Past 5 na ng napagpasyahan ni Madam na umuwi nahiya pa nga ako at inihatid niya ako sa building na tinutuluyan ko.
"Maraming salamat po, Madam." Bumaba rin ako agad matapos kong mag paalam sa kanya.
"Walang anu man,Summer. Ma- ingat ka pati na rin ang baby. " Nakangiti niyang sabi at umalis din agad.
Salamat naman sa Diyos at natapos ang unang araw ko sa trabaho. Nakakapanghina nga lang ng loob dahil kada pasok ko so office ni Madam makikita ko ang masayang pagmumukha ni Sander sa picture frame. Sarap nga itapon sa bintana para hindi ko makita.
Papasok na sana ako sa elevator nang biglang dumilim ang paningin ko. Muntikan na akong matumba mabuti na lang at may sumalo sa akin. Amoy na amoy ko agad ang pabango niya at parang ayaw ko ng umalis. Nang tignan ko siya ganun na lang ang takot ko nang makilala ko siya.
"K-ken?" Nauutal kong tanong.
Tumango naman siya at dahan dahan niya akong inalalayan makapasok sa elevator. Si Ken ay ang first boyfriend ko nga lang nag hiwalay kami dahil isa syang chinese. Ang sabi kasi ng pamilya niya Ang chinese ay para sa chinese lang kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko sa kanya at napagpasyahang iwan siya.
Ngayon alam ko na kung hangang ngayon ay galit parin si Ken sa akin dahil hindi ko siya ipinag laban at iniwan ko siya. Parang kinarma ako sa ginawa kong pag iwan sa kanya dahil bumalik ang lahat ng ito sa akin kaso sumubra yata ang singil ng karma sa akin.
Nailang naman ako dahil kami lang ang tao at nabibingi ako sa katahimikan. Nang tignan ko ang kamay niya naka palibot ito sa bewang ko na parang ina-alalayan.
"Salamat." Tumango lang siya sa akin at diretso ang tingin.
Bumalik ang lahat nang nakita ko siya. Kong paano ko siya nakilala, paao siya nanligaw at sa panahong sinagot ko siya. Minahal ko naman si Ken kaso walang tatalo sa pagmamahal ko kay Sander. Ang laking parte ng puso ko ang sinakop ni Sander at kahit anong gawin kung pagmo-move on lalo lang akong nasasaktan.
Tumunog na yung elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako nang lumabas din si Ken. Tinignan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Magsasalita na sana ako ng pumasok siya sa katapat kung unit.
Huh?
H-hindi kaya matagal na niya akong nakita sa building na to? Bigla akong na ilang dahil wala kaming closure simula ng iniwan ko siya.
Pumasok ako sa loob ng unit ko na halo-halo ang emosyon. Pagod, ilang ng dahil kanina, pangungulila kay Sander, galit at inis sa sarili ko kasi kahit anong gawin ko na aalala ko talaga ang hinayupak nayun lalo pang nasa sinapupunan ko ang anak namin.
Hala! Nakita kaya ni Ken ang umbok sa tyan ko? Ano na lang ang sasabihin niya sa akin?
Maaga akong nagising kinabukasan dahil humihilab ang tiyan ko at parang gusto kong kumain ng Fettuccine Alfredo kaso alas kuwatro pa lang ng umaga at hindi ako marunong magluto nun.
Lumabas ako ng unit dahil gusto ko talagang kumain kaya lang sarado pa panigurado ang restaurant na nasa tapat ng building na nagluluto nito.
Naiinis ako na parang iiyak dahil hindi maibigay ang gusto ko. Ganito ba talaga pag buntis? Mukhang mababaliw na ako!
"Argh! Gusto kong kumain!" At nag papadyak ako sa labas ng unit ko dahil wala akong magawa.
" O-okay ka lang?" Nanlaki ang mata ko nang makitang naka boxers lang si Ken na humahangos palabas ng unit niya.
"H-ha? Okay lang. " Nagtatakang sagot ko sa kanya.
"Akala ko kong ano na ang nangyari sa'yo, sumisigaw ka kasi." Mariin niyang sabi at tinignan ako sa mata.
Natakam ako bigla dahil alam kong masarap mag luto si Ken ng Fettuccine Alfredo, bahala na at kakapalan ko na ang mukha ko.
"Uh.. Ken .."
"Hmm?" Tanong niya na nakatingin parin sa mata ko.
"Paluto naman ng Fettuccine Alfredo oh, mamamatay talaga ako pag hindi ako makakain ngayon." Mabilis kong sinabi iyon dahil nahihiya ako at mukhang nalito siya kaya tinignan niya ako ng mabuti hanggang sa dumapo ang tingin niya sa tyan ko.
Sumimangot ito agad at nagbuntong hininga.
"Pasok." Sabi niya kaya pumasok ako agad sa unit niya.
"Ken, sorry." Nakayuko kong sabi habang siya ay abala sa paglalabas ng ingredients sa ref.
"Saan? Sa pag-istorbo mo ngayon o sa pag-iwan sa akin? " Sabi na eh, galit parin to sa akin.
"Sa lahat, gusto ko lang naman ng closure dahil hindi natin nagawa yun nung nag br--"
"Noong iniwan mo ako." At nabigla na lang ako nang nasa harapan ko na siya.
"Ba't ka nagpakita kong kailan limot na kita? Kong kailan naka move on na ako at kong kailan ikakasal na ako kay Kyla?" May hinanakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya at ikakasal na siya kay Kyla?
Bata palang pinagkasundo na sila ni Kyla kaso ayaw niya kaya nag rebelde ito hanggang sa nakilala niya ako. Naging masaya kami ni Ken hanggang sa isang araw nalaman ng angkan niya na meron siyang girlfriend na hindi chinese kaya kinausap ako ng tita niya.
Noong una umayaw ako sa gusto nilang hiwalayan ko si Ken pero nag maka-awa ang tiyahin niya dahil magpapakamatay daw si Kyla pag hindi ko iniwan si Ken kaya naman nagpasya akong iwan siya dahil pag nagtagal kami hindi ko rin naman masikmura ang masamang tingin ng angkan nila sa akin.
Purong chinese si Ken at Kyla kaya gustong gusto ng ama ni Ken na ikasal siya kay Kyla Go. Iniwan ko noon si Ken dahil itataboy siya ng kanyang ama kapag hindi niya ako hiniwalayan kaya hindi ako nagdalawang isip na iwan siya dahil alam kong mahal na mahal ni Ken ang pamilya niya.
"Sorry na Ken, hindi ko sinasadyang sirain na naman ang buhay mo pero gusto ko lang naman na maging kaibigan ka." Nakasimangot parin ito sa akin.
"Tss." Pinanliitan niya ako ng maliliit niyang mata at binalikan ang niluluto.
"Ken, sorry na oh. Alam ko na malaki ang kasalanan ko pero tignan mo naman ngayon, masaya na kayo ni Kyla." May nakita kasi akong mga litrato nila ni Kyla na naka display sa dingding ng unit niya.
"Masaya na kami ni Kyla at natutunan ko siyang mahalin." Napangiti ako sa sinabi niya kaya naman niyakap ko siya. Hindi ko alam kong ba't ko siya niyakap pero kasi masaya ako para sa kanya ay Kyla. Dala rin siguro to ng pagbubuntis ko.
"U-uy... bitaw." At pilit niya akong nilalayo sa kanya ngunit tumawa lang ako.
"Masaya ako dahil masaya kayo ni Kyla. Friends?" Naglahad ako ng kamay.
Umirap muna siya bago kinuha ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Ken, maipit ang baby ko!" Singhal ko sa kanya, agad naman siyang bumitaw at pinandilatan ako.
"Nasaan ang ama niyan?" Tanong niya.
Kinuwento ko sa kanya lahat at kulang na lang murahin niya ako dahil sa katangahan ko.
"Pagnakita ko ang Sander na iyan wag na wag mo akong aawatin sa pagbugbog sa kanya. " Galit niyang sabi kaya napatawa na lang ako at kinain na ang niluto niya.
"Sarap naman na l--"
"Morning, babe." Masiglang bati ni Kyla na kakapasok lang ng pintuan.
"Babe, let me explain." Agad na niyakap ni Ken si Kyla na nakatulala sa akin. Napatingin ako sa orasan at malapit na palang mag 6.
"Ano ang ginagawa mo rito?!" Galit na tanong ni Kyla kaso nilapitan ko siya dahil ang cute cute ng mukha niya.
"An-anong gagawin mo?" Sigaw niya nang makalapit na ako sa kanya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at nanggigil na kinurot ito. Sobrang fluffy naman ng face niya!
"Ang cutemo naman Kyla. Ang liit ng mata mo." Gulat parin si Kyla sa ginawa ko.
"Summer, pinaglilihian mo ba ang fiancee ko?" Natatawang tanong ni Ken na ngayon ay naka upo sa sofa habang tumatawa.
"B-buntis ka?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala.
"Oo, magkatapat lang kasi ang unit namin ni Ken at pinagluto niya ako ng Fettuccine Alfredo tsaka arado pa kasi ang restaurant sa labas. " Sabi ko habang nakatingin parin sa cheeks niya.
"Si-sinong ama?" Kinakabahang tanong niya.
"Kong inaakala mong si Ken, hindi no MAS gwapo ang ama nito." At bakit parang proud pa ako kay Sander?
"Gago nga lang." Kumento ni Ken.
Kinuwento naman ni Ken kay Kyla ang sinabi ko kanina at tumatango lang si Kyla sa mga sinasabi ng fiance niya.
"Eh, gago pala ang lalaking yun eh. Buntis ka pero iniwan ka?! Aba't gago yun ah!" Inis niyang sabi habang nililinis ang pinagkainan namin. Habang nagkukwento kasi Ken kumakain kami ng breakfast.
"Mauna na ako sa inyo dahil may trabaho pa ako. Salamat sa breakfast, bye lovebirds."
"Bye, ingat ka at si baby." Sabi naman ng dalawa at tuluyan na akong lumabas para mag ayos.
"Madam, meron po kayong meeting with Mr. Clemente mamayang alas tres at may nagpadala po ng sulat galing New York." Nilapag ko naman ang sobre sa ibabaw ng mesa ni Madam.
"Salamat." Lumabas din agad ako dahil may tumatawag sa telepono.
"Hell--"
"Hello, sabihin mo sa Lola ko na kanina pa ako tumatawag sa phone niya!" Binaba niya agad ang tawag.
"Bastos to ah!" Hanggang sa natigilan ako. Boses ni Sander yun, hindi ako magkakamali. Siya yun!