nagulat ako nang bigla silang gumalaw. Dali-dali kung kinuha ang phone ko at tinaas ang damit ko para kunan ng video. Marami na akong video nila na gumagalaw at ipapakita ko ito kay Eiffel tiyak na masisiyahan 'yon.  Pagnagkukwento ako sa kanila palagi silang gumagalaw pero ngayon parang nagtagal ang pagsisipa nila. Aba! Parang gusto nila ang pangalan nila ah. Napangiti na lang ako habang nag vi-video sa kanila. Nang natapos silang lumikot sa tyan ko tatayo sana ako para uminom ng tubig nang may tumawag. "Hello." Tinignan ko ang number at galing sa ibang bansa ang tawag. Baka sina Mommy ito. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi man lang ito sumagot. "Hello po." Kumunot na ang noo ko pero wala pa rin. Singhot lang ang naririnig ko. Umiiyak ba to?   "Hello po? Gabi na po sa Pilipinas bukas na lang po kayo mang-trip at isa pa ay buntis po ako at kasisipa lang ng mga anak ko kaya wag kang tumawag dito kung ayaw mong ikaw ang sipain ko. Thank you po, bye." Napa-irap ako ng ibaba ko ang tawag. Mga walang kwentang mga tao. May sakit siguro sa pag-iisip at napatawag sa Pilipinas sakto na ako 'yong maswerteng taga Pilipinas. "Hay nako, makatulog na nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD